Chapter 3 - Overnight

229 9 6
                                    

Jet’s POV

Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip dun sa sinabi ni Tracy. Bwisit talaga yung babae na yun. Nakipagbreak na nga lang may iniwan pang dapat isipin. Asar! Pero kung tutuusin naman siya siguro yung nagkaroon ng konting epekto sa’kin sa lahat ng naging girlfriend ko. Medyo tumagal din kami ng 5 months eh. Yung iba kasi ilang weeks lang o di kaya isang buwan nagtatagal.

May pagka-Zam din kasi si Tracy. Maalaga tapos… ay, yun lang pala. Kakaiba kasi si Zam eh. Wala na nga talaga sigurong kapares tong babaeng to. Ang swerte ko na nga at naging bestfriend ko siya.Dati kasi naging crush ko yan. (ssssshhhh lang kayo friends ha, hindi niya alam yun eh....^__^v)

Nung unang pasok ko lang sa school namin dati, para na siyang lalake kung kumilos. Nakakaagaw pansin nga kasi lagi siyang nakangiti tapos maganda siya, yun nga lang talaga atang walang interes sa mga lalake. Nung naging magkaibigan na nga kami parang nawala na rin yung pagkacrush ko sa kanya. Dun ko na rin nakilala sila Fia. Sila lang kasi yung close sa kanya na babae. Noong kinaibigan niya ako, parang nainsecure pa nga ako kasi parang maslalake pa gumalaw at magdesisyon kesa sa’kin. Sabagay, laki kasi na puro lalake ang kasama kaya siguro ganun.

Pero minsan napapatitig na lang ako bigla sa kanya kapag magkasama kami. Lalo na nung pagtungtong namin ng 3rd year high school. Parang biglang evolve yung babaeng yun eh, parang si clefairy sa pokemon.. naging clefable siya. Lalong gumanda... Hindi ko alam pero, parang bumabalik ata yung pagkagusto ko sa kanya, pero hindi ko na tinuloy kasi feeling ko nareject na rin ako ng sabihin niya na ayaw niya daw magkaboyfriend. Sampal kaya yun! Pero okay lang. Nung time din na yun kami naging magbestfriend.

Kaya naman naging kanta ko na sa kanya yung ‘Kundiman’, hindi niya alam yun syempre. Napabangon ako sa pagkakahiga. Kinuha ko yung gitara ko. Parang feel ko na lang maggitara bigla. Medyo binuksan ko yung slide door ng terrace sa kwarto ko para hindi masyadong malakas yung pagtugtog. Napatingin ako kay Zam, tulog na tulog talaga siya.

 

 (a/n: play niyo yung vid sa side para mas feel... hehe ----->) 

 

 

Para kang asukal,

Sing tamis mong magmahal

Para kang pintura,

Buhay ko ikaw ang nagpinta

Para kang unan,

Pinapainit mo ang aking tiyan

Para kang kumot,

Na yumayakap sa tuwing ako’y nalulungkot

 

 

Kaya’t wag magtataka kung bakit ayaw kitang mawala…

“nagpapaka-emo talaga ah…”

Napatigil ako sa pagtugtog at pagkanta. Nilingon ko kung sino, si Zam pala... Nagising ko ata.

My Kind of Fairytale Lovestory ~Editing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon