Chapter Eight

137 9 0
                                    

[Please play the video on the multimedia, para naman ma-feel niyo ang chapter na ito. Ty! ^u^]

"A-aya..." Mahina at wala sa sarili kong sabi noong nakita ko siyang nakatayo sa may pinto habang umiiyak. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Parang humiwalay 'yung kaluluwa ko mula sa katawan ko. Pakiramdam ko, biglang huminto ang pag-tibok ng puso ko. Pakiramdam ko, parang biglang gumuho ang mga bagay-bagay sa paligid ko. Ito ang unang beses na nakita ko siyang umiiyak. At alam kong dahil iyon sa mga narinig niya,ーoo, sigurado ako. Sigurado akong narinig niya ang mga sinabi ni Azumiーdahil hindi naman siya iiyak ng ganiyan kung hindi niya narinig ang mga iyon.

Nakita kong pinunasan niya ang mga luhang tumutulo mula sa kaniyang mga mata at nag-salita.

"J-jiro? Totoo ba 'yung mga n-narinig ko?"

"A-ayaー" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil umeksena itong si Azumi.

"Bakit hindi mo sabihin sa kaniya ang totoo, Jiro?" Nakangising sabi niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. Bumuntong-hininga ako at tumingin kay Aya. "Y-yes. Pinag-pustahan ka lang namin, Aya. P-peroー"

Naputol ang dapat sana na sasabihin ko nang bigla siyang tumawa. "Hahaha! Ang tanga ko talaga! Bakit nga ba hindi ko napansin man lang iyon?"

"Aya..." Mahina kong sabi nang may nakita akong tumulong isang butil ng luha mula sa mata niya.

Tinignan niya ako ng puno ng emosyon. "Minahal kita, Jiro. Minahal kita ng buo at totoo. Pero ano itong isinukli mo?"

"Ang sakit, Jiro. Ang sakit malaman na niloloko lang pala ako ng taong mahal ko. You don't know how much I am broken right now."

"Kaya pala sa tuwing magkasama tayo, every minute ay lagi kang may kausap sa phone mo. Akala ko ay ang Dad mo ang palagi mong kausapーdahil iyon ang palagi mong sinasabi sa tuwing tinatanong kita kung sino 'yung tumawag sa 'yo. 'Yun pala, siya pala 'yung palagi mong kausap sa telepono mo..."

"Minahal kita, Jiro. Pinagkatiwalaan kita. Itinuring kitang parang prinsipe. Ibinigay ko ang lahat ng gusto mo. Pati ang pagkababae ko, ibinigay ko sa 'yo. Minahal kita ng buo at totoo. Pero ang ginawa mo?"

"Ipinaglaban kita sa mga magulang ko, Jiro. Dahil hindi mo alam kung gaano sila tutol sa relasyon na ito. Hindi ko sinabi sa 'yo dahil takot ako na baka sundin mo ang mga parents ko at iwan mo ako. Ipinaglaban kita sa kanila, Jiro. At nang dahil doon ay nawala si Papa. Nawala ang kaisa-isang King ng buhay ko..."

She Suddenly ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon