Kagaya ng dati, nagpapasok ako ng school kahit wala naman talaga akong natututunan. Hindi ko sinasabing hindi magaling magturo ang mga teacher ko, sadyang hindi ako nakikinig.Dalawang bagay lang ang ginagawa ko sa school. Una, ang magmasid sa labas ng bintana. Sa gilid kasi ako nakaupo, sa tabi ng bintana.
May advantage at disadvantage ang puwesto ng upuan ko.
Ang advantage ay naaaliw ako. Mula sa kinauupuan ko, nakikita ko ang mga nangyayari sa labas.
Yun ang best way upang makinig sa teacher na nagtuturo sa unahan. Paalala lang pala sa mga bata, Huwag Niyo Po Akong Gayahin, Hindi Ako Huwaran.
So ang disadvantage naman ay mainit. Talagang literal na mainit. Lalo na kung hapon, kumakaway na sa akin si Haring Araw.
Iisa lang ang electric fan sa classroom namin at naka puwesto ito sa likod kaya hindi ako naaabot ng hangin. Yung tipong tagaktak na ang pawis mo dahil sa init tapos tinutusta pa ang puwit mo dahil babad sa araw ang upuan mo. Haaaay.
At kung maulan naman, halos pinapaliguan na ako dahil umaampiyas ang mga ulan. Hindi ko naman masara ang mga ito dahil sira-sira na. Haaay. Sana mapaayos ng school.
Ang pangalawang bagay naman na ginagawa ko sa school ay ang magdrawing ng kung anu-ano sa likod ng mga notebook ko. Simula bata ako ay libangan ko na ang magguhit.
Minsan nagdo-drawing ako ng mga landscape at portrait o ginagawang caricature ang masungit naming teacher. Syempre ako lang ang nakakakita nun.
Kasalukuyang nandito sa classroom ang katawan ko habang lumilipad ang diwa ko. Ganyan palagi ang serye ko sa klase lalo na sa asignaturang matematika.
Si Ms. Callo ang aming teacher sa math. May kalakihan ang katawan ni Ms. Callo, matangkad siya at mataba. Dambuhala nga ang bansag sa kanya ng mga estudyante dahil kilala rin siya sa pagiging masungit.
Well, hindi ako kasama sa mga nagbabansag sa kanya at kung may sasabihin man ako tungkol kay Ms. Callo, sa isip ko na lang yun babanggitin.
*Aray*
Biglang natauhan ang diwa ko ng maramdaman ko ang pagtama ng isang chalk sa aking ulo. Tumingin ako sa unahan kung saan nakapuwesto ang blackboard, mula doon, nakatingin sa akin ang nagbabantang tingin ni Ms. Callo. Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo sa aking braso.
"MARRI DEL BARRIO!!!," sigaw ni Ms. Callo sa buong pangalan ko. At walang alinlangang umalingawngaw ito sa buong classroom.
Agad akong napatayo dahil sa pagkabigla. Nagkakauntugan ang dalawa kong tuhod dahil parehas itong nanginginig.
"Hoy, Del Barrio! Hindi ka nakikinig sa klase ko! Kanina ka pa nakatingin sa labas! Napapauwi ka na ba!? May nagkaklase na sa labas!? May nagtuturo ba sa labas kaya doon ka nakatingin!? Ha!?," bulyaw sa akin ni Ms. Callo.
"M-mam, n-nakikinig po ako," pagdepensa ko sa sarili ko gamit ang pagsisinungaling. "Hindi po ba't tainga ang ginagamit sa pakikinig at hindi mata."
"Talaga lang ha!? Sumasagot ka pa. Sige, sagutan mo nga itong number 5 dito sa blackboard," paghahamon sa akin ni Ms. Callo.
Hindi ako puwedeng tumanggj kaya lumakad na lang ako papuntang unahan kung nasaan ang blackboard.
Tiningnan ko ang number 5 na dapat kong sagutan. Nakita ko dito ang dalawang guhit na naka-intersect sa isa't isa o naka-krus. Nakalagay sa kanan ng pahigang linya ang letrang x at nakalagay sa hilaga ang letrang y.
Bukod pa dito, mayroon ding dalawang number na nakalagay sa loob ng isang parenthesis at mayroong dalawang pares nito.
Ito ang mga number:
(10,8) , (6,4)Hindi ko alam ang tinuturo ni Ms. Callo o kung ano ang lesson namin sa Math kaya wala akong ideya sa sagot. Haaay, ito ang napapala ng hindi nakikinig sa klase.
Ilang segundo na ang lumipas at nakatingin lang ako sa blackboard. Naghihiling na sana may masagot ako kahit hindi tama.
"Tsk. Tsk. Nakakahiya kung hindi niya masagutan yan, ang dali lang kaya ng lesson natin ngayon," narinig ko ang sabi ng isa sa mga classmate ko.
Biglang may isang salita na pumasok sa isip ko.
COORDINATES.
Mukha itong coordinate na makikita mo sa mapa at globo. Hindi man ako nakikinig sa klase pero marunong ako magbasa ng mapa.
Sa tingin ko, ang x at y ay nagrerepresent ng direction at ang yung mga numbers ang mga coordinate. Ibig sabihin yung number na iyon ang itsaktong lugar kung saan nagtatagpo ang x at y.
Tinuldukan ko ang ang blackboard kung saan nagtagpo ang x at y. Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko o kung tama ang sagot ko pero at least may sagot ako.
Inilagay ko ang chalk sa ibaba ng blackboard pagkatapos kong magsagot at lumakad pabalik sa aking upuan.
"Hmmmm. . . tama nga ang sagot ni Del Barrio," sabi ni Ms. Callo habang sinusuri ang sagot ko sa blackboard. "Sige, papalampasin kita ngayon pero siguraduhin mo na nakikinig ka na sa akin sa susunod"
"Opo, mam," sabi ko sabay tango.
Hindi ko maiwasang matawa dahil sa hindi ko inaasahan na tatama ang mga tiyamba kong sagot. Mabuti na lang nakapag-isip agad ako.
Alas-tres na nang hapon natapos ang subject naming math. Salamat din at sa wakas ay makakauwi na ako ng bahay. Niligpit ko na ang mga gamit ko at lumakad palabas ng classroom.
Minsan nagsasakay ako pag-uwi pero mas gusto kong lumakad. Hindi naman kasi kalayuan ang distansya ng bahay namin mula sa school.
Atsaka kakaunti lang ang mga sasakyan na nandito sa lugar namin hindi katulad ng mga sasakyan na nasa lungsod. Sabihin na nating uso ang maglakad dito.
Kalahating oras lang ng paglalakad at nakarating na ako sa bahay namin.
Maliit lang ang bahay namin dahil hindi naman kami mayaman. Yung tipong sapat lang ang pera namin para sa pangangailangan namin sa araw-araw. Si mama kasi housewife at si papa naman ang nagtatrabaho.
Atsaka hindi rin namin kailangan ng malaking bahay dahil tatlo lang kaming matira dito. Wala din kasi akong kapatid. Isa pa, ayoko kong maglinis ng malaking bahay, may pagkatamad kasi ako.
Pumasok ako sa bahay namin ng tahimik. Nakita ko si papa sa sala. Inaayos niya ang electric fan namin na matagal nang sira.
Sobrang tanda na rin ng electric fan na iyon. Sa pagkakaalam ko ay regalo pa ito kila mama at papa noong kinasal sila. Sa tibay ng electric fan na yun ay tumagal pa ito ng ilang taon.
Lumakad ako papunta sa kuwarto ko. Nadaanan ko ang kusina namin at nakita doon si mama na may kausap sa cellphone niya.
"Sige, basta pumunta kayo dito, ha, sige, bye," sabi ni mama sa kausap niya sa kabilang linya bago patayin ang tawag.
"Ma, sino yun?," tanong ko.
"Ahh, si tita Sheryl mo, yung kaklase ko nung highschool. Matagal na din kasi kaming hindi nagkita kaya naisip kong papuntahin sila dito kasama yung mga anak niya."
Bisita? Minsan lang magkakaroon ng bisita sa loob ng bahay kaya hindi ako sanay na may ibang tao dito.
"Atsaka pala Marri, samahan mo ako sa mall bukas may bibilhin kasi ako," sabi ni mama bago lumakad paalis ng kusina.
Mall? Bakit kami mapunta sa mall? Wala naman kaming pera para mag-window shopping? Wala namang gamit na kailangan kami. Wala namang mahalagang okasyon bukas para mamasyal. Pero bakit kami mapuntang mall?
BINABASA MO ANG
The Moth and the Firefly
Teen FictionA moth once said: "A light from a fire is dangerously beautiful." Marri is a sixteen year old girl that has a problem with socializing with others. While living her boring life, she meet Aly, a mysterious teenage boy with a bright personality. They...