"Achoo!"
Takteng flu naman ito, oh! Ngayon pa umatake kung kailan kailangan kong bumawi kay Aya! Tsk, kainis!
At dahil nagpaulan ako kahapon, ito, ito ang kinalabasan!
"A-a-a-a-AAACHOOO!!! Argh, takteng sipon naman ito, oh!"
Nandito ako ngayon sa dorm ko. At malamang namang hindi ako pumasok, hindi ba? Hindi rin ako nag-stay doon sa mansyon, dahil baka mag-histerikal na naman iyong si Mama dahil may sakit ako. Alam niyo naman 'yun, O.A.
Tinignan ko ang pagkarami-raming mga tissue na nagkalat sa sahig. Hinilot ko ang sintido ko at muling bumalik sa pagkakahiga. Shi*t naman. Kaya ayaw na ayaw kong nauulanan, eh. Kasi paniguradong kinabukasan niyan ay magkakasakit ako. At heto na nga, may trangkaso na ako. P*ta!
Ang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko ay binibiyak ito sa dalawa. Tapos ang bigat pa ng pakiramdam ko. Barado pa 'yung ilong ko. Tsk, takte lang! Tinatamad naman akong kumuha ng gamot doon sa Medicine Kit na nakapatong sa ibabaw ng Kitchen Cabinet ko dahil nga 'di ba, masakit ang ulo ko? Mamaya niyan ay kapag tumayo ako ay matumba rin ako.
Pumikit ako. At bago pa man ako tuluyang makatulog ay biglang rumehistro sa utak ko ang mga nangyari noon.
December 9, 20**
Holiday ngayon. At malamang naman na walang pasok. Naglilinis ako ng condo ko para pag-dating ni Aya mamaya ay maayos na dito. Alam niyo naman, masyadong malinis 'yong si Aya pagdating sa lahat ng bagay.
Sa kalagitnaan ng paglilinis ko ay narinig kong bumukas 'yung pinto. Naku, baka nandiyan na si Aya! Kaya naman ay iniligpit ko na ang mga panglinis na ginamit ko.
Habang inililigpit ko ang mga panglinis na ginamit ko ay naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod.
"O, my loves! Nandiyan ka na pala! Alam mo bang naglinis ako ngー" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil gano'n na lang ang pagka-gulat ko noong pagkaharap ko. "What the f*ck!? What the hell are you doing here, Azumi!?"
Tinignan ko siya at nakita kong ngumisi siya sa akin. "Did you missed me, my dear Jiro?"
"Anong ginagawa mo dito!?" Galit na galit na tanong ko sa kaniya.
"Chill ka lang," Nakangising sabi niya sa akin. "Since nagawa mo na ang ipinag-uutos ko sa 'yo, you can have me now, Jiro."
"No!!!" Galit na galit na sigaw ko sa kaniya.
Siya si Azumi Chan. Matagalo ko siyang naging crushーay, mali. Matagal ko na siyang minahalーat dahil sa kadesperaduhan kong maging akin siya dati, nagpa-alipin ako sa kaniya. Pinagawa niya ako ng isang dareーang dare na hindi ko alam na siya palang makasisira sa amin ni Aya.
Inutusan niya akong ligawan si Aya; na siya namang ginawa ko. Ang sabi niya kasi ay magiging sa akin lang daw siya kung magagawa kong pa-inlove-in si Aya at saktan.
At dahil sa mahal ko siya noong mga panahon na 'yon, sinunod ko ang ipinag-uutos niya. Niligawan ko ko si Aya at nagawa kong pa-inlove-in siya sa 'kin. Pero may nalaman akong isang bagayーna niloloko at pinaglalaruan lang pala ako ni Azumi. Akala ko ay mahal rin niya ako, pero nagkamali ako. Nabulag ako sa pagmamahal ko sa kaniya, kaya naman ay itinuon ko ang buong atensyon ko kay Aya. At sa hindi inaasahang pangyayari, nahulog ang loob ko sa kaniya.
Kaya bakit pa dumating itong si Azumi kung kailan mahal ko na si Aya?
"Bakit naman, Jiro? Nagawa mo na naman ang ipinagagawa ko sa 'yo. Huwag mong sabihin na mahal mo na ang babaeng iyon!? Oh, come on, Jiro! Ako ang mahal mo, hindi ba? Kaya ito na, oh! Nandito na ako! You can have me now, Jiro. I am all yours!"
"Oo, tama ka, niloloko ko lang si Aya. Pero dati iyon, Azumi!"
"Wow! Baka nakakalimutan mo, Jiro? Pinagpupustahan lang natin siya! Pinaglalaruan lang natin siya, Jiro!"
"Peroー"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makarinig ako ng kalabog mula sa may pinto. At ganoon na lang ang pagkagulat at pag-kabog ng dibdib ko.
... si Aya, nakatayo sa may pinto habang umiiyak.
"A-aya..."
BINABASA MO ANG
She Suddenly Changed
RomanceMuling nabuhay ang puso ko noong bumalik siya pagkatapos ng matagal na panahon. Hindi ko akalaing nandito na siyang muli, at muling nararamdaman ang presensiya niya. Pero may kakaiba sa kaniya—at iyon ay ang nag-iba ang ugali niya. Ang presensiya n...