Nanlamig ang buo kong sistema nang makita ko siyang pumasok ng aming silid-aralan. At pati ang mga kapwa ko kamag-aral ay nagulat at napatulala sa kaniya.
Hindi ko inaasahan na pag-katapos ng matagal na panahon niyang pag-kawala ay bigla na lamang siyang nagpakitang muli.
Walang ka emo-emosyong pumunta siya sa kaniyang upuan, hindi manlang pinansin ang mga taong nagbubulungan nang dahil sa kaniya.
Ngunit nagulat ako sa biglaan niyang pag-babago. Lumamig ang kaniyang mga tingin. Lumalim din ang kaniyang mga mata. At ang aura niya, ang dating masigla at masayahing aura niya ay ngayo'y naging malamig at puno ng sikreto na. Ibang-iba na siya sa dating Aya na minahal ko.
"Aya! Oh my gosh, saan ka ba nanggaling at bakit ang tagal mong nawala!?" Naiiyak na tanong sa kaniya ng kaibigan niyang si Yumi.
Bumilis ang tibok ng puso koーhindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa labis na kabaーnoong bigla siyang tumingin sa akin. Hindi ko matukoy ang mga tingin niyang iyon. Malamig ang kaniyang mga tingin at may kasama itong galit.
"Sa impyerno." Madiin niyang sabi habang naka-tingin sa aking mga mata.
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng napaka-lamig na tubig. Mahina lang ang mga sinabi niyang iyon, pero sapat lang upang marinig ko ito.
Napa-lunok ako ng ilang beses at napa-iwas ng tingin mula sa kaniya. Bakit gano'n? Hindi ko kayang salubungin ang kaniyang mga tingin.
Pagkasabi noon ni Aya ay nag-taka si Yumi, kaya naman ay agad niyang sinundan ang tingin ni Aya. Kaya ngayo'y naka-tingin na siya sa akin. Napalunok akong muli.
Umubo ako ng peke at umiwas mula sa kanilang mga tingin. "M-magbabanyo lang a-ako."
Pagkasabi ko noon ay agad akong lumabas ng aming silid-aralan. Siguro ay sa susunod na asignatura na lang akong papasok muli. Dumiretso ako sa Open Field ng aming unibersidad. Lumapit ako sa puno na madalas kong pag-tambayan at umupo sa ilalim nito.
Huminga ako ng malalim at saka sumandal. Ipinikit ko ang aking mga mata, at hindi ko namamalayang patuloy na pala sa pag-patak ang aking mga luha.
Hindi ko kinaya ang hangin sa aming silid-aralan kanina. Pakiramdam ko ay ilang saglit lang ay sasabog na ang aking dibdib. Iyong mga tingin niya, iyong mga tingin niyang dati ay puno ng pagmamahal. Pero ngayon, puno na ito ng galit.
At nang dahil doon ay hindi ko na napigilan pang mapa-hagulgol. Wala na akong pake kung mag-mukha akong binabae sa mga nakakakita sa akin ngayon. Basta ang gusto ko lang sa mga oras na ito ay ang mailabas ang sakit na namumuo sa dibdib ko.
Ako ang may kasalanan. Ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganoon. Ako ang may kasalanan kung bakit siya nawala ng matagal na panahon. Ako ang may kasalanan kung bakit siya nag-bago...
... dahil sinaktan ko siya noong mga panahong minahal niya ako ng buo at totoo.
![](https://img.wattpad.com/cover/29996137-288-k365318.jpg)
BINABASA MO ANG
She Suddenly Changed
RomanceMuling nabuhay ang puso ko noong bumalik siya pagkatapos ng matagal na panahon. Hindi ko akalaing nandito na siyang muli, at muling nararamdaman ang presensiya niya. Pero may kakaiba sa kaniya—at iyon ay ang nag-iba ang ugali niya. Ang presensiya n...