Lumipas ang ilang araw at dumating ang sabado.
Ito na ang araw na mapunta kami sa flower garden na pagmamay-ari ng Auntie Mayet nila Hinna at Jinno Salazar aka "Salazar Siblings".
Masaya ako pero medyo hindi komportable sa mga makakasama ko, mabuti at nandito si Ryan.Pumunta ng maagap si Ryan dito sa bahay namin para sabay na kaming pumunta kila Hinna. Ngayon, naglalakad na kami papunta sa bahay ng mga Salazar, walking distance lang naman eh.
Pagkarating namin sa kabilang kanto, nakita namin ang isang van na sasakyan sa tapat ng bahay ng mga Salazar. Nandoon din si Aly at Jinno na naglalagay ng mga gamit sa trangkahan ng sasakyan.
Siguro ay gamit yun para sa pag-vlog namin."Wow, mukhang mayaman yung mga kaklase mo ah," sabi ni Ryan na parang ngayon lang nakakita ng malaking sasakyan.
Lumakad na kami palapit sa kanila. Malayo pa lang ay nakita na ako ni Hinna at kumaway sa akin. Napadaan naman sa harapan namin si Aly na may kamerang nakasabit sa leeg.
"Good Morning," bati ni Aly sa akin habang naglalakad. Pasimple lang niya itong ginawa habang nakangiti.
Lumapit naman sa amin si Jinno habang nakatingin sa akin. Itinaas nito ang kamay niya at inalapat sa ulo ko. Ginulo niya ang buhok ko gamit ang iisang kamay.
Hindi ko mapigilang mainis dahil sa ginagawa niya sa akin. Wala naman akong pake kung magulo ang buhok ko kasi in the first place, hindi ko naman inayos ang buhok ko. Ang pake ko lang ay sobra na ang pagiging feeling close ni Jinno. Kailan ba siya titigil!?
Nakita ko ang si Ryan na hinawakan ang kamay ni Jinno at inalis ito sa ulo ko sabay akbay sa akin na pang-tropa, yung tipong natitiik na ako.
Ewan ko kung dapat ba akong magpasalamat sa ginawa ni Ryan o dapat ko siyang bulbogin dahil sa pagtiik niya sa akin. Haaay. Nevermind.
Nabigla naman si Jinno dahil sa ginawa ni Ryan. Siguro naisip niya ngayon, "Sino kaya ang dugong na ito?".
"Umm. . . Sino siya?," tanong ni Jinno sa akin habang nakaturo kay Ryan.
Tumingin ang lahat sa direksyon namin. Bakas sa mukha nila ang pagtataka.Lumapit naman sa amin si Aly na parang nakiki-ososiyo.
"Hindi namin alam na masama ka ng lalaki dito," sabi ni Aly habang walang ekspresyon sa mukha.
"Di mo ba sinabi sa kanila?," pabulong na tanong ni Ryan sa akin. Hindi ko na sinagot ang tanong ni Ryan sa akin dahil naiintimidate ako kila Aly at Jinno.
"Na ano?," patuloy na tanong ni Aly.
"Boyfriend mo siya?," walang patumpik-tumpik na tanong ni Jinno.
What!? Pinagkamalan kaming mag-jowa ni Ryan!!?? Yuck!!! Kadiri!!! Okay lang naman na isipin nilang kapatid ko si Ryan, pero boyfriend??? Tumaas ang balahibo ko dun.
Pagkatapos sabihin yun ni Jinno ay bigla kaming nagkatinginan ni Ryan. Dali-dali niyang tinanggal ang kamay niya sa pagkaakbay sa akin at agad agad ko naman siyang tinulak palayo sa akin. Tumingin ulit kami sa isa't isa at umarteng diring-diri sa isa't isa.
"Eww, kadiri!!," sigaw ko.
"Yuck! Hindi kaya!!," sigaw naman ni Ryan.
"No way!! Never!!"
"Wow ha!? Parang diring-diri ka naman sa akin na parang madumi akong tao," sabi ni Ryan sa akin.
"Madumi ka naman talagang tao! Kilala kita simula bata pa tayo! Kinakain mo kaya kulangot mo!," sabi ko naman at tumingin lang ng masama si Ryan sa akin.
"Kung hindi, edi magkaano-ano kayo?," tanong ni Aly sa amin na parang naiintriga siya.
"Pinsan, magpinsan kami!," sabi ko sa kanila.
"Hindi namin alam na isasama mo pala ang pinsan mo," sabi ni Jinno.
"Ano ba kayo!? Nagsabi na sa akin si Marri noong isang araw na isasama niya yung pinsan niya at pumayag naman ako," sagot ni Hinna kay Jinno at Aly.
