Kabanata 16

28 10 9
                                    

Lumalim na ang gabi.

Nagpunta na rin kami sa kanya-kanya naming kuwarto para matulog. Pumunta na sila Aly, Jinno at Ryan sa kuwarto nila at ganun din kaming mga babae. Walang kama sa kuwarto na ito kaya sa sahig lang kami matutulog. Nagsimula na kaming mag-ayos nito, nilatag namin dito ang banig at kutson na tutulugan namin.

"Sa gilid lang po ako matutulog," sabi ni Alex at pumuwesto na ito sa kanang gilid ng higaan.

"Basta ako, ayaw ko sa gitna humiga," sabi ni Hinna sabay tingin sa akin na parang nagpapaawa.

Ang totoo ay ayoko ring humiga sa gitna pero wala na akong magawa kundi humiga sa puwestong ito. Hindi ako nakapili ng puwesto na gusto kong tulugan kasi nauna na sila si Hinna at Alex sa pagpili ng higaan. Ako tuloy ang hihiga sa pagitan nilang dalawa. Haaaay.

Alas-dose na nang gabi, para akong mabibingi dahil sa katahimikan ng paligid. Madilim na rin ang paligid, ang tanging liwanag ko lang na nakikita ay ang ilaw na galing sa labas.

Mahimbing na ang pagkatulog nila Hinna at Alex habang ako, hindi makatulog at gising na gising ang diwa. Kahit pinipilit kong ipikit ang mga mata ko ay hindi pa rin ako makatulog.

Naisipan kong lumabas ng kuwarto namin para umihi. Tahimik lang akong tumayo sa pagkakahiga. Ingat na ingat ako sa mga galaw ko para hindi ko sila magising.

Kinuwa ko ang jacket ko at sinuot ito dahil sa malamig ang hangin sa labas. Dahan-dahan akong lumabas sa kuwarto namin at bumaba papuntang first floor dahil nandoon ang CR.

Mabilis lang ako sa CR, wala naman kasi akong dahilan para tumagal dun.

Habang naglalakad na ako paakyat sa hagdan, may nakita akong isang lalaking nakaupo sa gitna ng taniman ng baby's-breath flower. Sa kulay puting bukirin ng mga bulaklak na iyon, litaw na litaw ang hulma ng katawan ng isang lalaking may hawak na gitara.

Medyo na curious ako kung sino yun kaya lumakad ako palabas ng bahay. Lumakad ako palapit sa taniman ng mga bulaklak kung saan nandoon yung lalaki. Habang palapit ako ng palapit ay mas lalo kong naaninag kung sino ito.

Hindi ko inakala na si Jinno pala yun.

Mag-isa lang siyang nagtutugtog ng mga himig sa gitara. Gusto kong malaman kung bakit siya nandito at hindi pa natutulog. Hindi rin ba siya makatulog katulad ko?

Naisipan ko na huwag na siyang gambalain pa kasi baka masira ko pa ang moment niya. Tumalikod na ako para maglakad pabalik sa bahay na tinutulugan namin.

"Marri?"

Hindi na ako nakahakbang pa nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Jinno. Napansin niya pala na nandito ako.

Huminto ako sa paglakad at humarap sa kanya.

"Bakit ka nandito? Bakit di ka pa natutulog? ," tanong sa akin ni Jinno.

"Ahhhh, kasi . . . nagbaba ako sa kuwarto namin para mag-ihi tapos noong pabalik na ako, nakita kong may tao dito, ikaw lang pala," sagot ko sa kanya. "Eh, ikaw? Bakit di ka pa natutulog?"

"Di kasi ako makatulog kaya nagpahangin muna ako dito sa labas, gusto mo bang umupo?," sabi sa akin ni Jinno sabay tapik nito sa nakatumbang kahoy na inuupuan niya.

Hindi ako nagdalawang-isip pa at umupo sa tabi ni Jinno. Tutal di rin naman ako makatulog katulad niya.

"Di ko alam na marunong ka palang mag-gitara," Pagbibigay pansin ko sa hawak niyang gitara.

"Ahh, oo, si Aly ang nagturo sa akin dati."

Ngayon ko lang nalaman na marunong din palang mag-gitara si Aly. Sa bagay, di na ako magtataka, mukhang talented naman talaga siya.

"Gusto mo bang kantahan kita?," tanong ni Jinno sa akin.

"Sige lang, kung gusto mo."

"Anong kanta ang gusto mong tugtugin ko para sayo?"

"Kahit ano, bahala ka."

"Sige, haharanahin na lang kita," sabi niya sa akin habang itinotono ang gitara. "Marri, para sayo to."

Hinawakan ni Jinno ng mahigpit yung gitara at nagsimulang kalabitin ang mga kuwerdas ng gitara. Tinugtog niya ang kantang "Harana" ng Parokya ni Edgar.

Kasabay ng pagtugtog niya sa kanyang gitara ay ang pagkanta niya sa mga liriko nito. Hindi mo maikakaila na maganda ang boses ni Jinno, para ka talagang hinaharana ng boses niya.

Pinagmamasdan ko lang siya sa pagkanta mula sa puwesto ko. Hindi ko maiwasan na mag-sway ng katawan kasabay ng ritmo.

Kasama pa ng malamig na hangin at ng mga bituin na nagniningning ay ang pagkanta ni Jinno na para bang binibigkas niya ang bawat salita sa kanta para sa akin, parang kinakausap niya ako sa pamamagitan ng pagkanta.

~~"Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin ako'y nababaliw, giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sayo"~

Pagkatapos niyang kumanta ay natulala na lang ako na para bang ina-absorb ng tenga ko ang lahat na tunog na aking narinig.

"Marri, ayos ka lang?," tanong ni Jinno sa akin.

"Ahh. . . . . oo, ang galing mo pala kumanta. Ang ganda ng boses mo," puri ko sa kanya.

"Woah. . . . Unti lang ang pumupuri sa akin dahil unti lang din ang nakaririnig sa pagkanta ko, dapat maging thankful ka!"

"Ganun ba?," sabi ko habang umaalik-ik.

Habang nag-uusap kaming dalawa ni Jinno ay may narinig akong hakbang ng mga paa mula sa likuran namin.

"Huli kayong dalawa!! Tingnan niyo po, si Jinno at si Marri, nagde-date ng patago. Hala!! Big scoop ito hahahaha!!," sabi ni Ryan mula sa likuran namin habang bini-video kami gamit ang cellphone niya.

"Ryan, bakit ka nandito at di pa natutulog?," tanong ko kay Ryan.

"Hindi ba't dapat ako ang magtatanong sa inyong dalawa niyan, hmmmm. . . . nangangamoy-isda dito ah," pang-aasar ni Ryan sa amin habang bini-video kami.

Ayan na naman siya, pinapakulo na naman ni Ryan ang dugo ko. Hindi ko na mapigilan pang mainis sa kanya. Kahit kailan talaga, palagi niya akong iniinis.

"Ryan, tigilan mo na nga yang pag-video sa amin," sabi ko sabay kuha sa cellphone niya pero mabilis ang kamay ni Ryan kaya nakaiwas siya kaagad.

Hindi ako sumuko kaya hinabol ko siya para kunin ang cellphone niya. Hindi rin siya nagpapahabol sa akin. Tinatawanan lang ako ni Ryan dahil hindi ko siya mahabol.

Lumapit ako kay Jinno at nagpatulong sa kanya na hulihin si Ryan. Nakisakay naman si Jinno sa pagkukulitan naming dalawa. Pinagtulungan namin si Ryan at patuloy na hinabol ito.

Nagpatuloy ang habulan, tawanan, at kulitan naming tatlo ngayong gabi. Kahit sobrang gabi na ay nagkukulitan pa rin kami na parang mga bata. Sa totoo lang, na-enjoy ko ang gabing ito kasama silang lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Moth and the FireflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon