Mainit ngayon ang panahon. Tirik na tirik ang araw at talagang nakakauhaw.Hapon na ngayon. Papauwi na ako ng bahay galing sa school pero nagpunta muna ako sa isang convenience store na malapit sa school upang magpalamig.
Nagbili ako ng yogurt drink at nagtambay na rin sa loob para may air-con. Umupo ako sa upuan sa tapat ng glass na dingding kaya tanaw ko ang mga kaganapan sa labas.
Inom sabay tanaw sa labas.
Tanaw ko mula sa aking kinauupuan ang mga estudyante na naglalakad galing sa school, mga taong nagtatambay sa kalsada habang nagpapaypay, at mga taong nakapayong na parang takot mainitan at mangitim.
Habang pinagmamasdan ko sila ay ini-enjoy ko ang moment ko ngayon mag-isa. Masaya na ako sa mga maliit na bagay na ganito, tahimik at mapayapa.
Habang nagiinom ako yogurt drink na binili ko ay may napansin akong anino ng lalaki mula sa labas. Tumingin ako ng diretso at nakita ko si Aly na nasa kabila ng glass na dingding, nakatayo sa harapan ko.
Hindi ko alam kung kailan pa siya napunta sa puwesto na iyon at hindi ko rin napansin ang pagdating niya.
Nagsalita siya pero hindi ko marinig kaya binasa ko na lang ang pagbigkas niya ng labi niya.
"Ma-ri-po-sa"
Nang maintindihan ko ang sinabi niya ay napakunot na lang ako ng noo. Medyo naa-awkward ako sa nangyayari ngayon kaya tumayo na ako sa inuupuan ko upang lumabas sa convinience store.
Pagkalabas ko ng convinience store ay nakasalubong ko si Aly. Nabigla ako kaya hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Natulala na lang ako habang nakatingin sa kanya.
Kumaway si Aly sa tapat ng mukha ko na parang tinitingnan kung gising pa ako. Natauhan ako at biglang tinapik ang kamay ni Aly palayo sa mukha ko.
"Oo nga pala, di naman pala tayo close," sabi ni Aly habang kumakamot sa ulo na parang napahiya sa kaniyang ginawa.
Ilang saglit lang ay lumapit sa amin na isang lalaki na medyo kulot ang buhok. Nakasuot ito ng uniporme na kaparehas sa amin kaya masasabi kong schoolmate ko siya.
"Aly!," tawag nito kay Aly sabay akbay sa balikat nito.
"Oh! Jinno!," banggit ni Aly sa pangalan nung lalaki na parang malapit sila sa isa't isa.
Habang nakaakbay kay Aly ay napansin ako nung lalaki at tumingin sa akin. Kita ko sa mukha nito ang pagkabigla nang makita ako na parang kilala niya na ako dati pa.
Inilapit nung lalaki ang mukha niya sa mukha ko na para bang kinikilatis niya kung sino ako.
"Jinno, kilala mo siya?," tanong ni Aly.
"Oo, hindi ba't siya si Marri," sagot nung lalaki.
Teka. . . . Paano niya nalaman ang pangalan ko!??
Hindi ako makapaniwala na marinig na banggitin ng isang lalaking hindi ko man lang kakilala ang pangalan ko.
"Paano mo ako nakilala!??," tanong ko habang nakaturo dun sa lalaki.
"Hindi mo ba ako kilala? Umm. . . Hindi siguro ako nakuwento ni Hinna sayo."
Hinna? Yung babae na nakasabay ko pauwi ng school one time? Natatandaan ko siya pero anong konekta naman niya sa lalaking ito?
"Bakit naman ikukuwento ikaw ni Hinna sa akin?!," tanong ko habang nakataas ang dalawang kilay.
"Hindi ba't best friend ka ng kapatid kong si Hinna?"
Para akong nabingi sa isinagot niya.
Ha!? Ano!? Kailan pa ako nagkaroon best friend!? At si Hinna pa na nakasabay ko maguwi ng isang beses lang!? Kailan pa!?
Naging speechless ako ng ilang segundo.
Iniisip ko kung ano ang dapat kong sabihin sa Jinno kulot na ito at kung paano ipapaliwag sa kanya na hindi ko best friend ang weirdo niyang kapatid na si Hinna.
Pero may puso pa naman ako, ayokong napahiya si Hinna sa kapatid niya kaya ayokong direktang sabihin na hindi ko kakilala si Hinna at lalong hindi ko siya best friend."Ah-ha-ha, si Hinna!? Kapatid ka pala niya!! Ah-ha-ha," sagot ko habang fake na tumatawa. "So anong tawag ko sayo? Kuya? Kuya Jinno?"
"Yieee, Kuya Jinnooo, yieeeee," kunwari kong pang-aasar sabay suntok ng mahina sa balikat nito na parang close na kami.
Nagkatinginan silang dalawa ni Aly at sabay na tumingin sa akin. Sinasabi ng mukha nilang dalawa na parang mukha akong baliw sa ginagawa ko ngayon kaya agad na akong huminto sa pag-aarte ko.
Haaay. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. Nakakahiya pala.
Lumapit sa akin si Aly at inilagay ang palad niya sa noo ko. Nansilaki ang mga mata ko dahil sobrang lapit namin sa isa't isa ngayon.
Hindi ko naiintindihan kung bakit niya ginagawa ito sa akin ngayon."Marri, nilalagnat ka ba? Iba ang kinikilos mo ngayon ah," sabi niya sabay ngiti na parang pinipigilan ang tawa.
Alam ko na namumula na ang buong mukha ko ngayon.
Ang nais ko na lang mangyari ay makatakas sa oras na ito dahil sa kahihiyan na ginawa ko kanina.Hinawakan ko ang braso ni Aly at inalis ang kamay niya sa noo ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang tanging gusto ko na lang ay iwasan si Aly at yung kapatid ni Hinna.
"Aray, ang sakit ng tiyan ko, kinakabag siguro ako," palusot ko habang umaarteng masakit ang tiyan sabay takbo.
Alam ko na nagulat din silang dalawa dahil bigla na lang akong umalis.
Tumakbo ako ng mabilis habang nakayuko. Binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa abot ng aking makakaya. Sa tingin ko, ito na lang ang tanging paraan para makatakas ako sa aking kahihiyan.
Naghinto ako sa isang poste kung saan hindi na nila ako natatanaw. Hingal na hingal ako pagkatapos ng pagtakbo ko.
Gusto kong sumigaw pero hindi ko yun magawa.Patuloy na akong lumakad papunta sa bahay namin habang pilit na kinakalimutan ang mga nangyari kanina.
Ilang minuto lang ay nakarating na din ako sa bahay. Pagkapasok na pagkapasok ko sa pinto ay nadatnan ko si mama at papa na nagsisigawan at nag-aaway.
Hindi na bago ito sa akin. Palagi silang nag-aaway at nagtatampuhan dahil lang sa maliit na bagay pero nagkakabati din naman sila. Ewan ko nga, kung mag-aaway sila parang mga bata.
"Ma, Pa, ano na naman po ito?," kalmado kong tanong sa kanila.
"Eh eto kasing si papa mo, sinabihan ko na ihiwalay yung puti sa de color, pero sinama yung paborito kong puting bestida sa de color, ngayon rainbow na ang kulay!!!," reklamo ni mama.
"Mahal, di ko naman sinasadya yun eh, alam mo naman na di ko gawain ang paghihiwalay ng mga damit na puti at de color, pasensya ka na, hindi ko lang talaga napansin yung damit mo," paghingi ng pasensya ni papa.
"Hindi naman kasi yun basta basta lang na bestida. Paborito ko yun, sinuot ko yun bilang ninang sa binyag nung anak ng pamangkin kong si JunJun!!!," sabi ni mama.
"Sorry, Mahal, hindi ko naman sinasadya talaga eh, sige na bati na tayo," suyo ni papa kay mama.
"Madali lang naman yung pinagawa ko sayo ah, Hindi naman kita pinalaba, pinahiwalay lang naman kita ng puti at de color, yung washing machine yung malaba, yun lang ang gagawin mo!!," reklamo ni mama.
"Sherlyn at Agustin, kalma muna kayo. Tiyaka na po kayo mag-usap kapag hindi na mainit ang ulo niyo. Mag-usap po kayo ng kalmado," sabi ko kina mama at papa.
Dumeretso na ako sa kuwarto ko para magpahinga. Ako ang napapagod kapag nag-aaway silang dalawa. Haaay. Bakit hindi na lang kasi sila magkabati!?
Haaay. Gusto ko nang matulog at kalimutan lahat ng nangyari ngayong araw. Sa tingin ko ay pagtulog ang kailangan kong gamot ngayon.
BINABASA MO ANG
The Moth and the Firefly
Teen FictionA moth once said: "A light from a fire is dangerously beautiful." Marri is a sixteen year old girl that has a problem with socializing with others. While living her boring life, she meet Aly, a mysterious teenage boy with a bright personality. They...