Kabanata 9

24 17 2
                                    


Nakatayo kami ngayon sa tapat ng isang burger stall na nasa tapat ng school namin. Maraming mga estudyante ang bumibili dito ng pagkain bago at pagkatapos ng klase. Nakatikim na rin ako ng burger na tinitinda nila dito at masarap naman talaga.

Siguro alam niyo na kung bakit kami napunta dito ni Aly. Haaay.

*sigh*

"So anong gusto mo?," tanong ko kay Aly.

"Erm. . . kahit burger at fries lang," sabi niya habang nakatingin sa menu.

"Wow. may fries pa talaga," pabulong kong sabi.

Haaaay. Hindi ko alam na ganito pala kakapal ang mukha ni Aly. Well, dapat na akong masanay sa kanya.

Habang kumakain si Aly ng burger ay lumapit ako sa tindera para magbayad sa kinain ni Aly.

"Umm. . . magkano po lahat?," tanong ko sa tindera.

"30 pesos lang beh."

Kinuwa ko ang wallet na nasa bag ko para kinuha ng perang ipapambayad.

Habang kumukuha ako ng pera sa wallet ko ay nalaglag ang dalawang coupon. Nilagyan ko kasi sa wallet ko yung dalawang coupon para sa sine na binigay sa akin ni papa.

Agad akong nagbigay ng 30 pesos sa tindera at salu-salong pinulot ang coupon na nahulog.

"Ano yun? Coupon?," tanong ni Aly sabay kagat sa burger.

Tumango lang ako.

"Hindi na uso ang coupon ngayon," sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Hindi ako naipon ng mga ganito, yung papa ko lang ang nagbigay nitong mga coupon. Tinanggap ko kasi sayang naman atsaka makakatipid ako ngayon sa sine dahil sa coupon na to, hanggang ngayong araw na ito bago mag-expire," sagot ko sa kanya.

"Hindi ko in-expect na matanda ka pala mag-isip," sabi ni Aly na parang natatawa.

"Hindi ka ba thankful? Nilibre na nga kita tapos ganyan pa ang sasabihin mo sa akin."

Hindi niya lang pinansin ang sinabi ko at patuloy lang sa pagkain. Patuloy lang siya sa pagkain na nilibre ko. Hinintayin ko siya hanggang sa matapos siya ng pagkain ng burger at fries.

"Tapos na akong kumain, Tara na, punta na tayo sa sinehan," sabi ni Aly na para bang handang handa na siya sa pag-alis.

"Sinehan? Sinong nagsabi sayo na mapunta tayo sa sinehan!?," sabi ko habang nakakunot ang noo.

"Hindi ba't may dalawa kang coupon, sayang naman kung hindi natin yun gagamitin, atsaka hanggang ngayong araw na lang yun," sagot ni Aly.

"Hoy, hindi ka mapunta sa sinehan! May pasok ka pa kaya!"

"Problema ba yun, edi ma-cutting class na lang ako, tutal nasa labas na rin naman," sagot ni Aly.

"Cutting class!? Huwag! Sinasabi ko sayo wag!"

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Mariposa," sabi niya.

Haaay. Anong bang nasa isip ni Aly!? Nababaliw na ba siya!? Ayokong sumang-ayon sa kanya kasi baka mapahamak siya. Pero kahit anong sabi ko sa kanya na pumasok siya sa klase ay hindi niya ako pinakikinggan.
Haaay.
Ang tigas ng ulo ni Aly kaya wala na akong magawa.

"Pahiram ng cellphone mo," sabi ni Aly sa akin habang nakalabas ang kamay.

"Bakit? Para saan?"

"Kailangan kong kunin ang bag ko sa room kaya tawagan ko si Jinno?"

Kinuwa ko ang cellphone ko sa bag at inilagay ito sa nakalahad na kamay ni Aly.
Nagsimula siyang mag-type ng number ni Jinno para tawagan.

"Hello? Sino po ito?," tanong ni Jinno sa kabilang linya.

The Moth and the FireflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon