Kabanata 5

30 18 0
                                    


Sama-sama kaming kumakain ng tanghalian ngayon kasama sina Tita Karen at Aly.

Walang hinto sa kuwentuhan sila mama kahit kumakain na kami ngayon.
Nakikinig lang ako sa kanila habang kumakain at ini-enjoy ang mga masasarap na pagkain na niluto ni mama.

Kinukuwento nila kung ano ang mga ginagawa nilang kabaliwan noong highschool pa sila at yung mga hindi nila makakalimutang mga pangyayari.

At dahil nagkukuwentuhan sila tungkol sa kanilang highschool life dati, napasama kami ni Aly sa usapan.

"Highschool ka na, Aly, diba? Anong grade mo na?," tanong ni mama kay Aly.

"Senior na po ako sa susunod na pasukan," sagot ni Aly habang nakangiti.

"Parehas pala kayo ni Marri, saan ka pala nagi-school?"

"Sa San Diego National Highschool po," sagot ulit ni Aly sa tanong ni mama.

"Diyan din ang school ni Marri, schoolmate pala kayo," excited na sabi ni mama.

"By any chance, nagkita na ba kayo dati?," tanong ni Tita Karen.

Dapat ko bang sagutin ang tanong ni Tita Karen? Dapat ko bang sagutin ng oo? O magmamaang-maangan ako na hindi pa kami nagkita?

Kung sasagutin ko si Tita Karen ng oo, tatanungin nila kung paano kami nagkita at malalaman nila yung tungkol sa pag-aagawan namin sa green na bracelet. Baka isipin nila na may sama kami ng loob sa isa't isa. Well, sa tingin ko, ako lang.

"Ummm. . . . . . . . "

"Hindi pa po," mabilis na sagot ni Aly.

Nabigla ako sa isinagot ni Aly.
Talaga bang hindi niya ako natatandaan?
Hindi niya natatandaan yung tungkol sa pag-agaw niya sa green kong bracelet na suot niya ngayon?
Ilang araw lang ang nakakalipas nang mangyari yun tapos nakalimutan na niya?

Ako kasi, hindi ko malilimutan ang ginawa niya sa akin!! Haaay.
Nag-aarte lang ba siya o talagang nakalimutan na niya?

"Ahh, at least kapag nagkita kayo, kilala niyo na ang isa't isa," sabi ni Tita Karen sa aming dalawa.

Nagpatuloy ang pag-uusap namin habang kumakain. Medyo awkward ng mga nangyari dahil, at some point, feeling ko nirereto nila kami sa isa't isa.
Ewan ko, ako lang siguro ang nakakaisip nun.

Pagkatapos ng pagkain namin ng tanghalian ay nagpaalam na rin sila Tita Karen at Aly. Pagkaalis nila ay bigla akong nakahinga ng maluwang.
Bumalik na rin sa dati ang bahay namin na may tatlo lang na tao. Mas komportable ako sa ganito.

Lumipas ang dalawang araw at dumating ang Lunes.

Isang panibagong araw na naman ang dapat lakbayin. Haaay. Nakakainis dahil wala nang bago sa buhay ko. Aaminin ko, naboboring din ako sa routine kong ito.

Lunes ngayon ng umaga. Nagkataon na pumasok ako sa school ng maagap. Bale kakaunti pa lang ang mga tao na nandito sa school. Wala akong magawa kaya naisipan kong lumabas muna upang magtingin-tingin ng mga kaganapan sa labas.

Nasa hallway ang classroom namin kung saan dumadaan ang mga iba pang mga estudyante na nasa itaas ng building na ito. May tatlong palapag kasi ang building na ito at nasa first floor ang classroom namin.

Bilang lang sa kamay ang mga estudyante na dumadaan sa hallway na ito kaya medyo tahimik ang paligid.

Ilang saglit lang ay may narinig akong mga grupo ng mga estudyante na nagtatawanan at lumalakad pababa ng hagdanan. Narinig ko ang mga hakbang ng kanilang mga paa, palapit sila ng palapit hanggang sa makarating sila sa kinatatayuan ko.

The Moth and the FireflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon