Marri's POVKailangan bang magsimula ang morning sa good? O ang umaga sa maganda?
Hindi ko rin alam.
Dahil araw araw ay pare-pareho lang ang nangyayari sa buhay ko.
Magising kahit gusto pang matulog. Maliligo kahit malamig ang tubig.
Maayos ng sarili kahit magulo pa rin.
Mapuntang eskuwelahan kahit tinatamad.
Mahintay na magtapos ang klase kahit walang natutunan.Sabihin na nating boring ang buhay ko pero wala na tayong magagawa, routine ko na ito eh.
At higit pa dito, ayaw ko masyadong makisalamuha sa iba. May kaibigan naman ako pero nakakausap ko lang sila kapag sila ang unang nagkipag-usap sa akin o may kailangan lang akong itanong, halimbawa na ang school related topics. Mababait sila pero hindi kami kasing close katulad ng iba na nagiistatus ng #bff at #bestfriendgoals. Ang hirap makipag socialize sa iba, lalo na sa mga taong bago sa paningin mo.
Ewan ko ba, parang sobrang hirap makipagkaibigan sa akin. Ang tanging alam ko lang ay ako mismo yung problema. Yung sarili ko mismo ang kalaban ko.
Anyways, masaya naman ako kahit ganito ako. I enjoy my time with my self. I like my own solitude.
Hapon na ngayon at tapos na rin ang klase namin. Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa isang convinient store malapit sa school para magbili ng ice cream.
Pagkalabas ko sa convinience store ay nakita ko sa gilid ng kalsada ang isang tindero na nagtitinda ng mga accessories na makikita sa tabi-tabi.
Wala namang masama kung titingin tayo sa mga tinda ni kuyang tindero, kaya lumapit ako sa puwesto niya.
Nakalatag sa isang maliit na lamesa ang mga bracelet at kuwintas na gawa ni kuya. Magaganda ang mga ito at may iba't ibang mga disenyo. Yung iba pa ay naka-customize para sa ibang tao o may nakalagay na mga pangalan ng mga tao.
Napansin ko si kuyang tindero na nakatingin sa akin na parang nagtataka kung mabili ba ako o hindi.
"Mabili ka ba o hindi?," tanong ni Kuyang Tindero.
"Nagtitingin-tingin lang po ako, kuya."
Itinuon ko ulit ang tingin ko sa mga bracelet na nasa lamesa at may nakakuha ng atensiyon ko. Ito ay isang bracelet na binuhol-buhol o tinirintas na kulay berde. May nakalagay dito na kulay itim na chain kung saan dito maaaring magpalagay ng pangalan.
Nakatingin pa rin sa akin si kuyang tindero habang nakakunot ang noo.
"Bente pesos isa niyan, iha. Gusto mo ba yan?," tanong ni Kuyang Tindero habang nakaturo sa kulay berdeng bracelet.
Tumango lang ako bilang sagot.
"Alam mo, meron ako ditong palabunutan," sabi ng tindero sabay labas ng isang palabunutan na may mga bilang. "Isang piso lang kada bunot, kapag nakabunot ka ng 3-digit number ay sayo na itong bracelet."
Sa tingin ko ay madali lamang ito kaya pumayag ako. Ang kailangan ko lang ay magbunot. Malay mo, hindi ko na kailangan pang maggastos ng bente peso at makukuha ko lang yun sa halagang isang piso.
Mas makakatipid ako kapag ganun.
Isiniksik ko ang kamay ko sa bulsa ng palda kong suot at nakita doon ang apat na piso. Tamang tama lang, may apat akong chance para manalo. Sana ay may makuha ako ng 3-digit number sa isa sa apat na Piso na iyon.
Binigyan ko ng isang piso si kuyang tindero at nagbunot sa palabunutan. Nagbunot ako sa parteng ibaba dahil sabi ng iba, marami daw doon ang makikitang 3-digit number. Sana totoo nga.
Unti-unti kong inangat ang maliit na piraso ng papel na binunot ko palapit sa aking mukha. Dahan-dahan kong sinilip ito. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2-digit number ang lumabas.
Bigla akong nanlumo. Bakit 2-digit number lang ang nakuha ko? Di bale na, may tatlong piso pa naman ako.
Humugot ulit ako ng isang piso sa aking bulsa at binigay ito kay kuyang tindero. Sa pangalawang pagkakataon, bumunot ulit ako sa palabunutan . . . . . . . . . . . . . . . 62 ang lumabas. 2-digit ulit.
Bakit ba ganito!? Nakakainis pero hindi ako susuko ng ganito lang ang napapala ko. Ginastos ko rin ang dalawang piso na natitira mula sa aking bulsa. Talagang pinagisipan ko kung saan ako mabunot dahil dito nakasalalay ang kaligayahan ko.
pero. . . . . . . . . ni kahit isa man lang sa apat na Piso ay walang 3-digit number na lumabas.
"Paano ba yan, mukhang minamalas ka ngayon," sabi ni Kuyang Tindero at mapakamot ito sa kanya ulo.
Binaling ko na lang ang tingin ko sa berdeng bracelet na inaasam-asam ko. Naisip ko na bilhin na lang ito pero naalala ko na naubos ko na yung pera ko dahil nagbili ako ng ice cream kanina. Ang natitira kong pera ay para naman sa pamasahe ko pauwi.
"Baka may daya yang palabunutan mo, Kuya!!", sisi ko ay Kuyang Tindero.
"Tsk. Anong may daya?! Wag mong isisi sa palabunutan ko kung bakit minalas ka."
"Di. . . .ako. . . . .naniniwala sa malas, Kuyang Tindero, hmp!", fierce kong sabi.
Medyo umiinit na ang ulo ko pero bago ako tuluyang sumabog. Naramdaman ko na may isang tao na papalapit mula sa puwesto ko. Nakita ko ang anino nito at masasabi ko na isa itong lalaki.
"Kuya, mabunot din po ako," Sabi ng isang lalaki na nasa likuran ko. Binigay sa kanya ni Kuyang Tindero ang palabunutan para bumunot.
Tumingin ako sa lalaki habang nakakunot ang noo. Matangkad yung lalaki, malinis ang pagkagupit sa buhok at maaliwalas ang mukha nito.
Napansin ko rin na nakasuot siya ng uniporme nang school kong pinapasukan, malamang na doon din siya nag-aaral.
Pinanood ko lang yung lalaki na magbunot sa palabunutan. Siguro ay matutulad din ang tadhana niya sa akin.
Gusto ko sanang pagsabihan siya na masasayang lang ang pera niya sa palabunutang iyon pero wala na akong nagawa, nakabunot na siya eh.
Agad-agad niyang tiningnan ang kanyang nabunot at nanlaki ang mata nito. Bakas sa mukha nito ang bahagyang pagngiti.
"Kuya! 3-digit number!," sobrang saya niyang pag-anunsiyo.
I feel bad for myself. Akala ko ay imposible na ang makakuha ng 3-digit number. Nakakainis.
"Magpili ka na ng gusto mong bracelet," sabi ni Kuyang Tindero sa lalaki.
Pinagmasdan niyang mabuti ang mga bracelet na nakalatag sa lamesa. Sa lahat-lahat ng mga bracelet na nandoon ay itinuro niya ang berde na bracelet. Iyon ang bracelet na gusto kong makuha.
Inilapit niya ang kamay niya sa berdeng bracelet at tangkang kukuwain ito pero agad kong iniharang ang kamay ko sa bracelet para maprotektahan ito.
"Umm . . . Excuse me. . . . Yung kamay mo nakaharang," sabi nung lalaki sa akin.
Tinapik niya ang kamay ko at kinuha niya ang bracelet na dahilan upang mabalot ng saya ang mukha niya.
"Ako ang nauna diyan sa bracelet na yan. P—Puwede bang pumili ka na lang ng iba," pakiusap ko sa kanya.
"Di mo rin naman toh makukuha, kung hindi ko ito kukuhain," sagot nung lalaki sa akin.
"Pero—," may punto yung sinabi niya. Hay Naku! Bakit ba ako nagkakaganito dahil lang sa isang bracelet.
"Hmm. . . . Sige, babayaran na lang kita kapag nagkita ulit tayo, isipin mo na lang na may utang ako sayo, ayos ba?," sabi niya habang nakangiti.
Napabuntong hininga at napayuko na lang ako.
Tumingin ulit ito sa akin at ngumiti bago lumakad paalis.
Alam ko na wala na talaga akong magagawa. Ang badtrip naman nito. Ipinaglaban ko pa naman yung berdeng bracelet pero sa huli, hindi rin naman pala sa akin mapupunta. Ngayon, ang tanging hiling ko lang ay alagaan niya sana yung bracelet na yun. Wala na akong pake kung bayaran man niya ako o kung magkita kami ulit.
BINABASA MO ANG
The Moth and the Firefly
Novela JuvenilA moth once said: "A light from a fire is dangerously beautiful." Marri is a sixteen year old girl that has a problem with socializing with others. While living her boring life, she meet Aly, a mysterious teenage boy with a bright personality. They...