Chapter Seventeen

104 8 1
                                    

(OMG! 1.1k na ang reads! Oh my, maraming maraming salamat po! Hindi niyo alam kung gaano niyo ako napapasaya. T^T <3 Pasensya na po pala dahil hindi ako nakapag-update nitong mga nakaraang linggo. Busy sa school, eh. Anyways, here's the new chapter! Enjoy reading~ ^u^)

[AYAME NAKAHARA]

Linggo ngayon at wala kaming pasok. At siyempre, nagmamaganda na naman akoㅡkahit na maganda naman talaga akoㅡdahil kami yata ang pinaka-suwerteng estudyante sa buong university, dahil ang building lang namin ang walang pasok. Akalain niyo 'yun? Sa dinami-daming building ng iba't ibang course sa aming unibersidad, kami lang ang walang pasok? Aba't sinusuwerte nga naman. Ewan ko ba kung bakit kami lang ang walang pasok. Finals na kasi yata nila. Ewan ko lang. Basta ang alam ko ay sa next-next week pa ang finals namin. At ewan ko nga kung bakit excite na excite sila sa finals. Lalo na si Yumi. Duh? Ano namang nakaka-excite doon? Eh, wala nga akong mahanap na dahilan para ika-excite ang finals, eh. Dudugo pa nga yata siguro ang utak mo. Ay, ewan. Minsan, ang gugulo ng mga tao ngayon.

Katatapos ko lang maligo at mag-ayos. Kasalukuyan kong tinitignan ang repleksyon ko sa salamin na kaharap ko ngayon. Ayos naman na ang make up ko. Pati na rin ang ayos ng buhok ko, okay na rin. Hindi ko naman na kailangan pang magpa-ganda ng sobra, dahil maganda na naman talaga ako kahit na hindi na ako mag-make up ng sobra. Hindi ako mahangin, sinasabi ko lang ang totoo. Hindi naman kasi ako sinungaling katulad ng iba.

Kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas na ng aking kuwarto. Wala sila mommy at daddy ngayon, dahil ewan ko, may pinuntahan yata sila. Tss, for all I care. *rolls eyes*

"Yaya! Give me the car keys!" Sigaw ko sa buong sala namin at maya-maya naman ay iniabot na sa akin ng kasambahay namin ang susi ng kotse

Lumabas na ako ng aming mansyon at pumunta sa garahe para kunin ang sasakyan na gagamitin ko, malamang. Nang maka-sakay na ako sa kotse na gagamitin ko ay agad ko namang pinaandar ito at umalis na ng buong mansyon.

Ako 'yung tipo ng tao na ayaw ng tahimik, kaya agad kong binuksan ang radyo. Pero napa-ngiwi ako dahil halos lahat ng estasyon ng radyo ay puro sad love songs ang pinapatugtog. Lalo akong napa-ngiwi. Sa bagay, linggo pala ngayon.

Kaya ayaw kong mapag-isa, eh. Kasi ang lungkot ng atmosphere. Sinabayan pa ng nakakalungkot na kanta. Eh, aba'y gusto yata akong patayin nito dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman ko.

Umiling ako. Ayame Nakahara, h'wag ka nang mag-drama diyan. Ang alalahanin mo na lang ay ang dinadaanan mo, dahil literal kang mamamatay kapag hindi mo tinitignan ang dinaraanan mo.

Alam niyo ba kung saan ako pupunta? Siyempre, magsisimba ako. Kahit naman na ganito ako ay may natitira pa naman akong takot dito sa puso ko. At natatakot ako na baka hindi ako pag-palain ng Diyos.

______________________

Pagkatapos ng misa ay hindi muna ako umuwi. Ayaw ko pang umuwi, tutal ay maaga pa naman. Pumunta ako sa hardin na malapit sa simbahan at umupo sa isa sa mga bench dito.

Masarap ang simoy ng hangin dito. Pumikit ako at dinamdam ang sariwang hangin.

Agad na rumehistro sa utak ko ang masasayang ala-ala ko kasama si Jiro. Nung mga panahon na malambing pa ako kay Jiro, nung mga panahon kung gaano ko ka-mahal si Jiro. Nung mga panahon na isinuko ko ng buo ang sarili ko sa kaniya, at yung panahon na nabasag ang puso ko ng pinung-pino nang dahil sa kaniya.

Naramdaman kong tumulo ang aking mga luha mula sa aking mga mata kahit na naka-pikit ako. Mahal ko pa siya, mahal na mahal. At alam kong mahal na rin niya ako. Ramdam ko iyon, ramdam na ramdam. Sa totoo lang eh, puwede na nga kaming mag-sama ng masaya, dahil mahal na rin namin ang isa't-isa, pero alam kong may kulang pa rin. Gusto ko siyang mag-dusa. Gusto kong ma-realize niya kung gaano ka-sakit ang ginawa niya sa 'kin. Gusto ko siyang pahirapan. Mahal ko siya, pero masakit talaga ang ginawa niya sa 'kin. Narealize ko na, hindi pala sapat ang pagmamahal lang sa isang relasyon. Kailangan din pala ng tiwala. At ang tiwalang iyon ay nawala na. Gusto kong ibalik iyon, pero hindi ko alam kung paano.

She Suddenly ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon