Pagkatapos naming mag-ayos ng mga gamit namin ay lumabas na rin kami sa bahay para maglibot-libot sa flower garden ni Auntie Mayet at para na rin magvlog at magvideo ng paligid para sa project.
Habang naggagawa kami ng project namin ay mage-enjoy pa kami sa view. Sulit naman talaga ang pagpunta namin dito.
Naglalakad-lakad kami ngayon ni Hinna sa taniman ng mga tulips kasama si Ryan. Nagsasalita mag-isa si Hinna na parang kinakausap ang kamera habang si Ryan naman ay hyper na hyper.
Takbo ng takbo siya kung saan saan habang nagse-selfie. Natatapakan na nga ni Ryan yung mga bulaklak kaya sinasaway siya nung hardinero na tumigil sa kakatakbo. Huminto naman siya kaagad nung nasaway na siya.
Nakunan ni Hinna sa kamera ang pangyayaring iyon habang tinatawanan si Ryan.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Halos maglibot na nga namin ang lahat ng taniman ng mga bulaklak dito. Mga alas-dose na kami nakabalik sa bahay na tinutuluyan namin.
Pagdating naming tatlo doon ay nandoon na din si Jinno at Aly. Lumabas din kasi sila kanina para mag-video para din sa project pero mas nauna silang bumalik kaysa sa amin.
Nakaupo sila sa lamesang nasa balkonahe. Sa lamesa nakalagay ang iba't ibang pagkain at mga putahe. Ito ang mga pagkaing inihanda para sa amin ni Auntie Mayet para sa tanghalian. Ang lahat ng pagkain na nandito ay mukhang masarap at katakam-takam.
"O saan ba kayo nagpunta? bakit ang tagal niyong bumalik?," tanong ni Aly sa amin.
"Naglakad-lakad lang kami sa taniman ng mga bulaklak, hindi namin namalayan na nalibot na pala namin yung buong area," sagot ni Hinna sa tanong ni Aly.
Dumating na rin si Auntie Mayet galing sa kusina habang may dala-dalang isang malaking bowl ng Sinigang na baboy.
"Andyan na pala ang mga magagandang dalaga," bati sa amin ni Auntie Mayet habang inilalapag sa lamesa ang Sinigang.
"Wow, Auntie, mukhang sinarapan niyo po talaga ang mga pagkain para sa amin," sabi ni Ryan habang nakatingin sa mga ulam na nasa lamesa na parang gustong lantakan na ang mga ito.
"Correction lang ha! Hindi ka naman kasama sa AMIN na yun" sabi ni Hinna habang ini-emphasise ang word na "amin".
Napirap na lang ng mata si Ryan kay Hinna dahil sa sinabi nito.
Umupo at kumain na din kami kasama si Auntie Mayet at nung asawa niya na nag-drive ng van sa amin papunta dito.
Mas lalo akong nakumbinsi na sulit ang pagpunta namin dito dahil sa masasarap na pagkain na niluto ni Auntie Mayet. Sana bumalik ulit kami dito.
Pagkatapos naming magkain ng tanghalian ay kaming dalawa ni Hinna ang naghugas ng mga plato at pinggan na pinagkainan namin.
Si Jinno at Aly talaga ang pinapahugas ni Auntie Mayet pero tumanggi sila at nirason na kaming dalawa daw ang dapat maghugas dahil mga babae kami daw kami. Ang mga babae daw kasi ang dapat maggawa ng mga gawaing bahay!!Nagsang-ayon naman si Auntie Mayet sa kanila. Hindi na kami nakipagtalo pa ni Hinna kahit may pagka-unfair yun sa amin.
Well, madali lang naman maghugas. Kahit madami kaming huhugasan ay tulong naman namin itong ginawa ni Hinna kay a madali lang namin itong natapos.
Hapon na ngayon, kulay kahel ang langit dahil nag-aagaw na ang dilim at liwanag.
Nakaupo kami ngayon sa balkonahe kung saan kami nagkain ng tanghalian kanina.
Dito ako umupo habang kumakain ng pansit na meryendahan namin. Ako at si Aly lang ang nakaupo dito dahil nasa lobby silang lahat at kaming dalawa lang natira dito.Magkatabi kaming nakaupo, mga dalawang metro ang pagitan sa isa't isa. Busy ako sa pagkain ng pansit habang siya naman ay busy sa pagkukuha ng litrato ng mga tanawin sa labas dahil mula sa kinauupuan namin ay tanaw ang napakagandang sunset.
BINABASA MO ANG
The Moth and the Firefly
Teen FictionA moth once said: "A light from a fire is dangerously beautiful." Marri is a sixteen year old girl that has a problem with socializing with others. While living her boring life, she meet Aly, a mysterious teenage boy with a bright personality. They...