"Naku, Ms. Nakahara! Sorry po!"
Nakuha namin ang atensyon ng mga kapwa estudyante namin. Ang iba'y napa-tigil sa kanilang pag-kain at itinuon ang atensyon sa aming magkakaibiganーat pati na rin doon sa babaeng nakatapon ng juice sa mismong damit ni Aya.
Ay, hayaan na nga iyan. Papatawarin naman agad iyan ni Aya, eh. Mabait kaya ang mahal ko!
Tumalikod na ako sa kanila para sana ay umalis. Pero hindi pa man ako nakakatalikod mula sa kanila ay bigla na lang akong nakarinig ng pag-singhap ng mga tao at pag-patak ng mga tubig sa sahig.
Agad naman akong humarap ulit sa kanila. At ganoon na lang ang pagka-gulat ko sa mga nakita ko.
... si Aya, binuhusan din ang kaawa-awang babae ng kaniyang hawak na isang basong tubig.
"AYA!!!" Gulat na sigaw ng mga kaibigan ko. Pero hindi niya pinansin ang mga ito at tinignan ang kaawa-awang babae.
"And now, we're fair. Serves you right." Malamig niyang sabi at lumabas na ng cafeteriaーiniwan kaming nakanganga.
Napatulala ako. Bakit ginawa iyon ni Aya? Dati ay kapag may nakakabungguan siya, agad niya itong papatawarin. Pero ngayon...
... gumanti siya.
Hindi niya iyon ugali. Hindi niya ugali ang gumanti at mag-tanim ng galit sa ibang tao, because she's mature enough to do those things. Bakit naging ganoon na lang siya bigla?
Umiling ako. Nakalimutan kong ako nga pala ang dahilan kung bakit siya nagkakaganiyan ngayon. Pero bakit kailangan pa niyang mandamay ng ibang tao? Hindi ba dapat ay sa akin niya ginagawa ang mga bagay na iyon?
Napabuntong hininga ako. Alam kong may plano siya, at nakikita ko sa personalidad niya ngayon, alam kong gagawin niya ang lahat, makapag-higanti lamang sa akin. At ang magagawa ko lamang ngayon ay ang mag-handa...
... ang mag-handa sa pagsalakay niya.

BINABASA MO ANG
She Suddenly Changed
Roman d'amourMuling nabuhay ang puso ko noong bumalik siya pagkatapos ng matagal na panahon. Hindi ko akalaing nandito na siyang muli, at muling nararamdaman ang presensiya niya. Pero may kakaiba sa kaniya—at iyon ay ang nag-iba ang ugali niya. Ang presensiya n...