Chapter 6 - Make or Break

159 5 6
                                    


Zam's POV

"Zameeya! May bisita ka!" biglang sigaw ni Gie.

"sino? , saglit lang. pababa na ko!" sagot ko naman kay Gie.

Pagkababa ko, nakaupo na sina Gie, Fudge at Khai sa tabi ni Ace.

"ehem!" bungad ko.

Napalingon silang lahat. Napatayo naman si Ace.

"ay, andyan na pala si Zam." Sabi ni Khai at tumayo na silang tatlo. "sige, maiwan na namin kayo." Paalam pa niya.

"o anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Alam niya na yung tinutuluyan namin kasi ilang beses n din niya ako naihatid dito sa bahay pagkatapos ko siyang samahan after school hours.

"tara?" tanong ni Ace sa akin.

"ha? Saan tayo pupunta?"

Wala naman kaming napagusapang lakad ngayon a.

Nagsilabasan sila at parang gulat na gulat. "o, lalabas kayo?" tanong ni Fia.

"ah, magpapasama sana ako maglibot. Mall lang. Meryenda ganon. Pwede ka ba?" Sagot ni Ace.

"ha.. ah, o sige." sagot ko, kasi wala naman akong nakaplanong lakad ngayong araw. Sabado kase ngayon at walang org sched kaya libre kaming lahat..

"ah, don't worry ihahatid ko naman siya pauwi." pahabol ni Ace.

"ah, o sige." Sagot naman ni Fia.

"bihis lang ako saglet tapos tara na. Upo ka muna diyan." paalam ko kay Ace saka umakyat ng kwarto para magbihis.

Nagpants lang ako saka shirt tapos sneakers. Paglabas namin ni Ace ng apartment, may nakita akong motor. Si Jet na naman siguro 'to.

"pasensya ka na ah. motor lang kasi dala ko e..." nagulat ako ng sabihin niya yun.

Ibig sabihin sa kanya yung motor at hindi kay Jet? What the...! Kung tutuusin, nakakatatlong check na siya sa qualities ha. Una, gwapo. Pangalawa, marunong maggitara at kung ano pang musical instrument.

Nakwemto ko na ba? Napadaan kasi kami sa music room nung nagpamember siya sa Art Club. Di ko akalain na ganun siya kagaling tumugtog ng gitar ay pinao. Halos dumugin yung music room nung nagsample siya non. Haay. Ay teka, ano ba. Lumilipad na naman utak mo, Zam. Oo nga pala nagdadrums din siya. O di baaa, AMAZING! Pangatlo, marunong magmotor. Ommiegash!

Napangiti lang ako at sumagot, "okay lang. Mas masaya nga pag motor eh. Tara?" Aya ko sa kanya.

Sinuotan niya ako ng helmet bago sumakay, di ko alam kung napansin niya pero nagblush ako noooon!

Shet. Haay, masayang araw na naman to.

--

Jet's POV

Kanina pa ko hindi lumalabas ng kwarto... Ewan. Ayoko lang muna bumangon sa kama. Saka nahihilo talaga ako kapag gumagalaw ako eh.

Ilang gabi na din kasi akong puyat dahil sa mga requirements. Ba naman kasi, halos kakaumpisa pa lang ng klase, ang dami nang pinapagawa.

*knock knock*

"Jet? Kain na muna anak... lumabas ka na diyan." Tawag ni yaya butching.

"wala po akong gana. Mamaya na lang po ako kakain. Mauna na lang po kayo." Sagot ko naman at nagtakip ng unan sa mukha.

"sige. Bumaba ka lang kung nagugutom ka na ha..." tapos nadinig ko ang pagbaba ni yaya sa hagdan.

Napabangon naman ako pero parang umikot ang paningin ko at napahawak ako sa ulo ko. Tss.. Pabigla-bigla kasi ng bangon.. ang sakit talaga ng ulo ko.

Ewan talaga! Sobrang badtrip ko ata naaapektuhan na yung utak ko. Tsk. 'Yang Ace kasi na yan eh... Paningit! Hindi pa pala ako nakakapag-sorry kay Zam sa pagsisigaw ko kanina. Kasi naman eh... Tss. Puntahan ko na lang mamaya... pero, masama talaga pakiramdam ko... :| Bakit ba nauso pa magkasakit e. Tss. Makatulog na nga muna..

------------------------------------

Zam's POV

"Gusto mong manood ng sine?" tanong ni Ace habang naglalakad kami papasok ng Mall.

"hmm. Ayoko yung palabas e. Arcade, gusto mo?" masayang tanong ko sa kanya.

"sure! Paramihan ng tickets?" hamon niya pa.

"aba aba! Ako ba hinahamon mo? Game!" sagot ko with matching taas ng muskels ko sa braso

"ang talo manlilibre ng ice cream ha." sabay takbo niya papasok ng Quantime Zone.

Bumili kami tig sampung token. Kung sino may konting ticket pag naubos yung sampung coin siya man lilibre. Enjoy kasama si Ace. Kwela. May kadayaan nga lang sa arcade. Hahaha

" hoy, ang daya mo. Wag mo kong pinapatawa. Di ako makaconcentrate. Hahaha" sita ko sa kanya.

"wala talo ka talaga.." naglalaro kami ng basketball sa arcade.

May pandayrayang nagaganap, mga kaibigan. Hahaha pero naaaliw ako kay Ace. Hindi ko naramdaman yung ilang taon kaming di nagkita at nagkausap dahil ang dali dali niyang kasama. Ang saya niyang kausap, ang kulit kulit. Puro good vibes lang.

Alas kwatro na ng hapon nung matapos kami sa arcade. Paano imbes na magparamihan, naisipan na lang namin kunin yung isang malaking Panda na Stuff Toy. Kaso kinulang parin e. Konti lang tickets ang naipon namin. Mamumulubi naman kami kung sakaling bibili kami ulit. Kaya nung naubos na namin, pinabilang namin tapos pinapalit na lang namin ng mga pagkain. Nakakagutom kaya maglaro.

"gusto mo magmeryenda? Nagutom ako sa kalalaro. Anong gusto mo?" tanong ni Ace nung makalabas kami ng arcade

"fries na lang. May pagkain pa tayo dito o." tinaas ko naman yung mga pinapalit naming pagkain.

"sige. Bili lang ako. Potato Corner?"

"sure. Antayin na lanh kita dun sa may tapat ng escalator." paalam ko bago umalis si Ace par bumili ng fries.

Bakante yung upuan dito kaya dito na muna ako maghihintay. Di pa umiinit yung upo ko ng magring phone ko. Tumatawag si Fia.

"hello?" sagot ko sa tawag

"hi Zamee! Pauwi ka na ba?" tanong ni Fia sa kabilang linya.

"mamayang konti pa siguro. Bakit? May papabili ba kayo?" ganto tong mga to e. Magpapapasalubong kahit sa mall ka lang napunta, daig pa mga anak e.

"wala naman. Aalos muna kami saglit nila Khai. May bibilhin lang, baka di mo kasi maabutan dito za bahay, iniwan namin yung susi

*Pasensya na kung medyo magulo to ngayon. Ginagawan ko kasi talaga ng MAJOR adjustments. Kaya yun. Sooooorry pooooooooooo!! >.< Saka yung mga comments dati sa mga chapters na nawala, pasensya na po talaga. Sana po maintindihan niyo. >.<

Dahil po sa mga adjustments na yun, magiging konti po ang chapters. Pero di na po bitin ang laman ng isang chap. So yun po. :)

--Chikky--mi

My Kind of Fairytale Lovestory ~Editing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon