Kabanata 3

34 18 0
                                    


Nakatayo ako ngayon sa entrance ng mall. Hinihintay ko si mama na dumating.
Mas nauna kasi akong dumating dahil galing sa school dumeretso na agad ako sa mall. Sino bang mag-aakala na mas mauuna ako? Haaay. Asan na ba kasi si mama?

Lumipas ang 15 minutes. Naisipan kong tawagan si mama. Kinuha ko sa bag ko ang cellphone ko at tinawagan si mama.

Nagriring na ang cellphone ko nang may tumawag sa pangalan ko galing sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ko si mama na naglalakad papalapit sa akin.

"Naghintay ka ba, nak?," tanong ni mama sa akin.

"Di naman, mas nauna lang naman ako ng 15 min," sarkastikong kong sagot.

"Pasensya na, bago kasi ako pumunta dito, nakasalubong ko yung batchmate ko nung collage kaya nag-usap lang kami ng madali."

Madali? Baka nakiwento na ni mama ang buong buhay niya sa 15 minutes na yun. Haaay.

Pagkatapos nun, lumakad na din kami ni mama papasok ng mall. Naglibot-libot kami pero mukhang walang espisipikong lugar ang planong puntahan ni mama.

Lakad ng lakad lang kami ni mama hanggang makarating kami sa bilihan ng damit at sapatos. Hinila ako ni mama papasok ng store na yun at nagpunta sa girl's section.

Nakita ko si mama na nagtitingin sa mga bestida na nakadisplay. Kinuha niya ang isa sa mga nakahanger dito, isang pink na dress na may disenyong bulaklak at paru-paro at may ruffles

"Anak, ano sa tingin?," tanong sa akin ni mama habang hawak ang pink na dress.

"Di naman yan kasya sayo, ma," biro ko kay mama.

"Hindi naman ako ang masuot eh, maganda ba, nak?"

Kung hindi si mama ang masuot, edi sino? Ako?

Napansin siguro ni mama na masunurin ako lately kaya naisipan niyang bigyan ako ng regalo bilang reward.

Haaay. Sige. Sasakyan ko na lang ang plano ni mama. Kunwari ay wala akong alam.

"Hmm. . . . . Maganda kaso mukhang pambata," sagot ko sa tanong ni mama.

"Sa tingin ko, ayos na ito."

Hindi na nagtingin pa si mama ng iba pang mga damit. Mukhang buo na ang desisyon niya sa pagbili ng pink na dress na yun kaya hindi na ako nag-alma kahit alam kong para sa akin naman yun.

Malapit sa puwesto namin, nandoon naman makikita ang mga shelf ng mga sapatos na rubber shoes. Ang gaganda ng mga ito at mukhang matitibay. Mukhang masarap ipangtakbo.

Lumapit doon si mama at nagtingin-tingin. Kita sa mukha ni mama na parang nahihirapan siyang magpili ng sapatos.

Lumingon siya sa akin. Sinitsitan ako at sinenyasan na lumapit. Lumapit naman ako sa puwesto ni mama.

"Ano kayang maganda dito?," tanong ni mama sa akin.

Hinihingi ulit ni mama ang opinyon ko tungkol sa sapatos. Hindi kaya't para sa akin din itong sapatos? Haaay.

Dapat ay piliin ko na yung pinaka gusto ko. This is a once a life time chance. Dapat ay sulitin ko na ito.

Pinagmasdan kong mabuti ang mga rubber shoes na nakadisplay dito.
Sinuri itong maigi.

Isa sa mga ito ang nakakuha ng atensiyon ko, yun ang dark blue na rubber shoes. Hindi ito branded na sapatos pero okay na yun para sa akin.
Ayoko din namang mabutas ang bulsa ni mama dahil sa luho ko.

Tinuro ko yung dark blue na rubber shoes na pinili ko para sa akin. Kinuwa ito ni mama at pinasuot sa akin.

And guess what? Kasyang kasya ito sa akin!
Parang ginawa talaga siya para suotin ko.

