Chapter Twelve

85 9 0
                                    

“Ano ba ‘yan, akala ko ay susuko ka na ng dahil doon sa nangyari sa inyo si Aya noong isang araw. Pero mukhang mas lumakas pa yata ang fighting spirit mo!”

“Eh, gano’n talaga, Ryuu! Ang sabi nga nila: ‘walang mangyayari sa isang relasyon kung ang isa sa inyo ay walang magsasakripisyo.’”

“Ang tanong: may relasyon ba kayo?”

“Oo kaya! Alalahanin mo, wala kaming maayos na paghihiwalay!”

“Hay naku, Jiro. Bilib na talaga ako diyan sa kamartiran mo.”

“Eh, wala, eh. Gagawin ko ba ang bagay na ito kung hindi ko siya mahal?”

“Sa bagay, tama ka. Gagawin mo nga naman talaga ang lahat para lang sa mahal mo.”

“Tama ka, Ryuu. Kahit na masaktan ka pa ng paulit-ulit, gagawin at gagawin mo pa rin ang lahat, mapasaya lang ang taong mahal mo.”

“Tangina, Jiro! Ang lalim no’n, ah!” sabi niya. “Mukhang dinugo pa yata ‘yung ilong ko…”

“Sus, kahit sino naman eh, gagawin iyon. Kahit nga ikaw eh, ganiyan din kay Yumi.”

“Eh siyempre, mahal ko, eh! Teka nga! Ano ba kasing ginagawa natin dito sa loob ng kuwarto ni Aya!?”

Napangiwi ako sa sigaw niya. “Naman Ryuu, eh! H’wag ka ngang sumigaw! Baka mamaya niyan ay may makarinig sa ‘yo sa labas!”

“Eh, ano ba kasing gagawin natin dito!? Mamaya niyan ay mahuli tayo, mabingo pa tayo nang wala sa oras!”

“Ikaw ang mabibingo sa ‘kin kapag hindi ka pa tumigil sa kakasigaw diyan,” inis kong sabi sa kaniya. “Hindi tayo mahuhuli kung hindi ka sisigaw.”

Napakamot siya ng kaniyang ulo. “Eh, ano ba kasing gagawin?”

Sinabi ko na sa kaniya ang plano at ang mga dapat niyang gawin. Nandito kami ngayon sa kuwarto ni Aya. Oo, nandito kami ngayon sa mansyon nila. At alam niyo ba kung paano kami naka-pasok dito sa kuwarto ni Aya?

Wala naman, nag ala-akyat bahay lang naman kami.

At tinatanong niyo ba kung bakit at anong ginagawa naming ni Ryuu dito sa kuwarto ng mahal ko? Wala lang din, kukuha lang kami ng ilang kagamitan ni Aya at pagpapantasayahan ko lang naman. Pero siyempre, biro lang. Susurpresahin kasi namin si Aya. At kung tinatanong niyo kung ano ang surpresa naming sa kaniya eh, sikreto na ‘yun.

Napangiti ako. Sana lang ay magustuhan ito ni Aya my loves…

___________________

“Uy, Jiro! May papaakyat! Mukhang nandiyan na yata si Aya!”

Bigla akong na-alarma sa sinabi ni Ryuu, kaya naman ay isinaboy ko na ang mga natitirang talulot ng mga bulaklak sa sahig at madaling hinila si Ryuu papunta sa balkonahe para mag-tago.

Sumilip ako ng kaunti doon sa bintana. Nakita kong bumukas ang pinto at iniluwa nito si Aya na may gulat na ekspresyon sa mukha. At nandito na naman ‘yung pakiramdam na parang mababaliw ‘yung puso ko dahil nakita ko na naman ang maganda niyang pagmumukha.

“Jiro! ‘Yung---”

Hindi ko na pinatapos ang dapat na sasabihin ni Ryuu dahil agad kong tinakpan ang kaniyang bibig at binalaan na h’wag siyang maingay dahil dahil baka marinig siya ni Aya.

Humarap ulit ako sa bintana at muling tinignan si Aya. Nakita kong inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng kaniyang kuwarto. Umupo siya sa sahig at kumuha ng ilang mga talulot ng bulaklak na nakakalat sa sahig. Pagkatapos niyang i-apresya ang mga talulot ng bulaklak sa sahig ay tumayo siya at nilapitan ang isang lamesang maliit. Hinawakan niya ang bawat kandilang nakapatong sa ibabaw nito, at maya-maya pa’y nasilayan ko na ang matatamis niyang mga ngiti. Napa-tingin kami ni Ryuu sa isa’t isa ang napa-ngiti. Nag-apiran kami at napa ‘yes!’. Eh, ano pa ba? Napangiti namin si Aya. Eh, di tagumpay ang plano’t surpresa naming para sa kaniya!

She Suddenly ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon