Chapter Fifteen

89 9 2
                                    

“Aya, saglit lang!”


Hinila ko ang braso niya at iniharap siya sa ‘kin. Napunta kami sa magubat na parte ng aming unibersidad. Tumakbo kasi siya bigla noong sinabi ko sa kaniyang mahal ko pa rin siya.


Humarap siya sa akin at tinignan ako. Nakita  kong may luhang tumulong luha sa kaniyang mga mata.


“Jiro…” mahinang sabi niya at tuluyan nang humagulgol.


Niyakap ko siya ng mahigpit. Hinaplos ko ang malambot niyang buhok at nag-salita. “Hush now, Aya…”


“Bakit ganiyan ka, Jiro?” umiiyak niyang tanong. “Bakit kung kailan pinili ko nang kalimutan ka?”


Hindi ako sumagot kaya naman ay nag-patuloy siya sa pagsasalita. “A-ang sabi ko sa sarili ko, kakalimutan na k-kita. Pinilit ko sa s-sarili ko na hindi na kita m-mahal. Pero b-bakit gano’n? Nang dahil lang sa s-sinabi mong mahal mo pa rin a-ako, biglang bumalik lahat ng pag-mamahal ko s-sa ‘yo?”


Nagulat ako sa mga narinig ko. Totoo ba ang lahat ng ‘to?  Totoo ba ‘yung mga narinig ko? Parang ibang Aya ‘yung kaharap ko ngayon. ‘Yung Aya na mahina. Hindi ako nag-salita at hinayaan lamang siyang mag-salita.


“J-jiro, totoo bang m-mahal mo pa rin a-ako?”


Bumuntong-hininga ako at muling nag-salita. “Oo, Aya. Mahal pa rin kita. Mahal na mahal pa rin kita, Aya.”


At sa sinabi kong iyon ay narinig kong humagulgol ulit siya. “A-akala ko, h-hindi mo n-na ako m-mahal. Akala ko hindi mo ako minahal. At akala ko, hinding hindi mo ako m-mamahalin…”


Umiling ako ng paulit-ulit. “Hindi, Aya. Mahal kita. Totoong mahal kita. Pakiusap, paniwalaan mo ako kahit ngayon lang. Kahit sa pagkakataong ito lang, Aya. Paniwalaan mong totoong mahal kita.”


“Naniniwala ako, Jiro. Naniniwala akong mahal mo ako. Natutuwa ako dahil mahal mo rin pala ako.” Sabi niya habang umiiyak pa rin. “M-mahal pa rin kita, Jiro. Mahal na mahal pa rin kita. Kahit kailan naman ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa ‘yo… pero---“


Natuwa ako sa mga narinig ko. Pero agad ding nawala iyon noong narinig kong sinabi niya ang salitang ‘Pero’.


“P-pero ano, Aya?”


“---pero sa tingin ko, hindi na natin maibabalik ang dati.”


Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya at mariin na pumikit. Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang leeg at nag-salita. “Aya, hindi pa ba sapat ang mga paghihirap ko nang dahil sa ‘yo? Ang tagal kong nag-hintay sa ‘yo. I suffered because of what I did to you. Tuwing gabi na lang ay hindi ako makatulog dahil pilit akong binabalikan ng konsensya ko. Pilit akong ginagambala ng konsensya ko dahil sa mga nagawa ko sa ‘yo noon. Mahal kita Aya, eh. God knows how much I love you. Sa maraming taong nagdaan noong wala ka, nag-alala ako ng sobra dahil bigla ka na lang nawala. Lagi kong iniisip na kung nasaan ka na ba, kumakain ka pa ba, o kung buhay ka pa. Hindi ako mapanatag. Lagi akong umiiyak nang dahil sa ‘yo, Aya. Alam kong nagmumukha na akong binabae, pero iyon ang totoo. At noong dumating ka, bigla akong natuwa. Natuwa ang puso ko dahil sa wakas ay nandito ka na. Pero nawala din ang tuwa kong iyon noong nakita kong may nag-bago sa ‘yo. Natakot ako sa ‘yo, Aya. ‘Yung mga tingin mo, ‘yung mga tingin mong dati ay puno ng pagmamahal, pero ngayon ay puno na ng galit. ‘Yung awra mo, ‘yung dating awra mo na masayahin at maligalig, ngayon ay naging malamig na. Sa  tingin mo ba, Aya, hindi ako nasasaktan nang dahil sa mga ‘yon? Akala mo ba ay wala lang sa akin ang lahat ng mga ginagawa mo? Aya, masakit para sa ‘kin iyon. Sobrang sakit, dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit bigla ka na lang nagbago. Ako ang dahilan kung bakit ka nasaktan. Ako ang dahilan kung bakit ka nagkakaganito. Ako ang dahilan ng lahat ng ito ngayon. Ano pa bang gusto mo, Aya? Ano bang gusto mo para mapatawad mo ako? Para bumalik ka na sa akin?”


“H-hindi mo naiintindihan, Jiro!” sigaw niya at kumalas sa mga yakap ko. “Hindi mo naiintindihan ang sitwasyon ko ngayon!”


“Ano ba ang sitwasyon mo ngayon? Sabihin mo sa ‘kin kung paano ako makatutulong sa ‘yo. Sabihin mo sa akin, Aya.”


“Gusto mong talagang malaman kung paano ka makatutulong sa ‘kin, Jiro?” malamig niyang tanong sa ‘kin habang umiiyak.


“Oo, Aya. Sabihin mo sa ‘kin kung paano ako makatutulong sa ‘yo.”


“Layuan mo ako.”


Naramdaman kong may lumabas na mga luha mula sa mga mata ko. “I-iyon ba talaga ang gusto mo?”


Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin. Hindi siya naka-tingin sa akin. At sa palagay ko’y umiiyak rin siya.


“Sagutin mo ako, Aya.”


Tinignan niya ako ng malamig at nag-salita. “Oo. Gusto kong layuan mo na ako at umalis ka na sa buhay ko.”


Yumuko ako at pumikit para pigilan sa pag-agos ang mga luha ko. “S-sige. Kung ‘yan ang ikasasaya mo, ibibigay ko. Lalayuan na kita at ititigil ko na ang pag-hahabol sa ‘yo.”


She Suddenly ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon