[Aya on the right side~ click the external link for the hq pic. ;)]
.
Dalawang linggo na ang nakalilipas simula noong sinurpresa namin si Aya. At sa loob rin ng dalawang linggo na ‘yon ay patuloy pa rin ako sa pag-habol kay Aya.
.
Biyernes ngayon, kaya ang lahat ng estudyante ay pagala-gala na lamang sa paligid ng aming unibersidad. At siyempre, kasama ako sa mga ‘estudyante’ na ‘yon. Kung tinatanong niyo kung nasaan ang mga kaibigan ko ay, hindi ko rin alam. Siguro ay nakikipag-date sa kani-kanilang mga kasintahan.
.
At kung tinatanong niyo naman kung anong ginagawa ko ngayon ay, ayo’n, as usual, hinahanap si Aya. Wala, eh. Nakasanayan na. Sa una nga ay tinataboy niya ako. At siyempre, hindi ako nagpapataboy. Gwapo kasi ako. At ayo’n, siguro ay nagsawa na rin siya sa katataboy sa akin. At siyempre, ako naman itong si tuwang-tuwa, tuwang-tuwa nga.
.
Kinakausap na rin niya ako. Oo, kinakausap na niya ako. Pero nananatili pa rin siyang malamig sa ‘kin. Oo, aaminin ko, nalulungkot ako. At the same time, natutuwa. Nalulungkot ako dahil nananatili pa rin siyang cold sa akin. Natutuwa naman dahil nag-level up na ang koneksyon namin sa isa’t-isa. Kasi biruin mo ‘yon, kinakausap na niya ako. Parang dati lang ay halos umusok na ‘yung ilong niya sa tuwing nakikita niya ako. Pero ngayon, kinakausap na niya ako. Oo, kinakausap na niya talaga ako simula nang bumalik siya, pero kung kakausapin niya kasi ako, may kasamang galit. ‘Yung parang halos mamatay na ako sa boses at mga tingin niya. Pero kasi ngayon, parang nabawasan na. Ewan ko, siguro ako lang ang nakakaramdam no’n.
.
Ningingitian na rin niya ako. Oo, ningingitian na niya ako! Pero madalang ko lang siyang makitang nakangiti, eh. Pero kahit na minsan pa ‘yon, at ang dahilan pa no’n ay mag-mukha akong tanga ay, gagawin ko! Wala akong paki kung mag-mukha akong clown sa paningin niya. Eh, kung matatamis na ngiti naman niya ang masisilayan ko, eh, handa akong mag-mukhang tanga para sa kaniya. Gusto ko lagi siyang nakangiti. Kung makita niyo lang talaga siyang ngumiti ng matamis, jusko, mahihimatay kayo. Eh, ako nga eh, halos sumabog na ang dibdib ko sa tuwing makikita ko ang mga ngiti niya. Kayo pa kaya?
.
Napangiti ako. Mahal ko na talaga siya. Hindi naman ako ganito sa mga naging kasitahan ko noon. Kay Aya lang talaga ako nagkakaganito. ‘Yung tipo na gagawin ang lahat? Gano’n. ‘Yung tipo na ibibigay ang lahat, mapasaya ko lang talaga siya. Maski kay Azumi, hindi ko ito naramdaman. Oo, minahal ko si Azumi, pero iba sa paraan kung paano ko minamahal si Aya ngayon.
.
Oo nga pala. Speaking of Azumi Chan, kamusta na kaya siya? Ang balita ko kasi, nangibang bansa siya pagkatapos ng araw na ‘yon---araw na kung kailan nalaman ni Aya na pinaglalaruan lang namin siya. Siguro ay doon na siya nag-aaral ngayon. Malamang, kasi matagal na panahon na rin ang nakalilipas simula noong nangyari ang insidente na iyon. Baka nga tapos na iyon sa pag-aaral, eh. Kasi ‘di ba, advance doon sa ibang bansa?
.
Oy, baka isipin niyo na may nararamdaman pa ako para kay Azumi, ah? Wala na, ‘no. wala na talaga akong nararamdaman para sa kaniya. Pero siyempre, naging parte rin naman siya ng buhay ko, kaya hindi ko rin maiwasan na mag-alala para sa kaniya.
.
Naku, paniguradong magagalit iyon si Aya kapag nalaman niyang iniisip ko si Azumi! Tsk, tsk. Selosa pa naman iyon. Noong 1st year high school nga kami, may nakausap lang ako na babae, sinugod na niya kami, eh. Tapos nilait-lait niya ‘yung babaeng kausap ko! Nagulat talaga ako no’n! Umalis na ‘yung babae no’n, tapos nakita kong paiyak na ‘yung babae. Grabe kaya manglait ‘yan si Aya! Kung di ko pa sinabing kasama ko ‘yun sa SSG namin dati at may pinag-uusapan lang kami tungkol doon, di pa titigil sa kadadakdak, eh. Ang cute cute niya kayang magselos! Hay… pero binalewala ko ‘yun. Kasi hindi ko pa siya mahal no’ng mga oras na ‘yon.
.
Napa-buntong hininga ako. Bakit nga pala magseselos ‘yon si Aya eh, hindi na pala niya ako mahal. Hindi man kami literal na naghiwalay, pero alam kong wala na sa ‘kin ang puso niya. Ang tanga ko kasi, eh. Hawak-hawak ko na nga ang puso niya, binitiwan ko pa. At kahit gustuhin ko mang buoin itong muli eh, wala na. Hinding-hindi na muling muling mabubuo at maibabalik sa dati ang nabasag na.
.
Pero ang sabi nila, walang imposible sa mundo. Kaya bakit hindi ko subukang buoin itong muli, hindi ba? Alam kong napaka-imposible, pero gagawin ko ang lahat, maibalik lamang muli ang puso ni Aya sa akin. Mahal na mahal ko si Aya, kaya’t hindi ko na siya pakakawalan pang muli. Lalo na’t nandito na ulit siya. Minsan ko na siyang napakawalan, at sisiguraduhin kong iyon na ang magiging huli. I can’t bear to lose her again. Not anymore…

BINABASA MO ANG
She Suddenly Changed
Roman d'amourMuling nabuhay ang puso ko noong bumalik siya pagkatapos ng matagal na panahon. Hindi ko akalaing nandito na siyang muli, at muling nararamdaman ang presensiya niya. Pero may kakaiba sa kaniya—at iyon ay ang nag-iba ang ugali niya. Ang presensiya n...