Tumango-tango lang naman yung dalawa na parang naintindihan na nila at naunawaan ang pagpapaliwanag ni Hinna.
"Ako nga pala si Ryan Angeles. Kayo pala ang mga elite na kaibigan ni Marri, mabuti at matanggap niyo siya kahit napakaboring niyang tao," pagpapakilala ni Ryan sabay lait na din sa akin.
"Hindi boring kasama si Marri, na-excite nga ako kani-kanina lang," sabi ni Jinno sabay lakad paalis.
Umalis na rin si Hinna sa puwestong kinatatayuan namin at bumalik sa pag-aayos ng mga gamit na nasa van. Natira naman si Aly sa puwestong malapit sa amin.
Lumapit ito kay Ryan. Kita ko sa mukha ni Aly ang pagtataka.
"Talaga bang kinakain mo ang kulangot mo?," mahinang tanong ni Aly kay Ryan habang nakangiti na parang pinipigilang tumawa.
Bakas sa mukha ni Ryan ang pagkaasar, hindi kay Aly, kundi sa akin.
Haaaay. Nakakatawa ngayon ang itsura ni Ryan, namumutla siya na parang nawawalan ng lakas. Hindi ko din naman masisisi si Aly eh.
Hahahaha.Maya-maya lang, habang nag-aasikaso ang lahat ng mga gamit sa sasakyan ay biglang may lumabas na isang tao mula sa bahay nila Hinna.
Isang bata. Isang pamilyar na mukha ng isang batang lalaki.Naagaw ng pagdating niya ang atensyon naming lahat. Hindi namin inaasahan na dito namin siya makikita uli. Nagkatinginan kami ni Ryan sa isa't isa at ibinalik ulit ang tingin sa batang lalaki.
"B-Black Knight!!??," sabay naming sigaw ni Ryan.
Tama. Siya yung batang lalaki na nakalaro namin ni Ryan sa computer shop. Siya nga yun. Siya yung aroganteng bata na nilait-lait kami. Bakit siya nandito?!!
Kita din namin sa mukha niya ang pagkagulat na makita kaming nandito. Ituro nito kaming dalawa gamit ang hintuturo niya na parang nakakita ng multo.
"Black knight? Magic word ba yun?," tanong ni Aly habang tumatawa.
"Siya! Yung aroganteng bata na yan si black knight!," sagot ni Ryan.
"Kilala mo sila?," tanong ni Aly doon sa batang lalaki.
"Oo, nakalaro ko sila sa computer shop dati, hindi ko alam na kaibigan niyo pala sila," sagot nung bata kay Aly.
"Ahh, kung may di pagkakaunawa pala kayo ng kapatid ko, ako na ang humihingi ng pasensya," paghingi ng paumanhin ni Aly sa amin.
Tama ba ang pagkarinig ko? Kapatid? Akala ko iisa lang ang kapatid ni Aly, at babae yun. Binilhan pa ni mama si Alex ng bestida. Alam kong hindi ako nagkakamali! Kailan pa nagkaroon ng nakababatang kapatid na lalaki si Aly!?
"S-siya si Alex?," pagkukumpirma ko. Tumango naman si Aly bilang sagot.
"Akala ko babae si Alex?"Biglang napatingin si Aly, Jinno, at Hinna sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito sila makatingin sa akin. Napakamot na lang ako ng ulo. Maya-maya ay hindi na nila napigilan at tumawa na sila ng malakas na parang tinatawanan nila ang pagiging inosente ko.
"Anong nakakatawa dun?," tanong ni Ryan na parang walang alam.
"Tigilan niyo nga yan!," naiinis na sabi nung batang lalaki na si Alex pala.
"Ang batang ito at si Alex ay iisa kaya babae siya at hindi lalaki," sabi ni Hinna habang hindi pa rin makamove-on sa pagtawa.
Bigla akong nalinawan sa mga bagay-bagay. Ibig sabihin, all this time, akala ko lalaki yung batang nakalaro namin. Ang hindi ko alam ay babae pala siya. Haaay. Ang tanga ko naman.
Natapos na rin ang diskusyon tungkol kay Alex. Sumakay na kaming lahat sa van. Katabi ko sa kaliwang upuan si Hinna at sa kanan naman si Aly. Sa likuran naman namin nakaupo si Alex at Ryan at nasa driver seat si Jinno katabi ng Tito nila na siyang magmamaneho ng sasakyan.
Ilang saglit lang ay nagsimula na rin kami sa pagba-biyahe.
BINABASA MO ANG
The Moth and the Firefly
Teen FictionA moth once said: "A light from a fire is dangerously beautiful." Marri is a sixteen year old girl that has a problem with socializing with others. While living her boring life, she meet Aly, a mysterious teenage boy with a bright personality. They...