Chapter Nine

119 10 0
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Tatayo na sana ako mula sa aking pagkakahiga nang may naramdaman akong mabigat na bagay na nakadagan sa hita ko. Tumingin ako sa tabi ko, at gano'n na lang ang pag-kagulat ko sa nakita ko.

T-teka, si Aya ba ito? Kinusot kong muli ang mga mata ko at tinignang muli ang katabi ko. Teka, si Aya pa rin 'yung nakikita ko, eh! Baka naman... baka naman nananaginip pa rin ako? Tama, baka nga ay nananaginip pa rin ako!

Isang sampal ang ibinigay ko sa sarili ko. Pero wala pa rin! Sinampal kong muli ang sarili ko. At sinampal pa. Pero nakikita ko pa rin si Aya!

Ngumiti ako nang malapad. Totoo nga. Totoo ngang nandito siya, natutulog sa tabi ko. Hindi lang pala panaginip ito. Lalong lumapad ang mga ngiti ko. Sinasabi ko na nga ba, eh! Sinasabi ko na nga ba't mahal pa rin niya ako!

Hinaplos ko ang buhok niyang malambot at inamoy ito. Tinignan ko ang mukha niyang maganda. Ang mga pilik-mata niyang hindi kahabaan, ang ilong niyang matangos, at ang kaniyang mga labi... ang mga labi niyang mapupula at malambot. Ang mga mata niyang singkit. Ang kutis niyang porselana. Masasabi kong napakaganda nga niya talaga...

Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito siya. Posible kayang siya ang nag-alaga at nagbantay sa akin buong magdamag? Alam kong napaka-imposible, pero hindi naman masamang mangarap, hindi ba?

Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya ng napakahigpit. Napangiti ako. Sana lang ay h'wag siyang ma-alimpungatan sa ginawa ko.

Lalo akong napangiti noong naalala ko 'yung theme song namin, kaya naman ay sinimulan ko nang kantahin ito.

Lying beside you, here in the dark

Feeling your heart beat with mine~

Softly you whisper, you're so sincere

How could our love be so blind~

We sailed on together~

We drifted apart

And here you are by my side~

So now I come to you, with Open Arms

Nothing to hide, believe what I say~

So here I am with Open Arms

Hoping you'll see what your love means to me

Open Arms~

Living without you, living alone~

This empty house seems so cold

Wanting to hold you, wanting you near

How much I wanted you home~

But now that you've come back

Turned night into day

I need you to stay~

So now I come to you, with Open Arms

Nothing to hide, believe what I say~

So here I am with Open Arms

Hoping you'll see what your love means to me

Open Arms~

Hoping you'll see what your love means to me

Open Arms...

Hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako. Pinunasan ko ang mga luhang tumulo mula sa mga mata ko at tinignan si Aya.

Aya, ngayong nandito ka na ulit, hindi na ulit kita papakawalan pa. Ipinapangako ko 'yan...

___________________

"Puwede bang dito ka na lang muna mag-stay hanggang hapon, my loves?"

Tinignan niya ako ng masama. "Magtigil ka, Kurosawa."

Napanguso naman ako. "Ano ba 'yan, sayang maman."

"Ipinagluto na kita. Kung gusto mo nang kumain, kunin mo na lang diyan sa ref at initin mo na lang sa microwave. At 'yung gamot mo nga pala, nandiyan lang sa ibabaw ng lamesa. Pagkatapos mong kumain ay inumin mo na 'yung gamot mo at uminom ng maraming tubーoh, bakit ganiyan ka kung makatingin?"

I chuckled. "You're acting like a worried wife, my loves."

Inirapan niya ako. "Huwag mong bigyan ng halaga ang mga ginagawa ko para sa 'yo. Na-guilty lang talaga ako doon sa... doon sa ano... d-doon sa g-ginawa ko sa 'yo kahapon. At sakaー"

Napanguso ako. "At saka?"

"At saka ano... at saka t-tinawagan ako ni Yumi kahapon. K-kinulit niya akong papuntahin d-dito, eh."

Natawa ako. Ang cute cute niya! "Eh, bakit ka namumula?"

Lumaki ang mga mata niyang singkit at hinawakan ang kaniyang dalawang pisngi. "H-ha!? Sinong... s-sinong namumula!? H-hindi kaya!"

Nagkibit-baklikat ako at pinigilan ang aking tawa. "Okay, sabi mo, eh."

Inirapan niya ako at kinuha na niya ang kaniyang shoulder bag. "Magaling ka na rin naman, 'di ba? Kaya lo na naman siguro ang sarili mo. Sige, aalis na ako."

Hindi na niya ako hinintay pang makapagsalita at agad na lumabas ng unit ko.

Napa-iling ako. Aaminin ko, nalungkot ako noong sinabi niya na naguility lang siya kaya niya ginawa ito. Pero hindi na naman mahalaga iyon, 'di ba? Ang mahalaga ay binantayan at inalagaan niya ako. 

Hay naku, Aya. Habang tumatagal yata ay lalong nahuhulog ang loob ko sa 'yo...

She Suddenly ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon