CHAPTER 8

245 19 1
                                    

ADI's POV

"Asawa ko lang sya pero hindi ko sya Mahal! At hinding hindi ko sya mamahalin! S*x lang naman ang gusto nya diba! Kayang kaya ko yung ibigay sa kanya kung yun lang ang gusto nya!"

Kung sinuswerte ka nga naman bakit ba sa lahat ng pwede kong marinig ay yung pinaka-masakit pa!

Sunod sunod na naman na tumulo yung mga luha ko, napatakip ako ng bibig para pigilan ang pag-hikbi ko, bakit ba hindi pa ako masanay sanay, ilang ulit na akong nasaktan pero bakit hindi parin mamanhid yung puso ko! Ilang beses na akong umiyak pero bakit hindi nauubos yung mga luha ko.

Bakit ang sakit sakit!

Maglalakad na sana ako pero may naapakan ako na kung ano na naglikha ng ingay, napatingin silang lahat sa akin.

"A-Adi" utal na tawag ni Mika sa pangalan ko.

Tinignan ko sya pero agad ko ding inilipat ang tingin ko kay Ace, Ilang segundo din nagtagal ang paningin ko sa kanya.

Lalapit na sana sa akin si Mika pero agad ko silang tinalikuran at tumakbo, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero wala akong paki-alam, gusto ko lang lumayo at mapag-isa.

I found myself in front of a bar, walang pag-aalinlangang pumasok ako dun. Maingay, madaming ilaw, madaming tao, amoy usok at amoy alak.

Agad akong dumeretso sa Bar table, at dun ako mismo pumwesto kung nasaan ang bartender.

"Give me the strongest drink you have" utos ko sa bartender na tila nagulat pa dahil sa order ko ngunit wala itong ginawa kung hindi ang tumango at ibigay sa akin ang order ko.

Inisang lagok ko lang yun at tsaka muli akong um-order.

Hindi ko na alam kung ilang baso na ang nainom ko at ramdam ko na ang tama ng alak na yun, nahihilo na ako pero hindi ko pa din itinigil ang pag-inom ko.

Lasing na ako pero bakit hindi pa din mawala yung sakit na nararamdaman ko, bakit ang sakit sakit pa din. Gusto ko lang namang mawala yung sakit na nararamdaman ko kahit saglit lang pero ramdam na ramdam ko pa din yun. 

 "Another glass *huk* please" 

"M-Ma'am are you sure?" alangang tanong pa nung waiter sa akin.

Tinanguan ko lang sya at agad nya namang ibinigay ang order kong alak. 

Habang umiinom ako ay may naupong lalaki sa katabing upuan, hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pag-inom.

"Hey Miss, hinay hinay lang" napatingin ako dun sa lalaking katabi ko ng mag-salita sya, hindi ko sya pinansin at inisang lagok ko yung hawak hawak kong alak.

"You're beautiful" 

Nilingon ko yung lalaki na katabi ko atsaka nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko sya masyadong maaninag dahil madilim at parang nanlalabo ang paningin ko "Can you stop talking to me" inis na sabi ko sa kanya, narinig ko na natawa sya ng mahina.

"Ang sungit mo miss" 

"Can you *huk* please stop" inis na sabi at pigil ko ng maramdaman ko yung mga kamay nya na hinahaplos ang hita ko.

"I like you" sabi nya atsaka tumayo sa kina-uupuan nya at lalong lumapit sa akin na ikinailang ko naman, tinulak tulak ko sya palayo sa akin pero hindi sya tinatablan neto.

"Ano *huk* ba!" inis na sigaw ko sa kanya ng hawakan nya nag mga kamay ko para pigilan yun sa pag-tulak sa kanya.

"Stop touching her" napatingin ako kung saan nang-galing ang isang baritonong boses na iyon, kagaya ng kanina ay hindi ko maaninag at malabo ang muka nya sa paningin ko, epekto na din siguro ng alak kaya malabo at nahihilo na ako.

Untitled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon