"WHAT!?"
Napatakip ako ng dalawa kong tainga noong sumigaw si Yumi ng pagkalakas-lakas. Napa-mura tuloy ako ng mahina.
Sinabi kasi nila Raiden at Ryuu kina Yumi at Rin 'yung nangyari kagabi. Kaya ayan, nag-react si Yumi nang pagka-OA. Eh, ano pa bang aasahan niyo diyan? Eh, mas malakas pa sa megaphone ang bunganga niyan, eh. Di na lang gumaya kay Rin. Ewan ko ba, pinag-lihi yata sa sama ng loob 'yang si Rin, eh. Tapos dumagdag pa si Aya my loves ko sa pagka-cold ni Rin. Edi nag-yelo na ako nang dahil sa mga kaibigan ko!
Isa pa 'yang sina Raiden at Ryuu sa mga perwisyo sa buhay ko (uy, hindi ko sinasabi na perwisyo ang Aya ko sa buhay ko, ah! Mahal ko kaya ang loves ko!). Oo, nakita nila 'yung nangyari kagabi. Sumunod daw kasi silang dalawa sa akin dahil daw ang tagal kong bumalik. Baka daw kasi kinain na ako ng multo. Tss, asa. Ako? Kakainin ng multo? Haha! I-rape pwede pa. Sa guwapo ko ba namang ito? Ha!
Ang nakita lang daw nila kagabi ay 'yung senaryo na sinampal ako ni Aya. Inasar pa nga nila ako na kung naka-kabit pa rin daw ba 'yung pisngi ko. Oh, 'di ba? Sino ba namang hindi mapeperwisyo sa dalawang abnormal na 'yan?
Nakita kong ngumuso si Ryuu. "Ano ba 'yan, Hon. Ang ingay mo naman, eh~" Malambing niyang sabi kay Yumi.
"Che! H'wag mo nga akong matawag-tawag na Hon, lalaki ka!" Sigaw ni Yumi kay Ryuu. "Akala mo ba ay bati na tayo!?"
"Eh, kasi naman Hon, eh~ Bati na kasi tayo~!"
"Ayaw ko! Bahala ka sa buhay mo! Che!" Sigaw ni Yumi at nag-martsa na palabas ng silid na ito. Aba't talaga naman. Kaartehang taglay.
"Hon naman, eh~!" Parang bading na sigaw ni Ryuu at lumabas na rin ng silid na ito. Ewan, sinudan yata si Yumi.
Nag-away kasi silang dalawa dahil nakalimutang sunduin ni Ryuu si Yumi kaninang umaga. Oh, 'di ba? Napaka-babaw na dahilan lang para pag-awayan. Kaartehang taglay nga naman talaga ng dalawang iyon.
Napa-iling ako at napabuntong hininga. Mabuti pa sila, simple lang ang problema ng kanilang mga love life, dahil puro kaartehan lang naman ang sanhi ng mga pag-aaway nila. Hay, naku. Ewan.
"She really changed a lot," Napa-tingin ako sa nagsalitang si Rin. "And it's because of you."
Napa-buntong hininga ako at napa-iwas ng tingin. "Oo. Alam ko iyon, Rin."
"Wala ka man lang bang gagawin?" Malamig niyang tanong sa akin.
"Hindi ko alam, Rin. Masyado pa akong natatakot sa kaniya ngayon."
"A very lame excuse, Jiro." Mataray niyang sabi. Ayan na naman ang super powers niya. "I know you can, because I know and I believe that you're the only one who can bring her back."
Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang determinasyon sa kaniyang mga mata.
Nagpatuloy siya. "You can do it, Jiro. I know you can do it. You only have to do is to trust yourself. Boost your confidence. Your self esteem. Your fighting spirit."
Tinapik niya ang balikat ko at tumayo na para yata'y lumabas. Yumuko ako. Pakiramdam ko ay duduguin pa yata ang ilong ko dahil sa mga sinabi niya. English, eh. Pasensiya.
Napabuntong hininga ako. Tama si Rin. Kailangan ko na ngang gumawa ng paraan para maibalik sa dati ang Aya ko. Hindi lang dapat ako tumunganga na lamang at panuorin ang pagbabago ni Aya. Kailangan ay kumilos na ako bago pa man mahuli ang lahat.
Kung ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganiyan ngayon, sisiguraduhin kong ako rin ang magiging dahilan para bumalik siya sa dati...

BINABASA MO ANG
She Suddenly Changed
RomanceMuling nabuhay ang puso ko noong bumalik siya pagkatapos ng matagal na panahon. Hindi ko akalaing nandito na siyang muli, at muling nararamdaman ang presensiya niya. Pero may kakaiba sa kaniya—at iyon ay ang nag-iba ang ugali niya. Ang presensiya n...