"Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon, pare."
"Tangina naman, Jiro! Para kang bakla, eh!"
"Pero seryoso, Ryuu. Hindi pa rin ako makapaniwalang si Aya mismo ang nag-bantay at nag-alaga sa 'kin buong magdamag."
"Oo na! Paulit-ulit ka naman, eh!"
"Pero kasi, eh..."
"Hay naku, Jiro! Alam mo bang tumawag 'yang si Aya kahapon sa Hon ko!?"
"Oo nga daw. Bakit, ano bang sinabi ni Aya sa Hon mo at bakit mukhang asar na asar ka?" natatawa kong tanong sa kaniya.
"Kinulit niya si Yumi kahapon! Bakit daw hindi ka pumasok! Tapos tinanong pa niya kung kamusta ka na daw, kung nasaan ka na daw. At dahil sa likas na madaldal itong asawa ko, este girlfriend ko, sinabi niya kay Aya kung nasaan ka." inis na inis na sabi ni Ryuu.
"Oh, 'yun naman pala, eh. Eh, bakit mukhang inis na inis ka diyan?"
"Eh, pinutol niya yung kasukdulan namin ni Yumi, eh!" O.A. niyang sigaw.
No'ng una ay hindi ko pa na-gets ang sinabi niya. Pero noong nakuha ko na kung ano ang ibig niyang sabihin ay binatukan ko siya ng pagkalakas-lakas.
"Gago ka talaga! Ni-rape mo na naman ba si Yumi!?"
"Aray putang--- hindi ko ni-rape si Yumi! Siya nga ang nag-suggest, eh."
Binatukan ko siya ulit. Pero mas malakas na kaysa sa batok ko sa kaniya kanina. "Tangina mo talagang hayop ka eh, 'no!? At talagang si Yumi pa ang nag-suggest, ah!?"
"PUTANG--- nakaka-dalawa ka nang batok, ah! Mamaya niyan eh, baka ma-bobo ako nito, eh!" sabi niya habang hinihimas-himas ang kaniyang batok.
"Bobo ka naman talaga, eh."
"Aba'y tangina neto!"
"Pero Ryuu, talaga bang tinanong 'yon ni Aya kay Yumi?"
"Oo nga! Alangan namang mag-sinungaling si Yumi sa akin, 'di ba!? Siya lang naman ang nag-sabi sa akin kung anong sinabi sa kaniya ni Aya, eh!"
BINABASA MO ANG
She Suddenly Changed
RomanceMuling nabuhay ang puso ko noong bumalik siya pagkatapos ng matagal na panahon. Hindi ko akalaing nandito na siyang muli, at muling nararamdaman ang presensiya niya. Pero may kakaiba sa kaniya—at iyon ay ang nag-iba ang ugali niya. Ang presensiya n...