ADI's POV
Nang marapos kong tulungan si Manang ay umakyat ako papunta sa kwarto ko para makapag-gayak na ako.
Pagkatapos kong maligo ay pinatuyo ko na ang buhok ko atsaka ako nag-bihis.
I chose to wear a black pencil skirt, a white v neck spaghetti strap top and a black blazer, I chose a pair of nude stiletto heels.
Ilang minuto pa ang itinagal ng pag-aayos ko bago ko napag-desisyunan na bumaba na para makakain na ako at ng makaalis na.
Nang makarating ako sa kusina ay naabutan ko si Ace na nag-hihintay, akala ko ay umalis na sya.
Naalala ko ang nangyari kahapon. Nagalit sya dahil hindi kami sabay, pinarusahan pa nga nya ako eh!
Nag-lakad na ako palapit sa kanya at para namang kumislap ang mga mata nya ng makita nya ako.
Tumayo sya at ipag-hihila nya pa ako ng upuan, pinag-pantay nya ang muka naming dalawa atsaka ako hinalikan sa labi.
Matapos nya akong halikan ay bumalik na sya sa pwesto nya, kinuha nya ang plato ko at nilagyan yun ng kanin at ulam kagaya ng ginawa nya kagabi.
"Do you have meetings today?" tanong nya sa akin.
"I have five meetings today" I answered after chewing the food in my mouth.
Napa tango-tango naman sya.
"Do you have a meeting during lunch?" muling tanong nya.
Tumango naman ako "I have a lunch meeting outside"
Narinig ko ang pag-buntong hininga nya at may ibinulong pa sya na hindi ko naman masyadong naintindihan.
Hindi ko na tinanong kung ano yun dahil baka magalit lang sya at ayaw ko naman na maging chismosa.
Nang matapos akong kumain ay bumalik ako sa kwarto para mag-sepilyo at para kunin na din ang gamit ko.
I check my things to make sure that I have everything, nang masigurado ko na nakuha ko na lahat ng kailangan ko ay lumabas na ako ng kwarto.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng makita ko si Ace na naka-sandal sa gilid lang ng pintuan ko.
Nang makita nya na lumabas na ako ay tumayo sya sa harapan ko "You ready?"
Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.
"Let me carry your bag," he was about to take my bag.
"Kaya ko na Ace, magaan lang naman eh" sabi ko sa kanya pero hindi sya nakinig at kinuha nya pa din ang bag ko.
Hinawakan nya ang kamay ko gamit ang kanan nyang kamay at bago kami tuluyang mag-lakad ay hinalikan nya pa muna ako.
Matapos nya akong halikan ay nag simula na syang mag-lakad habang hawak-hawak pa din ang kamay ko.
Nang makalabas kami ay nasa harap na ng bahay ang kotse at si Manong Yolando na hinihintay kami, imbes na si Manong Yolando ang mag-bukas ng pinto para sa akin ay inunahan sya ni Ace, hindi nya lang ako pinag-buksan ng pinto ng kotse inalalayan nya pa ako na pumasok.
Nang makasakay sya ay hinawakan nya ulit ang kamay ko. Buong byahe ay hawak nya ang kamay ko, binitiwan nya lang siguro nung makarating kami sa kumpanya para alalayan akong bumaba pero hinawakan nya din ulit yun nang makababa na ako hanggang sa maihatid nya ako sa office ko.
Ibinaba nya ang bag ko sa table ko atsaka nya ako hinarap "I'll go now" sabi nya atsaka sya lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi.
Mas matagal at mapusok abg halik nya sa akin ngayon kesa sa halik nya sa akin kanina sa bahay.
BINABASA MO ANG
Untitled Love
RomanceUNTITLED LOVE by cutenixA A Tagalog-English story. Adi was a nerd and she was the legendary nobody when she was in high school but like every girl, she also has a guy that she likes, Ace, her ultimate crush but he's in love with his girlfriend so sh...