Isang oras ang biyahe papunta sa flower garden ng Tita nila Hinna at Jinno.
Naramdaman kong bumigat ang balikat ko ng sumandal dito si Hinna na tulog na ngayon. Haaay. Ilang minuto pa lang ang biyahe namin ay nakatulog na siya! Nagpuyat ba siya kagabi?
Tumingin naman ako sa kanan ko at nakita doon si Aly. Nakasuot siya ng earphone na parang nakikinig sa music. Napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya tumingin din siya sa akin.
"Gusto mo makirinig? Nakikinig kasi ako ng mga tugtog sa piano," sabi ni Aly sa akin.
Binigay niya sa akin yung isang pares nung earphones. Tinanggap ko naman ito at nilagay sa tenga ko.
Bigla niyang inilabas ang cellphone niya at nagbukas ng isang game app, ito ay ang. . . . . . . . . . . Dakilang "Piano Tiles"!!Ha!? Seryoso ba siya? Pinagloloko niya ba ako!? Akala ko ay makikinig kami ng piano recital o record ng piano. Hindi niya sinabi na makikinig kami sa paglalaro niya ng piano tiles.
Nagpili siya ng mga tugtog na puwedeng tugtugin at ang napili niya ay ang Moonlight Sonata ni Beethoven. Nagsimula siyang maglaro nito.
Malungkot ang himig nung Moonlight Sonata pero masarap sa tenga at nakakaantig ng puso. Sa totoo lang, nasisiyahan ako sa ginagawa ni Aly ngayon kahit nalinlang niya ako.
Nagpatuloy pa rin siya sa paglaro hanggang sa makakuha siya ng tatlong star. Nagpatuloy siya sa paglaro para makakuha naman nang tatlong crown pero sa kasamang palad ay na-out na siya.
"Sayang," pabulong kong sabi.
"Na-out na ako, hindi naman kasi ako kasing galing ni Mozart at Beethoven sa pag-piano," sabi ni Aly.
"Pero sa tingin ko, mas magaling ka kaysa sa kanila sa paglaro ng Piano Tiles," sabi ko sa kanya.
Bigla kaming nagkatinginan at sabay na tumawa.
Pagkatapos ng ilang oras na pag-biyahe ay nakarating din kami sa flower garden. Bumaba na kami sa sasakyan at kinuwa ang mga gamit na nasa kargadera. Nakita ko si Jinno na hawak-hawak ang isang camcorder at nagsimula na sa pagvideo ng entrance ng flower garden.
Bigla namang inilabas ni Ryan sa bag niyang dala ang isang selfie stick. Di ko alam na madala pala ng ganito si Ryan. Tsk. Maaasahan talaga siya.
Inayos niya ang selfie stick at ikinabit ang cellphone niya doon. Itinaas niya sa ere ang selfie stick para magkuha ng sarili niyang litrato.Lumapit ako kay Ryan habang tinitingnan siya at nakakunot ang noo. Lumapit din sa amin si Aly na parang naku-curious kung ano ang kaganapan.
"Mapicture daw tayo!," sigaw ni Aly para makuha ang atensyon ng iba.
Wala naman talaga kaming intensyon ni Ryan na magkuha ng group picture sadyang gawa-gawa lang yun ni Aly. Haaay.
Agad namang lumapit si Hinna at Jinno sa amin. Kahit nga yung Tito nila Jinno at Hinna ay nakisali sa pag-picture. Si Alex naman ay nasa tabi lang at ayaw mapasama pero hinila siya ni Hinna kaya wala na siyang magawa.
Wala nang nagawa si Ryan kundi kinuha ng Groufie namin.
"Mabilang po akong tatlo!," sabi ni Ryan. "One!"
Hindi pa natapos ang pagbibilang ay nagpicture na si Ryan. Lahat kami ay epic fail ang mukha habang si Ryan lang may maayos.
Hindi ko mapigilang mainis kanya gusto ko nang saktan si Ryan pero bago ko pa magawa ay unahan na ako ni Hinna. Binatukan niya si Ryan ng ubod-malakas.Nagulat kaming lahat pero sa loob-loob ko ay tumatawa na ako. Mukhang pa-easy easy lang na babae si Hinna pero nananakit din pala siya ng lalaki.
"Magpicture ka ulit, yung maayos," sabi ni Hinna kay Ryan pagkatapos batukan ito.
Nagtawanan kami dahil sa mga ginawa ni Hinna at bigla akong napatingin kay Aly ng hindi ko namamalayan.
"1. . . 2. . . 3. . . Cheese!!," sabi ni Ryan sabay picture.
Nagpicture din kami ng wacky pose na ang kinalabasan ay parang mukha kaming baliw at look up pose na parang nakakita kami ng ufo. Pero sa lahat-lahat ng pictures namin ay nakabusangot lang si Alex na parang wala sa mood.
Pumasok na kami sa loob ng flower garden. Bumungad sa amin ang bukid ng mga bulaklak, talagang napakaganda. Nakita din namin ang hanay ng mga tulips. Ang bawat hanay nito ay may iba't ibang kulay.
Malayo pa lang kami ay natanaw na namin ang isang bahay. Ito ang bahay ng Auntie nila Jinno at Hinna na may-ari nitong flower garden.
Hindi lang kami ang tao dito. May ibang tao ding namamasyal at bumibisita sa flower garden. Yung iba pa nga ay nagpi-picnic sa tabi ng pond kung nasaan ang mga water lily. Puwera pa sa mga taong namamasyal at nagsa-sight-seeing dito, may makikita ka din ditong mga hardinero na nag-aalaga sa mga halaman.
Ang ganda din ng lugar dito. Mapuno at mapresko ang hangin. Mabuti na lang at ni-recommend ng magkapatid na Salazar ang lugar na ito.
Nakarating din kami sa wakas sa bahay na tinutuluyan ni Auntie Mayet. Pumunta kami sa lobby kung nasaan ang reception at nakita namin doon si Auntie Mayet. Pagkarating namin ay sinalubong niya kami ng pagbati.
"Jinno, Hinna, mga pamangkin, mabuti at naisipan niyong pumunta dito kasama ang mga kaibigan niyo!," bati ni Auntie Mayet kina Jinno at Hinna.
"Auntie Mayet, halos di ko na po kayo makilala, nagpayat po kayo at mas lalong gumanda!!," puri ni Hinna sa Auntie nila.
"Bolera ka talagang bata ka!! Dahil diyan, lulutuan ko kayo ng masarap mamaya," sabi ni Auntie Mayet.
"Auntie, Kasama pala namin mga kaklase namin, si Aly at Marri po, kasama din po namin yung kapatid ni Aly, si Alex," pagpapakilala sa amin ni Jinno sa Auntie nila.
"Hello po," bati namin ni Aly kay Auntie Mayet.
"Kayo pala ang mga kaibigan nila Jinno at Hinna, Salamat sa pag-aalaga sa mga pamangkin ko, lulutuan ko din kayo ng masarap mamaya," bati nito sa amin at ngumiti.
"Talagang ang hirap po mag-alaga sa pamangkin niyong si Jinno, masyado po siyang pasaway sa school," pang-aasar ni Aly kay Jinno. Nagtawanan kami dahil dito kahit naaasar na si Jinno.
Nabaling naman ang atensyon ni Auntie Mayet sa katabi kong si Ryan.
"Teka, eh sino naman ito?," tanong ni Auntie Mayet habang nakatingin habang nakaturo kay Ryan at nakakunot-noo."Ah!! Nakalimutan ko palang ipakilala si Ryan, anyway, hindi naman importanteng makilala mo pa siya, Auntie," pang-aasar naman ni Jinno kay Ryan sabay lakad nito papuntang second floor kung nasaan ang mga kwarto na tutuluyan namin ng isang gabi.
"Mukhang nauna na si Jinno sa kuwarto na tutulugan niyo, bakit hindi kaya't pumunta na din kayo at iayos ang mga gamit niyo doon para makapagsimula na rin kayo sa gagawin niyong project," sabi sa amin ni Auntie Mayet.
Agad naman kaming umakyat sa second floor ng bahay kagaya ng sinabi ni Auntie Mayet. Dalawang kuwarto lang ang tutuluyan namin, isa sa mga babae at isa naman sa mga lalaki. Sama-sama sa kuwarto sila Aly, Jinno, at Ryan sa kuwarto habang ako, si Hinna, at si Alex ang magkakasama sa kuwarto.
Haaay. First time ko nga palang matulog kasama ng iba puwera sa mga magulang ko. Sana ay makatulog ako ng mahimbing at maayos mamaya.
BINABASA MO ANG
The Moth and the Firefly
Teen FictionA moth once said: "A light from a fire is dangerously beautiful." Marri is a sixteen year old girl that has a problem with socializing with others. While living her boring life, she meet Aly, a mysterious teenage boy with a bright personality. They...