Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng puno ng narra na nasa school namin. Habang wala pa kaming klase ay naisipan kong gumawa ng assignment naming tula sa English. Ang ilalim ng punong ito ang napili kong lugar kung saan gumawa.Mula dito, tanaw ko ang basketball court ng school namin at ang mga estudyanteng naglalaro doon. Mapuno ang paligid at represko ang hangin dito kaya malimit na tambayan ito ng mga estudyanteng katulad kong nais ng kapayapaan ng isip.
Inihanda ko ang papel at ballpen ko upang magsulat pero bigla kong natandaan na wala pala akong topic ng isusulat kong tula.
Blanko ang isip ko. Wala man lang akong kahit isang ideya kung ano ang ilalagay sa tula.
Paano kaya kung magsimula ako sa,
'Roses are red, Violets are blue. . . . .'
Haaay. Ang lame nun.Dahil wala talaga along maisip ay naisipan kong isulat na lang ang mga naisip kong isulat.
Tumingin ako sa papel na susulatan ko at nagsimulang magsulat ng mga sentence na may rhyme sa dulo. Patuloy lang ako sa pagsulat hanggang sa may nabuo na akong tula.
Napangiti ako nang matapos ko ang tula at proud na binasa ito.
The Ampalaya
Ampalaya is bitter
It tastes like no other
But if you are in sorrow
Eat ampalaya and feel better.Wala akong maisip na ibang topic kaya ginawa kong topic ang ampalaya. Sinabi ko lang sa tula kung ano ang benefit sa atin ng gulay at kung ano ang mapapala natin sa isang ampalaya.
Habang binabasa ko ang tula ko ay naramdaman ko na may tao na nasa likuran ko.
"If you are in sorrow, eat ampalaya and feel better??," basa ng taong nasa likuran ko sa tula na nakasulat sa papel kong hawak.
Dahan-dahan akong tumingin sa itaas ko at laking gulat ko na makita ko ang mukha ni Aly nakatingin sa akin.
Nagkatinginan kami ng ilang segundo. Namulakog ang mga mata ko ng makita ko kung gaano kami kalapit sa isa't isa ngayon.
Hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong malaman kung bakit siya nandito at kung ano ang ginagawa niya.Naramdaman kong umiinit na ang mukha ko.
Bigla-bigla akong tumayo dahil sa pagkagulat. Dahil sa pagtayo ko ay nagkauntugan ang ulo namin."Aray," sabi niya habang hinihimas ang noo niya.
"B-bakit ka nandito?," nauutal-utal kong pagsasalita.
"Ayos ka lang ba? Mukha kang nakakita ng multo."
Bigla akong nagulahan sa nangyayari ngayon. Hindi ba't sabi ni Aly sa magulang namin na hindi niya pa ako kilala pero bakit niya ako kinakausap ngayon?!! Anong bang nangyayari sa mundo ngayon?!!
"A-akala ko hindi mo ako kilala?," sabi ko sa kanya na parang hindi ako makapaniwala.
"Hindi ba't ikaw yung nasa bilihan ng mga accessories, hiningi mo pa nga sa akin itong bracelet na ito," sagot niya sa akin sabay taas ng kanan niyang kamay kung saan nakasuot ang berdeng bracelet.
"Pero bakit mo ko kinakausap ngayon?"
"Bakit? Bawal?," sabi niya pagkatapos ay iniabot niya sa akin ang kanyang kamay upang makipagkamay. "Ako nga pala si Aly."
"Alam ko," walang interes kong sabi.
Hindi ako nakipagkamay at tumalikod sa kanya. Nagsimula akong lumakad palayo kay Aly.
"Marri!," tawag niya sa akin pero hindi ako lumingon. "Mariposa!"
Lumingon ulit ako sa direksyon niya nang marinig ko ang sinabi niyang "mariposa".
BINABASA MO ANG
The Moth and the Firefly
Teen FictionA moth once said: "A light from a fire is dangerously beautiful." Marri is a sixteen year old girl that has a problem with socializing with others. While living her boring life, she meet Aly, a mysterious teenage boy with a bright personality. They...