Nagpunta na kaming apat sa sala.
Isang oras na ang nakalipas simula ng magkarating kami sa bahay nila Hinna pero wala pa rin kaming nabuong plano para sa gagawin naming project.
"Bakit mo pala pinapunta dito si Marri?," tanong ni Jinno kay Hinna.
"Ahh, oo nga pala, pinapunta ko siya dito para magplano sa project namin sa Filipino," sagot naman ni Hinna.
Mabuti at hindi niya nakalimutan.
"Ano bang project niyo sa Filipino baka ganyan din ang pina-project sa amin," tanong ni Aly.
"Pinapagawa kami ng documentary o kanya naman vlog tapos bahala na kami sa ilalagay naming content," paliwanag ni Hinna.
"Ganyan din ang project namin sa Filipino!," sabi ni Aly habang nakatingin kay Jinno. Tumango naman si Jinno bilang pagsang-ayon kay Aly.
"What if sama-sama na lang tayong gumawa?," suhestiyon ni Hinna.
"Umm, sige pero ano bang plano niyong gawin? Vlog o documentary?," tanong ni Aly.
Tinatanong niya ba kami kung ano ang plano namin? Ang sagot wala. Wala pa kaming plano.
"Kayo, anong gagawin niyo?," tanong ni Hinna sa kanila.
"Magawa kaming vlog."
"Edi vlog na din sa amin!!!," excited na sabi ni Hinna sabay tingin sa akin at ngumiti ng abot-tenga.
Napakagaling niyang dumepende sa iba. Haaay.
Nagpatuloy lang sila sa pagpaplano habang ako nama'y tahimik lang sa isang gilid. Wala naman kasi akong ideya na makakatulong sa kanila. Ayos lang sa akin kung anumang ang mabuo nilang plano."May Flower Garden yung asawa ng kapatid ni mommy, si Auntie Mayet. Sa tingin ko, maganda dung mag-vlog," sabi ni Jinno.
"Ayy, oo, maganda dun. Sa sabado na lang tayo dun pumunta," pagsang-ayon ni Hinna.
Pumayag naman kami ni Aly na doon na lang kami mag-vlog para sa project, wala naman kaming rason para tumutol.
Sobrang excited naman ni Hinna na parang hindi na siya makapaghintay na dumating ang sabado.
Ewan ko ba, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sa totoo lang, may nararamdaman akong konting excitement sa pagpunta namin doon.Lumakad lang ako pauwi dahil sobrang lapit lang naman ng bahay namin mula sa bahay nila Hinna. Mas lalo ko tuloy nararamdaman na magkapit-bahay kami.
Dumating na ako sa bahay. Pagkapasok ko ay nakita ko sa sala si mama at papa, nanonood ng teleserye habang naglalambingan na parang hindi sila nag-away. Hindi ko alam kung kailan pa sila nagkaayos pero alam ko na mas mabuti iyon.
"Oh, anak, andyan ka na pala! Medyo late kang umuwi ngayon, saan ka ba galing?," pambungad na tanong sa akin ni Papa.
"Andyan lang po ako sa kabilang kanto, sa bahay ng kaklase ko," sagot ko.
Malakas na sana ako papunta sa kuwarto ko pero bigla kong naisipan na magpaalam na sa kanila ngayon tungkol sa pagpunta namin sa flower garden ng auntie nila Jinno at Hinna.
"Umm, ma, pa, sa sabado nga pala, mapunta kami ng mga kaklase ko flower garden ng auntie nila para doon gumawa ng project namin," pagpapaalam ko.
"Saan ba yung flower garden na puntahan niyo?," tanong ni mama.
"Ummm. . . Sa kabilang bayan po, isang oras po ang biyahe papunta doon mula dito."
"Ang layo naman pala niyan. Baka mapahamak kayo kung kayo-kayo lang ng mga kaklase mo," sabi ni mama.
BINABASA MO ANG
The Moth and the Firefly
Teen FictionA moth once said: "A light from a fire is dangerously beautiful." Marri is a sixteen year old girl that has a problem with socializing with others. While living her boring life, she meet Aly, a mysterious teenage boy with a bright personality. They...