[Oh my gooooooosshhh!!!! #303 na sa Romance itong story na ito, guys! OMG I'm so happy! Naiiyak ako :"> Thank you talagaaaa! :D Sana ay supportahan niyo po itong story na ito. I love you all! :D Vote and comment naman kayo, please? Thank you! :D Thank you so much! :D <3]
“Soooo… officially break na kayo?”
Napa-buntong hininga ako at sumagot. “Oo, Yumi. Wala na kami.”
“Eh, ano ba kasi ang nangyari?”
“Alam mo ang nangyari, Yumi.”
Nakita ko naman siyang ngumuso. “Oo nga pala.”
“Bakit bigla ka na lang sumuko, Jiro?”
Napa-tigil ako sa pag-lalakad, at pati rin sila. Napa-yuko ako. Oo nga, eh. Bigla na lang akong sumuko. Bakit nga ba?
“Dahil gusto niyang layuan ko na siya, Rin.”
“Pero hindi ikaw ‘yung tipo ng tao na susuko na lang bigla dahil sa sinabi lang niya na layuan ka na niya.”
Pumait ang mukha ko at nag-patuloy sa pag-lalakad. Sinundan naman ulit nila ako at pinagintaang dalawa.
“Eh, anong magagawa ko, Rin? ‘Yun lang ang tangi kong magagawa para sumaya na siya. Hinding-hindi siya magiging masaya kung ipagpapatuloy ko ang paghahabol sa kaniya.” malungkot na tinig kong tugon.
“Pero Jiro---”
Hindi ko na siya pinatapos na mag-salita dahil tumigil ako sa pag-lalakad at hinarap silang dalawa. “Bakit niyo ba ako sinusundan? Ang sa pagkakaalam ko, may mga klase pa kayo, ah? Lalo na ikaw, Yumi!”
“O-oo nga,” sabay nilang sabi.
“Oh, eh, ‘yun naman pala, eh! Eh, bakit niyo ako hinaharas, este kinukulit ngayon?”
“Ay, grabe? Hinaharas agad? Exag?”Napatingin ako kay Rin nang bumuntong hininga siya. “Sinasamahan ka namin dahil gusto ka naming damayan ngayon. Alam kong napaka-hirap ng sitwasyon mo ngayon, at gusto ka naming damayan, lalo na’t wala sina Raiden at Ryuu ngayon.”
“Oo nga! Alam naman naming broken hearted ka ngayon, eh! Kaya sige na, hayaan mo na kaming damayan ka! Parang hindi naman tayo magkakaibigan, eh!” sabat naman nitong si Yumi habang naka-nguso pa.
Umirap ako at tumalikod na. Nagpatuloy ako sa paglalakad, at naramdaman kong wala nang sumusunod sa ‘kin.
“Kaya ko ang sarili ko,” malamig kong sabi sa kanila bago ko sila iwanan ng tuluyan. “Pumasok na kayo sa mga klase niyo.”
Lumiko na ako sa isang corridor, at napa-hinto ako nang makita ko ang mga babaeng tumatakbo papunta sa ‘kin.
Hay… heto na naman sila. Tsk.
__________________________
[AYAME NAKAHARA]
Alam kong napaka-weird nitong sasabihin ko pero shit. Deep shit. Bakit naninibago ako na walang sumusunod-sunod sa akin na parang aso? Naiinis ako. Inis na inis ako. Alam niyo kung bakit? Kasi ako mismo ang nag-utos sa Jiro na ‘yan na layuan na ako. Sa akin mismo nanggaling ang mga salitan ’yon, pero leche, why am I having this feeling na parang gusto kong bawiin ko na lang ang sinabi ko na layuan na niya ako? At ang ikinaiinis ko pa lalo ngayon ay yung natatanaw ko ngayon. Bwisit! Male-late na ako sa next subject ko pero nakakabwisit ‘tong mga babae na ‘to na nakaharang sa corridor! Sino ba kasing buwisit na kung sino mang artista na ‘yan at bakit dito pa siya pinagkakaguluhan ng mga babae sa corridor!? Pwede naman siyang mag-pasikat na lang doon sa open field at nang hindi siya nakakaabala ng mga tao dito! Bwisit. Bwisit talaga!
![](https://img.wattpad.com/cover/29996137-288-k365318.jpg)
BINABASA MO ANG
She Suddenly Changed
RomanceMuling nabuhay ang puso ko noong bumalik siya pagkatapos ng matagal na panahon. Hindi ko akalaing nandito na siyang muli, at muling nararamdaman ang presensiya niya. Pero may kakaiba sa kaniya—at iyon ay ang nag-iba ang ugali niya. Ang presensiya n...