Chapter Five

135 9 0
                                    

"Good morning, Aya my loves!" Masiglang bati ko noong pagkapasok ko sa aming silid-aralan.

Lumapit ako sa kaniya para sana ay halikan ang kaniyang pisngi. Pero natigilan ako noong nakita kong tinaasan niya ako ng isang kilay at tinignan ako na para bang tinubuan ako ng dalawang ulo sa katawan.

Tumabi ako sa tabi niya at ningitian ko siya ng pagkatamis-tamis. "I brought you a lunch!"

Inilabas ko ang tupperware mula sa aking bag at ipinakita sa kaniya. Ngumiti ako ng malapad, at alam niyo ba kung ano ang reaksyon niya?

... ayo'n, ang lamig.

Pero hindi pa rin ako susuko. Gwapo kasi ako. Ako pa!

"Alam mo ba, Aya my loves? Parehoー"

"Hindi ko pa alam. At wala akong balak alamin." Malamig niyang sabi.

"ーtayo ng ulam."

Tinignan niya ako ng masama. Pero ningitian ko lang siya ng matamis. Pangako, hindi ako nang-aasar. Gusto ko lang iparamdam ang pagmamahal ko para sa kaniya.

Nagpatuloy ako. "Sana ay kainin mo 'to mamaya. Pero mas maganda kung sabay tayong kakain!"

"Hindi ko kailangan niyan." Malamig niyang sabi na siyang ikinabagsak ng guwapo kong pagmumukha. 

Pero agad naman akong ngumiti ng malapad. "Pero masarap ang mga pagkaing ito, Aya."

Tinignan niya ako ng malamig. "Wala akong pake kung masarap 'yang mga pagkaing dala mo. Ayaw ko nang kumain ng pagkaing galing sayo. Mamaya niyan ay may gayuma pa 'yan."

"Ay, paano mo nalaman?"

Tinignan niya ako ng masama, pero imbes na matakot ako sa kaniya ay ningitian ko na lamang siya ng malapad. Sabi ko naman sa inyo, hindi ako nang-aasar. Ipinaparamdam ko lang ang pagmamahal ko para sa kaniya.

"Parating na si Prof.!"

Ang lahat ay napatingin sa ka-klase kong sumigaw. Kaya naman ang lahat ay umupo na sa kani-kanilang mga upuan.

Bumalik na rin ako sa sarili kong upuan. Mamaya niyan ay baka sermonan na naman ako ng Prof.kong panot dahil hindi na naman ako naka-upo sa sarili kong upuan. 

Napangiti ako. Siguro ay mamaya ko na lang ibibigay sa kaniya itong lunch niya.

She Suddenly ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon