"Uy, Yumi!"
"Oh, Jiro! Bakit?"
"Nakita mo ba si Aya?"
"Hindi, eh. Bakit?"
"Naiwan niya kasi itong lunch niya sa akin, eh."
"Eh bakaー"
"Baka naman nandiyan lang 'yan." Sabat naman nitong si Ryuu.
Inis ko siyang tinignan. "Hindi ikaw ang kinakausap ko."
Lumayas na ako sa harapan nilang dalawa. Humanda talaga sa 'kin 'yang si Ryuu mamaya. Kitang kinakausap ko 'yung girlfriend niya, bigla ba namang sumabat. Kung 'di ba namang bastos na lalaki 'to, eh.
Nasaan na ba kasi 'yung mahal ko? Napapagod na itong mga paa ko pero hindi ko pa rin siya makita. Malapit nang mag-ring ang bellーsenyales na matatapos na ang oras ng aming breakーat naku naman talaga, baka hindi pa 'yon kumakain!
Sakto namang pag-liko ko sa isang corridor ay nakita ko sina Raiden at Rin.
Nilapitan ko si Raiden at tinanong. "Pare! Nakita mo ba si Aya?"
"Hindi pare, eh." Sagot ni Raiden at tumingin sa girlfriend niyang si Rin. "Ikaw ba, wifey? Nakita mo ba si Ayame?"
Tinignan ako ni Rin ng walang kaemo-emosyon at nagsalita. "Nandoon siya sa likod ng building na ito."
Agad na nag-liwanag ang pag-mumukha kong guwapo. "Salamat, Rin!"
"Peroー"
Hindi ko na hinintay pang matapos ang kaniyang sasabihin dahil agad akong tumakbo sa kung saan naroroon ang mahal ko. Mabuti na lang talaga at madaming nalalaman itong si Rin. Bilib talaga ako dito sa kaibigan kong ito. Maaasahan talaga sila.
Nagtataka man ay excited pa rin akong pumunta sa likod ng building namin. Pagkapunta ko doon ay lalo akong nagtaka. Ang sabi ni Rin, nandito daw si Aya? Pero wala naman, ah?
Aalis na sana ako nang may narinig akong nag-uusap doon sa likod ng mataas at makapal na pader. At dahil isa akong guwapong dakilang tsismoso, alam na...
![](https://img.wattpad.com/cover/29996137-288-k365318.jpg)
BINABASA MO ANG
She Suddenly Changed
RomanceMuling nabuhay ang puso ko noong bumalik siya pagkatapos ng matagal na panahon. Hindi ko akalaing nandito na siyang muli, at muling nararamdaman ang presensiya niya. Pero may kakaiba sa kaniya—at iyon ay ang nag-iba ang ugali niya. Ang presensiya n...