Chapter Three

220 12 0
                                    

"Nagbago na talaga si Aya."

"Oo nga, eh. Si Aya ba talaga 'yon?"

"O baka naman demonyo na sumapi sa katawan ni Aya!? Hala!"

Binatukan ko nga. "Tarantado! H'wag ka ngang mag-salita ng ganiyan!"

Napakamot siya ng kaniyang ulo. "Eh, sorry naman."

Nandito pa rin kami ng mga ka-tropa ko sa aming silid-aralan. Kanina pa ang uwian namin, ngunit napag-pasiyahan naming tumambay muna dito. Wala lang, trip lang namin. Guwapo kasi kami. Mas angat nga lang ako.

"Hoy, ano ba!? Hindi pa ba tayo uuwi? Gabi na, oh! Malayo pa ang bahay ko!" Sigaw ni Ryuu.

"T*ngina naman Ryuu, eh! Ang ingay mo!" Inis na sigaw naman nitong si Raiden.

Natawa na lang ako sa pagsasagutan nilang dalawa. Napailing ako at kinuha ang aking bag.

"Hoy, dalawang siraulo! Tara na, umuwi na tayo. Pasado alas-siyete na rin ng gabi, oh." Sabi ko habang tumitingin sa relo kong G-Shock. Naks!

"Aray, ha! Kung maka-siraulo naman itong gagong 'to!" Sigaw ni Ryuu at ngumuso pa. Aba.

"O, bakit? Guilty ka?" Sabat naman nitong si Raiden. "Gago, h'wag ka ngang ngumuso! Ang pangit mo, tanga!"

Natawa ako ng malakas. Pagpasensiyahan na, ganiyan talaga kasi ang mga kaibigan ko. Pero kahit hindi normal 'yang mga 'yan, maaasahan naman talaga sila.

Lumabas na kami ng aming silid-aralan. Madilim na sa corridor na aming dinadaanan. At salamat sa ibang silid na nakabukas ang mga ilaw, dahil medyo nababawas-bawasan ang dilim. Hehehe.

"T*ngina mo naman Ryuu, eh! Bakit ka ba siksik ng siksik sa akin!? H'wag mong sabihing nababakla ka na sa ka-guwapuhan ko!?"

"Ulol! Natatakot kasi ako, eh. At saka, taninga mo rin!"

"Anong taninga? Hahaha! Bulol na nga, bakla pa! Hahahaーay pucha, lumayo ka nga sa 'kin!"

"Aray!"

"T*ngina niyo, kapag hindi pa kayo tumigil, sasalaksakin ko talaga 'yang mga bunganga niyo gamit ng paa ko!" Inis kong singhal sa kanila, at agad naman silang tumahimik. Kinapa ko ang aking bulsa para sana kunin ang cellphone ko.

She Suddenly ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon