Sabado na ngayon.Nagising ako mula sa sikat ng araw na dumadampi sa mukha ko galing sa bintana na nasa aking kuwarto.
Masikat na ang araw. Tanghali na.
Ito palagi ang serye ng umaga ko tuwing katapusan ng linggo.
Kahit pikit pa ang mga mata ko ay kinapa ko ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan kong hinihigaan upang tingnan ang oras. Dahan-dahan kong iminuklat ang mga mata ko na nakaharap sa cellphone ko ngayon.
9:45 na.
Kailangan kong bumangon kahit gusto ko pang mahiga at matulog. Wala na akong magagawa, hindi naman puwedeng magtambay lang ako sa kama ng buong araw kahit gustuhin ko. Sigurado akong bubuhusan ako ng maligamgam na tubig ni mama kapag nangyari yun.
Bumangon na ako sa kama at lumabas sa kuwarto ko.
Pagkalabas ko ay bumungad sa akin si mama na nagluluto sa kusina. Sumampal sa akin yung amoy ng mga niluluto ni mama na pagkain na de putahe. Nalanghap ko yung sinigang na niluluto ni mama na may talbos ng kamote. Nagluto din si mama ng paborito kong adobong sitaw at piniritong boneless bangus. Langhap pa lang nakakagutom na.
"Mabuti at naisipan mo na ring lumabas sa lungga mo," sermon ni mama nang makita ako.
Hindi na ako nakipagtalo pa kay mama dahil bagong gising lang ako at mukhang papakainin naman niya ako ng masarap mamaya.
"Ma, bakit ang dami mong niluto? Anong okasyon?," tanong ko kay mama nang mapansin ko na mas marami ang niluto niya kaysa sa karaniwan niyang niluluto sa tanghalian.
"Ah! Oo nga pala, ngayon pala mapunta si Tita Karen mo kasama mga anak niya," sagot sa akin ni mama.
"Ha!? Ngayon? As in ngayong tanghalian?," tanong ko kay mama at tumango naman siya.
Maya-maya ay may narinig kaming kumakatok sa pinto ng bahay namin. Hindi kaya't sila Tita Karen na yun? Wag naman sana.
"Tao po!," boses ito isang babae na nanggaling sa labas ng bahay namin.
"Sila Tita Karen mo na siguro yun, pagbuksan mo nga, Marri," utos sa akin ni mama.
"Ha? Bakit ako? Hindi pa nga ako nakakapag-ayos, ni mag-toothbrush man lang," sagot ko kay mama.
"Oo na! Sige na!, mag-ayos ka na ng sarili mo! Magmake-up ka pa kung gusto mo, ako na ang mabukas ng pinto," naiinis na sabi ni mama.
Agad naman akong nagtakbo papasok ng kuwarto ko para mag-ayos ng sarili.
Hindi naman ako maayos ng sarili ko katulad ng sinabi ni mama. Aayusin ko lang ang sarili ko at hindi magpapaganda. Magkaiba kaya yun.
Tinatamad akong maligo kaya naghilamos lang ako at nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng damit na kaaya-aya tingnan at magmumukang tao ako.
Lumabas na ako sa kuwarto ko at naglakad papuntang sala kung nasaan nandoon ang mga bisita. Nakayuko lang ako dahil hindi ako kumportable sa sitwasyon na ito.
Nakasalubong ko si mama na nakatayo at kinakausap ang isang babae na nakaupo sa sofa namin. Kasama nito ang isang binatang lalaki.
Nanatili akong nakayuko kaya hindi ko nakikita ang kanilang itsura.
"Ito naman yung anak ko si Marri," sabi ni mama sabay hila sa akin palapit sa kanya.
"Siya si Tita Karen mo, yung kinukuwento kong classmate ko noong highschool.""Nice too meet you, Marri," bati sa akin ni Tita Karen.
"Nice too meet you din po, Tita," bati ko pabalik.
"Sherlyn, ang laki na rin ng anak mo, makasing-edaran siguro sila nitong anak kong si Ali," sabi ni Tita Karen sabay tingin sa katabi nitong binata.
"Hello po, ako po si Aly."
Teka. Familiar sa akin yung boses.
Unti-unti kong inangat ang ulo ko at tiningnan sa mukha yung binata na katabi ni Tita Karen. . . . . . . . .
Sabi ko na. Nakita ko na siya dati.
Tiningnan ko ang kanang kamay nito at nakita dito ang isang berdeng bracelet, yung bracelet na gusto ko.
"Kay guwapong bata naman pala nitong si Aly at mukhang mabait pa," puri ni mama sa anak ni Tita Karen na si Aly.
"Hindi ko po kayo masisisi, Tita Sherlyn, Wala na po akong magagawa, pinalaki po akong ganito," pabirong sabi ni Aly at nagtawanan silang tatlo.
Teka. Nakakatawa ba yun? Bakit kailangan pang purihin ni mama si Aly, eh, may anak naman siyang maganda at talented na tulad ko. Haaay.
Naiintindihan ko naman si mama. Siguro pinuri lang niya si Aly dahil kay Tita Karen.
Haaaay.
Dapat din ba akong tumawa?
Ha-ha-ha.
Sapat na siguro ito."Oo nga pala, hindi ba't dalawa yung anak mo? Asan yung bunsong babae?," tanong ni mama kay Tita Karen.
"Ahhh, si Alex, naiwan sa bahay. Medyo wala sa mood kaya hindi sumama."
"Sayang naman, may bibigay sana ako sa kanya, wait lang kukunin ko."
Lumakad si mama papunta sa kuwarto nila ni papa upang kunin ang bagay na tinutukoy niya. Bumalik siya sa sala dala-dala ang isang plastik bag.
Nilabas niya mula dito ang isang pink dress.
Teka, hindi ba't yun yung dress na ibibigay sa akin ni mama!? Yan yung dress na binili namin sa mall. Haaaay.
Pero bakit. . . . . . . . ."Binili ko pala ito para kay Alex. Magugustuhan kaya niya to?," tanong ni mama habang hawak hawak ang dress na kulay pink.
"Oo naman, hindi naman mapili si Alex."
Haaay. Akala ko para sa akin yun pero hindi pala. Pero okay lang, at least, nasa akin yung rubber shoe———
"Syempre may regalo din ako para kay Aly," bigla akong napatingin kay mama nang sabihin niya ito.
Kinuha ni mama mula sa plastik bag ang isang kahon ng sapatos.
No way. Don't tell me yan yung dark blue na rubber shoes na gustong gusto ko na pinili ko para sa sarili ko!!!Tinanggap ni Aly yung box ng sapatos at binuksan ito. Doon nakalagay ang isang nagniningning na dark blue na rubber shoes.
Nang makita ko iyon. . . .
Biglang na-triggered ang buong sistema ko.
Bigla rin akong nanlumo nang makita si Aly na hawak hawak yung gusto kong sapatos.
Bakit naman ganito??
Lahat ng gusto ko nakukuha niya."Ahhh, oo nga pala, may regalo din ako para sayo, Marri," sabi ni Tita Karen sa akin at may kinuha ito sa kanyang bag. "Nakuwento kasi ng mama mo na mahilig ka magguhit kaya binili ko ito."
Iniabot sa akin ni Tita Karen ang isang set ng mga charcoal pencil. Kumpleto ang lahat ng mga ito, may iba't ibang shade at volume. Mukha pa itong mamahalin, yun tipong ayaw mong gamitin dahil baka masira. Sa totoo lang, wala pa akong ganito at gusto kong magkaroon.
"Thank you po, Tita Karen."
Ilang minuto lang ay dumating si Papa na may dala-dalang malalaking isda sa kaliwang kamay at isang maliit na plastik sa kanang kamay.
Sa tingin ko, inutusan ni mama si papa na bumili ng isda para lutuin."Oh, andyan na pala mga bisita natin," sabi ni papa nang makita sila Tita Karen na nakaupo sa sala.
"Agustin, bakit ang tagal-tagal mo, saan ka pa nagpunta?," tanong ni mama kay papa pagkarating na pagkarating nito.
"Ito na pala yung pinapabili mong saging na lakatan," sabi ni papa sabay taas ng plastik niyang dala sa kanan niyang kamay. "Napadaan kasi ako sa kakumpare ko na may puwesto sa palengke at binigyan ako nitong isda."
Haaaay. Mali pala ang hula ko. Saging lang pala ang pinapabili ni mama.
Ilang minuto pagkatapos ng mga pag-uusap at kumustahan ay nakaramdam na rin kami ng gutom kaya nagsalu-salo na kami sa pagkain na niluto ni mama. Nagpatuloy dito ang mga pag-uusap at mga kuwentuhan.
In the end, masaya naman pala kapag may bisita sa bahay.
BINABASA MO ANG
The Moth and the Firefly
Teen FictionA moth once said: "A light from a fire is dangerously beautiful." Marri is a sixteen year old girl that has a problem with socializing with others. While living her boring life, she meet Aly, a mysterious teenage boy with a bright personality. They...