Dumiretso ako sa Open Field ng aming unibersidad at nakita kong nakaupo si Aya sa isang bench nang mag-isa.
“Hi.” Bati ko sa kaniya at umupo ako sa tabi niya. “What are you doing here? Are you alone?”
Tumingin siya sa ‘kin at nakita kong tumaas ang kaliwa niyang kilay. “Isn’t it obvious?”
Tumawa ako ng malakas. Pero agad din naman akong napatigil noong nakita kong tinignan niya ako ng malamig.
Umubo ako ng peke. “So… what’s up?”
Ibinalik niya ang tingin niya sa mga bata, este mga estudyanteng naglalaro ng ten twenty. “Nothing, just… chilin’”
Matagal na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa---tanging hagikgikan lamang ng mga babae at mga binabae ang maririnig.
Ayos na rin ito. Ang ibig kong sabihin, ayos na rin ito kahit hindi kami nag-uusap. Basta maramdaman ko lang ang presensya niya, ayos na ako. Pinakiramdaman ko ang puso ko. At heto na naman, ang lakas na naman ng tibok niya. Parang lalabas lalabas na ito sa kaniyang kinalalagyan dahil sa lakas ng tibok nito. Ganito naman lagi, eh. Kapag sa tuwing nakikita ko siya at nararamdaman ang kaniyang presensya, parang may kung-anong bagay na gusting kumawala sa dibdib ko. Parang may mga bulateng nagwawala sa sikmura ko. Ewan ko ba, simula noong minahal ko si Aya, pakiramdam ko ay naging weird na ako. Ay, ewan. Hayaan na nga ito.
“Aya---“
“Jiro---“
Natawa kaming pareho dahil sa sabay naming pagsasalita.
“Sige, ikaw muna, Aya.” Sabi ko sa kaniya. Magmumukha ba akong binabae kung sasabihin kong… kinikilig ako?
“Hindi, sige. Ikaw muna ang unang mag-salita, Jiro.” Naka-ngiting sabi niya sa akin.
Heto na naman ‘yung pakiramdam na parang mababaliw ako dahil nakita ko nanaman ang kaniyang mga ngiti. Pero agad akong umiwas ng tingin mula sa kaniya. Buti na lang ay napigilan ko ang sarili ko---dahil baka mahalikan ko siya nang wala sa oras.
Bumuntong-hininga ako at nag-salita. “Uhm… A-aya?”
“Hmm?”
“M-may… may namamagita ba sa inyo ni J-jasper?” utal-utal kong tanong sa kaniya. Kinakabahan ako. Baka kasi ay magalit na naman siya sa akin.
Matagal na katahimikan na naman ang bumalot sa aming dalawa. Shit, baka galit na siya!
“A-ah… puwede mo naming hindi na lang sagutin ang tanong k---“
“Bakit mo naitanong?” malamig niyang tanong sa ‘kin. Shit, sabi na nga ba’t galit na siya, eh.
Napatigil ako. Hindi ko alam kunganong isasagot ko sa tanong niyang iyon---dahil hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko naitanong iyon.
Umubo ako ng peke at nag-salita. “W-wala naman. Na-curious lang ako.”
Nakita kong pumait ang mukha niya. “Ah. Gano’n ba?”
“Oo. So… m-may namamagitan nga sa inyo?”
Nakita kong umirap siya. “Ano bang pake mo?”
Napa-ngiwi ako nang dahil sa sinabi niya. Aray. Basag ako do’n, ah?
“S-sorry naman,” naka-nguso kong sabi sa kaniya. “Pero sana, wala pa.”
“Ano bang pinagsa----“
“Kasi kung may relasyon na nga kayo, masasaktan ako.”
Tinignan niya ako ng masama. “Tumigil ka ng----“
“Mahal pa rin kita, Aya. Mahal na mahal pa rin kita.”
BINABASA MO ANG
She Suddenly Changed
RomanceMuling nabuhay ang puso ko noong bumalik siya pagkatapos ng matagal na panahon. Hindi ko akalaing nandito na siyang muli, at muling nararamdaman ang presensiya niya. Pero may kakaiba sa kaniya—at iyon ay ang nag-iba ang ugali niya. Ang presensiya n...