Malinaw pa rin sa aking isipan ang lahat ng nangyari kahapon. Yung pag-cutting class ni Aly at yung pagpunta namin sa sinehan para manuod ng movie. Pati na rin lahat ng pinagusapan namin kahapon nung pauwi na kami.
"Tanggap kita kahit isa kang loner na walang pake sa taong hindi mo kakilala. Dahil gusto kitang maging kaibigan, Mariposa!"
Paulit-ulit kong naririnig ang mga katagang ito sa utak ko na para bang nage-echo.
Ewan ko ba kung pinagtitripan lang ako ni Aly na parang naisipan lang niyang sabihin ito sa akin. Pero ang laki ng epekto nito sa akin. Parang ginagawa ako nitong baliw.
I'm not sure if he really mean it.
Nakaupo lang ako ngayon sa loob ng classroom. Nakatulala habang inisip ang lahat ng iyon. Wala pa yung teacher namin na magtuturo sa amin ngayon kanya medyo hayahay lang kami.
Wala akong magawa kaya naglabas muna ako ng classroom namin. Nasa labas din yung mga kaklase ko, yung iba nagkakain sa cafeteria at yung iba naman tumatambay lang sa hallway habang nagse-cellphone o kaya naman nakikipag-chikahan sa mga barkada nila.
Naisipan ko naman lumibot sa building na kinatatayuan ko ngayon, kung nasaan matatagpuan ang classroom namin. Naglalakad-lakad lang ako at hinahayaan na ang paa ko ang mag-guide sa akin kung saan man ako mapunta.
Diretso lang ang paglakad ko sa hallway hanggang napatigil ako sa tapat ng Faculty Room na nasa building din na ito, kung saan tumatambay ang karaniwan sa mga guro. Pero hindi lang mga teacher ang nakita ko sa loob ng Faculty Room, nandoon din si Aly.
Nakatayo tayo siya sa tapat ng desk ng mga teacher habang sinisigawan ng adviser niya at nakayuko.
Haaay. Bakit sa lahat pa ng pagkakataon, sa ganitong sitwasyon ko pa siya nakita ngayong araw?"Mr. Sentino, matalino at outstanding student ka sa klase ko, pero kailan ka pa natutong mag-cutting classes! I will consider this as your first offense, pero sana wag nang maulit ito!," sermon ng adviser ni Aly sa kanya.
"Yes po mam, hindi ko na po uulitin yun," sagot naman dito ni Aly.
Lumakad na palabas ng Faculty Room si Aly habang nakayuko ang ulo. Dire-diretso lang ito sa paglakad at hindi ako napansin. Gusto ko sana siyang batiin kasi feeling ko medyo mas naging close na kami pero hindi ko na iyon ginawa. Hinayaan ko lang na lagpasan niya ako.
Ang gloomy ng mukha niya ngayon na para bang sinapian siya ng itim na yokai, ibang iba rin ito kaysa sa maliwanag at maaliwalas na mukha niya dati. Parang kakaibang Aly ang nakita ko ngayon.
Well, tao din naman si Aly. Hindi porket palagi siyang nakangiti ay bawal na siyang maging malungkot. Sino ba naman ang hindi malulungkot kapag pinagalitan ka ng adviser mo dahil nahuli ka na mag-cutting classes?
Pero para sa akin, wala naman siyang karapatan na magmukmok dahil siya din naman ang may kasalanan.
Sino bang pumilit na manood ng sine? Si Aly. Sinong nag-cutting classes? Si Aly ulit. Sinong hindi makinig kahit sinabihan na huwag yun gawin? Edi, si Aly!!
Haaay. Siya at siya din naman ang may kasalanan eh.Bumalik na ako sa classroom namin dahil nagsimula na ang klase namin sa Filipino.
"Ibibigay ko na ang magiging project ninyo ngayong second quarter. Ito ay ang paggawa ng documentary o ng mga vlog. Kung gusto niyong educational, gumawa kayo ng documentary o kung gusto niyo naman na kalokohan lang, edi gumawa kayo ng vlog. Kayo na ang bahala sa ilalagay niyong content. Kailangan niyo din humanap ng magiging kapartner niyo sa paggawa ng project pero individual ang pagmamarka ko. Sige, Find your own partner!," Sabi ng teacher namin na nasa unahan.
Nang marinig ng mga kaklase ko na by pair yung project, tuwang tuwa sila at agad na naghanap ng magiging kapartner nila.
Ewan ko ba kung ano ang mabuti kapag may kapartner, sa tingin ko kasi mas madali kung mag-isa lang ako. Kapag may kapartner ka kasi, may sari-sarili kayong ideya at iba iba ang magiging opinyon niyo.Anyways, sa tingin ko mahihirapan akong makakuha ng kapartner.
Maya maya ay may lumapit sa kinauupuan ko ang isang lalaki, si Justin pala, yung vice president namin.
"Uyy, Marri, tayo na lang ang mag-partner sa project sa Filipino," aya nito sa akin.
Dapat ba akong magsagot ng oo? Sa tingin ko, siya lang naman ang naglakas-loob na magyaya sa akin para maging kapartner.
Wala akong rason para tumanggj."Sige——"
"May partner na si Marri!," sigaw ni Hinna na dahilan para hindi matuloy ang sinasabi ko.
Napalingon kami parehas ni Justin sa likuran ko kung saan nakaupo si Hinna.
"Sino naman?," tanong ni Justin kay Hinna.
"Ako, syempre! Ako best friend niya eh," sagot ni Hinna sabay turo sa akin.
Wait? Tama ba narinig ko? Si Hinna mismo ang nagsabi na mag-best friend kami. Kaya pala nasabi ni Jinno na best friend ako ng kapatid niya.
"Ahh, ganun ba, sayang naman," sabi ni Justin at umalis na ito.
Lumingon ako kay Hinna para kausapin siya tungkol sa sinabi niya na kani-kanina lang.
"Tayo ba ang magkapartner sa project sa Filipino?," tanong ko kay Hinna.
"Oo, ganun na nga," sagot ni Hinna.
Haaay. Wala na akong magagawa. Mabuti nang si Hinna ang kapartner ko kaysa sa wala. Siya na din ang nag-insist eh.
"So, anong plano?," tanong ko sa kanya.
"Wag ka munang mag-stress tungkol diyan. Sa bahay na lang namin tayo mag-plano mamayang uwian!"
Huh!? Inaaya niya ba akong pumunta sa bahay nila!? B-bakit?
Haaay. Sa tingin ko, wala namang masamang pumunta sa bagay nila lalo na kung para naman ito sa gagawin naming project. Ang tanging kinatatakutan ko lang na baka makita ako ng kuya niyang si Jinno!!
Haaay. Di bale na. Sanay naman akong mag-go-with-the-flow sa paligid ko at ganun ang gagawin ko ngayon.
BINABASA MO ANG
The Moth and the Firefly
Teen FictionA moth once said: "A light from a fire is dangerously beautiful." Marri is a sixteen year old girl that has a problem with socializing with others. While living her boring life, she meet Aly, a mysterious teenage boy with a bright personality. They...