"Oh! Kasyang-kasya pala yan sayo," sabi ni mama at pagkatapos ay lumingon-lingon siya sa paligid na parang may hinahanap.

Tinawag niya ang isa sa mga saleslady na nagaayos ng mga damit. Saleslady pala ang hinahanap niya pero bakit naman.

"Bakit po mam?," magalang na tanong ng saleslady.

"Ah, meron ba kayong ibang size nito? yung mas mahaba sana," sabi ni mama habang nakaturo sa rubber shoes kong suot.

Bigla akong napalingon kay mama dahil sa sinabi niya. Bakit mahingi si mama ng ibang size nitong sapatos kung tama lang ang size na ito sa akin?

Ah! Alam ko na. Siguro naisip ni mama na malakì pa ang paa ko kaya naisip niya na bilhin ang mas malaking sapatos kaysa sa size ng paa ko sa ngayon. Siguro ganun nga.

"Opo mam, meron po kaming stock nun, kukunin ko lang po at maghintay na lang po kayo sa counter," sagot nung Saleslady sa tanong ni mama at lumakad na ito papunta sa stock room ng store na iyon.

Katulad ng sinabi nung Saleslady, naghintay kami ni mama sa counter. Mukhang wala nang bibilhin pang iba si mama.

Ilang minuto lang ay dumating na yung Saleslady at dala-dala niya yung sapatos na mas malaki ang size. Binigay niya ito kay mama at binayaran naman ni mama ang lahat ng kinuha namin, yung pink na dress at yung rubber shoes.

Umalis na din kami ni mama sa mall pagkatapos niya mabili ang lahat ng mga ireregalo niya sa akin. Kailangan ko na lang maghintay ngayon na ibigay ito sa akin ni mama.

Pagka-uwi namin sa bahay naming dalawa ni mama, dumeretso agad ako sa kwarto ko upang magpahinga. Nakakapagod din kaya ang maglibot sa mall lalo na kapag si mama ang kasama.

Humiga ako sa kama ko at niyakap ang paborito kong unan. Gusto ko sanang mag-idlip kahit ilang oras lang para makapagpahinga. Haaay.

Pipikit na sana ang mga mata ko pero biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko.

"Pasok po," matamlay kong sagot.

Si papa pala ang kumatok. Binuksan ni papa ang pinto at pumasok sa kuwarto ko. Agad naman akong umalis sa pagkahiga at umupo sa kama ko.

"Anak, may gunting ka diyan?," tanong ni papa sa akin.

"Gunting? Bakit niyo po kailangan ng gunting?," tanong ko naman kay papa.

Umupo siya sa tabi ko at pinakita sa akin ang mga fliers na may nakalagay na mga coupon na may nakalagay na discount.

"Nakakuha kasi ako ng mga coupon na makaka-discount sa sinehan, balak ko sanang yayain ang nanay mo na manood ng sine," sabi ni papa habang nakangiti na abot-tenga.

"Wow, sweet naman ng tatay ko," puri ko kay papa pagkatapos ay inabot ko sa kanya ang gunting na nakalagay sa pencil holder na nasa lamesa ko.

Pagkatapos makuha ni papa ang gunting ay lumakad na siya papunta sa pinto ng kuwarto ko.

"Atsaka nga pala, Marri, lumabas ka na lang mamaya kapag makain na tayo ng hapunan," paalala sa akin ni papa bago ito umalis.

Pagkaalis ni papa ay bumalik ulit ako sa pagkakahiga sa kama ko. Haaay.

Ngayon ko lang nalaman na may pagka-sweet pala si papa. Oo, palaging nagaaway sila ni mama at papa pero hindi ito tumatagal. Palaging si papa ang nagsusuyo kay mama at si mama naman, madali lang suyuin. Alam ni papa kung ano ang dapat niyang gawin para magkaayos sila.

Natutuhan ko sa kanila na sa isang relationship o friendship o anumang ship yan, kailangan nito ng dalawang tao na naiintindihan ang isa't isa. Kaya ako, hahanap ako ng taong naiintindihan ako.

The Moth and the FireflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon