Nasa loob ako ngayon ng kuwarto ko, nagdo-drawing gamit ang mga charcoal pencil na binigay sa akin ng mama ni Aly.
Masasabi kong maganda talaga ang klase ng mga ito.Habang nagdo-drawing ako ay may narinig akong kumatok sa pinto ko. Inihinto ko muna ang ginagawa ko at binuksan ang pinto ng kuwarto ko.
Si Papa pala ang kumakatok.
"Pa, bakit po? Kailangan niyo ulit ng gunting?," tanong ko kay papa at umiling naman si Papa bilang tugon.
"Ito pala yung coupon na inipon ko. Bukas na sana yan kaso galit pa rin sa akin yung mama mo kaya hindi ko siya mayaya kaya sayo na lang," sabi ni Papa sabay abot sa akin nung dalawang coupon.
"Pa, yayain mo na lang magsine si mama para magkaayos na kayo," suhestiyon ko kay papa.
"Kilala mo naman yung mama mo, hindi ako kakausapin nun, ni pansinin man lang."
Wala na akong magawa kundi tanggapin na lang yung dalawang coupon na inipon ni papa, sayang din naman eh. Pero dalawa ang coupon na ito, sino kaya ang isasama ko?
Ang pinakauna kong naisip ay si Ryan. Sana ay wala siyang gagawin bukas para makasama sa pagsine.
Kinuwa ko ang cellphone ko at agad na tinawagan si Ryan.
"Ryan, free ka bukas?," walang patumpik-tumpik kong tanong.
"Bakit?"
"Magpanood tayo ng sine bukas," aya ko sa kanya.
"May gagawin ako bukas, byeeee," sabi niya sabay endcall sa tawag.
Haaaay. Nakakainis. Hindi man lang niya pinakinggan ang ako at pinatayan niya pa ako!! Haaay. Nakakainis.
Sino na ang isasama ko sa pagsine bukas. Haaay. Ayoko naman na magsine mag-isa.
Haaay. Bahala na.Nagising ako mula sa ingay na nanggagaling sa loob ng kuwarto ko. Iminuklat ko ang mga mata ko at nakita si mama na nagliligpit ng gamit sa lamesa ko.
Umupo ako at tinanong si mama kung ano na ang oras.
"Hoy, Marri, oras na para magpasok ng school. 9:30 na kaya!," sagot ni mama sa tanong ko.
"9:30? seryoso ka?," sabi ko habang tumatawa na parang baliw.
"Oo, seryoso, hindi ba't 7:30 ang pasok mo sa school?," sabi ni mama habang pinupulot ang mga labahan kong damit.
Bigla akong natauhan. Nagising ako sa reyalidad.
Tama. Ito ang reyalidad, late na ako ng dalawang oras sa school!!!!!
Walang patumpik-tumpik, agad akong bumangon sa kama at nag-ayos ng sarili. Naghilamos lang ako at nagsuot ng uniporme. Kinuwa ko ang bag ko at nagsakay papuntang school.
Sa sobrang pagmamadali ko ay nakalimutan ko nang magsuklay. Mukha na akong bruha na nagmamadali na parang hinahabol ng manok.
Haaay. Sa wakas ay nakarating rin ako sa school.
Lumapit ako sa gate at narealize na nakalimutan kong dalhin ang ID ko. Haaay. Sa lahat ba naman ng puwede kong nakalimutan, bakit yung ID ko pa!?
"Oh, good morning miss late, nasaan ang ID mo?," pambungad na bati ni Kuya Guard sa akin.
"K-kuya, n-nasa bag ko po, p-pagdating ko na lang po sa classroom s-susuutin," palusot ko kay kuya.
"Bakit di mo na suutin ngayon?," Sabi ni kuya Guard habang nakataas ang kilay.
Nagkatinginan kami ni kuya Guard sa mata. Namamawis na ako dahil sa kaba. Alam ko na wala na akong lusot kay kuya Guard kaya umamin na ako.
"Kuya, Wala talaga akong ID eh, naiwan ko sa bahay. Puwede bang palampasin mo muna toh, sagot ko na snack mo, Kuya Guard. Anong gusto mo, palamig o soft drinks?," pagsuhol ko kay Kuya Guard.
"Pasaway kang bata ka, balak mo pa akong suhulan," sagot ni Kuya Guard sa pagsuhol ko sa kanya.
Kahit nagmamakaawa na ako kay kuya Guard ay hindi pa rin nito binubuksan ang gate. Talagang hindi nagpapatinag si Kuya Guard.
Mawalan na ako ng pag-asa na pumasok ng school. Haaaay. Okay lang naman sa akin mag-absent ako ng isang araw. Lilimutin ko muna ang kasabihan na "It's better to be Late than Absent" dahil pipiliin ko ang mag-absent ngayon.
Maya-maya lang ay nakita ko si Aly sa loob ng school na naglalakad galing sa hagdanan papunta sa gate.
Teka, nakakapagtaka lang ha, bakit kung nasaan ako, nandoon din si Aly? Haaay.Napatingin sa direksyon ko si Aly. Nakita niya ako na nasa labas ng gate ng school. Tumingin siya sa akin na parang naiintindihan na niya ang kalagayan ko ngayon.
May dala-dala si Aly na mga coupon bond na may printed na sulat.
Nang makarating na siya, malapit sa gate at kinausap niya si Kuya Guard."Ano, toy? Lalabas ka?," tanong ni Kuya Guard sa kanya.
"Opo, inutusan po ako nung teacher namin na ipa-photo copy ito," sagot ni Aly sabay turo sa hawak niyang mga coupon bond.
Binuksan ni Kuya Guard ang gate para nakalabas si Aly. Pagkalabas ni Aly sa gate at hinawakan niya ang braso ko at hinila papunta sa gilid kung saan hindi kami makikita nung guard.
"Ano ba?!," sabi ko sabay tanggal sa kamay ni Aly na nakahawak sa braso ko.
"Na-late ka ba? At hindi ka pinapapasok dahil wala kang ID?," sunod-sunod na tanong ni Aly sa akin. "Sigurado akong hindi ka mabalik sa bahay niyo para kunin lang ang ID mo, so saan ka mapunta ngayon?"
Talagang nahulaan niya ang sitwasyon ko ngayon.
Haaaay. Bakit niya ba ako tinatanong kung saan ako mapunta? Kailan pa siya nagkaroon ng karapatan na tanungin ako tungkol sa privacy ko?!!"Pake mo?"
"Ummm. . . May pake ako sayo. Sasamahan kita, saan ka man pumunta," sabi ni Aly sa akin habang nakangiti.
"Kahit sa libingan?," sarkastiko kong sagot sa kanya.
"Ummm. . . Kung handa na ako."
"Teka, hindi ba't mapaphoto copy ka pa?," pagpapa-alala ko sa gawain niya.
"Ahh, yun ba? Palusot ko lang yun para makalabas, nagkataon lang na dala-dala ko yung mga papel na ito," sabi niya habang natatawa at kumakamot sa ulo.
"Edi bakit ka lumabas?"
"Gutom na kasi ako kaya naisip ko na magpalibre sayo."
Naningkit ang mga mata ko ng marinig ko ang mga rason niya sa tanong ko. Hindi naman ako mayaman at wala naman akong pera na pambili ng pagkain atsaka hindi naman kami magtropa para ilibre ko siya. . . . like. . . . duh.
Haaaay. Aly. Bakit ka ganito sa akin?
"Teka bakit naman kita dapat ilibre?," tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay at nakapamaywang.
Tiningnan niya ako sa mata at ngumiti na parang nakakaloko.
"Umm. . . Kakalimutan ko na yung nangyari kahapon, yung pagkakataon na nag-evolve ka galing sa gamu-gamo papuntang paru-paro," sabi niya habang nakangisi. "Hindi ko alam na feeling close ka din pala minsan."
Hindi na ako magtataka na hindi pa nakalimutan ni Aly yung nangyari kahapon sa tapat ng convinience store pero ang hindi ko matanggap ay yung naisip niya na nakakatawa yun. Hindi naman talaga ako ganun sadyang nawala lang sa katinuan yung utak ko noong panahon na yun kaya nag-arte akong mukhang timang.
"Anong gusto mong itawag ko sayo? Kuya Jinno? Yieee, Kuya Jinnooo," panggagaya ni Aly sa mga sinabi ko habang pinapaliit ang boses niya para maging boses babae. Hindi pa siya nakuntento sa pang-aasar, nag-akting pa siya na parang babae kaya nagmukha siyang bakla.
Haaay. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko para mapigilang maasar sa pinaggagawa ni Aly. Walang ekspresyon na makikita sa mukha ko ngayon dahil ang tanging nasa isip ko na lang ay ang kagustuhang patahimikin si Aly sa mga pinagsasabi niya.
"Tara, lamanan natin ng pagkain yang bibig mo. Anong bang gusto mo?," sabi ko habang pinipilit na maging kalmado.
Tumigil na sa pang-aasar si Aly nang marinig ang sinabi ko. Ngumiti siya sa akin na parang sinasabi na nakalamang siya.
Haaay.
Hindi ako makapaniwala na magastos ako ng pera para lang sa pagkain ng isang lalaking palaging Ewan, si Aly.
BINABASA MO ANG
The Moth and the Firefly
Teen FictionA moth once said: "A light from a fire is dangerously beautiful." Marri is a sixteen year old girl that has a problem with socializing with others. While living her boring life, she meet Aly, a mysterious teenage boy with a bright personality. They...