Chapter 4 - The Transferee

209 8 4
                                    

Update-update din po.. :)

Enjoy!

P.S: comment naman po kayo kahit konti.. Hehe. Para alam ko lang po kung nagagandahan ba kayo o kung lame ba yung story o kung may suggestion kayo... or anything.. wag kayong mag-alala.. hindi ako snob, rereplyan ko naman po kayo eh. :) Thank you!!

-------------------------------------------

Fia’s POV

Hay, nako… ang ingay talaga nitong apat na to, nasa classroom na nga lang tawanan pa ng tawanan. Buti na lang wala pa yung Prof namin. Eto yung conversation nila, este namin pala, isali ko na rin sarili ko para hindi naman masyadong makasarili. -_-:


Jet: hoy, sino kayang mas iyakin sa’ting anim? Ikaw kaya. (sabay turo kay Zam)

Zam: hoy, anong ako, ikaw kaya, hindi ka lang nakasagot sa math problem nung 2nd year umiyak ka na eh. ang kapal ng mukha neto…

Fudge: teka, guys, narinig niyo na ba yung bagong balita?

Ako: natural, hindi pa. Ikaw lang naman pinakachismosa sa’tin eh. ano ba yun?

Gie at Khai: oo nga.

F: k fine. may bagong transfer kasi na student tapos kablockmate daw natin. At eto pa, papabol daw itey. Aaayyy!! Exciting!

Z: ay, ang landi! Sumbong kita sa jowa mo eh. Hahaha!!

F: joke lang. tsaka labs ko si boyfie noh! Balita ko pa, kaya daw siya nandito kasi, may hinahanap siya…

G: hinahanap? Ano namang hinahanap niya?

F: hindi ano, kundi sino…

K: sino? It means, tao?

J: ay, hindi khai. Hayop. Hayop yung hinahanap niya.

K: che! Tigilan mo nga ako! (sabay palo)

A: wag nga kayong magulo… eh sino daw?

Z: baka naman kabit ng girlfriend niya? hahaha…

J: o di kaya, boyfriend niya mismo… hahaha!!

J at Z: bakla!!! Hahaha…

F: hindi, ano ba kayong dalawa… bali-balita na babae daw hinahanap niya. Nagtransfer siya para lang makita ulit yung childhood ekek niya. O diba, ang sweet!

A: Hindi sweet tawag dun, romantic! Kayo talaga, puro ganyan alam niyo… lalo na ikaw, Fudge, tigilan mo nga yang kakachismis tungkol diyan…

K: nako, umiral na naman ang pagkamanang mo…


Ako na naman nakita nito… Zammy help!


Z: tama naman si Fia e, dapat lang noh, stick to one lang dapat kayo.


Bebi Zammy, thanks! Love you much! :D


J: hay nako, nagcomment ka na naman eh wala ka namang ganyan. Anong i-stick to one mo? Hahahaha!!


Sama talaga nitong Jet na to… sasagot na sana si Zam nang biglang pumasok yung prof namin.



“okay, settle down now.. Settle down.” Bungad ni Ms. Santos. Tumahimik naman ang buong klase at nagsipuntahan na ng proper seat. “before we start our class, siguro naman nabalitaan niyo na may bagong transfer sa school natin. At our department was very fortunate to have him. Actually, kablockmate niyo na siya… so to finally meet you, may I call on, Mr. Ferrer…” at tinawag na nga ni Ms. Santos yung newbee.

My Kind of Fairytale Lovestory ~Editing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon