Ace’s POV
Naglalakad lang ako sa mall. Bibili dapat ng regalo para kay Zam. Malapit na kasi birthday nun eh. Ano kaya magandang maging regalo? Ang tagal ko na siyang hindi nakasama kaya medyo hindi ko na din alam kung nagbago ba yung mga hilig niya..
“Wag kang sumigaw! Nageeskandalo ka na…” isang inis na boses ng lalake ang nadinig ko.
“So what kung mageskandalo ako?! Damn you! Ikaw pa nahihiya ngayon?! Ikaw kaya ang nanloko, walang ya ka! Kaya pala… All this time akala ko, busy ka lang… Yun pala, you’re flirting with some… girl!” nagulat ako dahil isang pamilyar na boses ang nadinig ko.
“Bakit? Busy ka rin naman ah! That’s why nawalan ka ng oras sakin…” pangangatwiran nung lalake.
“Ako pa?! My god! Ang dami mong rason! *pak!*”
Ouch! Sakit nun… Tsk. Aalis na sana ako ng biglang may tumulak sakin nakita ko naman kung sino yun kaya sinundan ko na din. The least thing I want to see in the mall, is a girl crying. Naabutan ko siyang humahagulgol na sa may fountain sa gilid ng mall. Tsk. Lumapit ako…
“Here…” I lend out my handkerchief.
Napatingin naman siya at mabilis na kinuha yung panyo. Mas umiyak pa siya nang makita niya ako. Anong ginawa ko!?
“Oh, wala naman akong ginagawa ah. Ba’t mas lalo kang umiyak diyan? Baka sabihin pa nila pinaiyak kita…” umupo na ko sa tabi niya para samahan siya.
“eh.. kas-*sob*-kasi… Nak-s-*sob*-kakahiyaaaa!!!…” then she let out a loud cry again.
“Ssshhhh!!! Hey hey hey… Wag mo naman masyadong lakasan. Napapatingin na yung ibang tao sa’tin eh.” I was getting uneasy dahil nagbubulungan yung mga dumadaan. Hindi ko kasalanan kung bakit umiiyak yan a...
“So what!? Umiiyak ako eh.. paki ba nila! Ipunas ko pa yung sipon ko sa kanila eh...” Napangiwi naman ako sa sinabi niya. She really doesn’t care, does she?
“Eh a-ano kasi… Baka sabihin nila ako nagpaiyak sayo…” This is realy embarrsing…
Napatingin naman siya sa paligod saka, “Waaaaaah!!! Nak-*sob*nakakahiyaaaa!!” saka suminga sa panyong kaninang iniabot ko sa kanya.
Napangiwi naman ulit ako… “nahiya ka pa sa lagay na yan ah.” Sabay tawa ko.
This girl is really funny. Mahigit isang buwan ko pa lang silang nakakasama pero naaaliw na ako sa kanya. She never seizes to make me smile in some ways. No wonder, mahal na mahal siya ng mga kaibigan niya. Nanibago ako sa Fudge na nakikita ko. Seeing her crying over that guy makes me want to punch that guy's face and make him realize na isang malaking pagkakamali yung ginawa niya.
“Alam kong ang pangit-pangit ko na… Ngiti-ngiti ka pa diyan.” Medyo kumalma na siya. Napatitig na pala ako sa kanya. Napangiti ako…
“Wag ka na ngang umiyak diyan. You’re pretty. You don’t deserve someone like that guy. He’s an idiot for cheating on you. Ano ka ba, madami pang iba diyan…”
I am not good at this things pero she needs it. Ayoko lang na may babaeng umiiyak dahil sa mga lalakeng katulad nung boyfriend… or should I say, ex niya. Fudge is a pretty girl. She’s kind, she has a unique humor, any guy would want her as a girlfriend.
“Anong madaming namang iba kang sinasabi diyan?! Ayoko na. Bahala na mga lalake no. Nakakastress kayo! Ang sakit sa bangs ha! Libre mo na lang ako ng ice cream para naman hindi kita isali sa mga lalakeng yun…” nagpupunas pa siya ng konting luha ng sabihin niya yun. She’s cute…
I patted her head then pinched her cheeks. “Hahaha! I guess, you’re already okay.” Then I stood up and held out my hand. “Tara!”
She took my hand and smiled, “libre mo ko ah..”
“Oo na..” pagkasabi ko non, she stood up at naglakad na kami ng sabay.
“Lalabhan ko na lang tong panyo mo.. M-may sipon na kasi eh. Sorry.” Then she made a peace sign.
“Keep it. Baka may germs ka pa diyan…” pang-aasar ko sa kanya. “Aray naman!” kinurot niya kasi ako sa braso.
“Feeling mo ah! Malinis yung sipon ko no… ipakita ko sa’yo to eh.” she was about to open the handkerchief ng pigilan ko siya.
“Yuck! Kadiri ka…” hinarang ko pa yung kamay ko dahil ilalapit niya yung panyo.
“Arte mo! Kalalakeng tao eh…” tatawa-tawa pa niyang sabi.
“Dito na tayo bumili ng ice cream mo…” I said to divert the topic. Kadiri kaya ang sipon.
“Yey!” she happily said saka kumapit sa braso ko. Napangisi na lang ako. Yea. Medyo sanay na ako na clingy siya. ganyan naman siya sa lahat. Kahit kila Zam ganyan siya.
We were about to enter sa isang ice cream parlor ng madinig ko ang isang pamilyar na boses…
“Ace.”
-------------------------------------------------------
*hey guys! :D
kamusta naman kayo?
ahm, nga pala, sa mga gusto pong maging OP ng mga characters dito, PM or comment lang po kayo. :) naghahanap pa rin po ako ng mga interested! thanks much..
--Chikky--
BINABASA MO ANG
My Kind of Fairytale Lovestory ~Editing~
HumorA twisted story of love and friendship... as in literal na TWISTED!! Si Zam isang simpleng boyish teenage girl na gustong makamit ang kanyang mala-fairytale happy ending... Pero paano kung hindi si Prince Charming ang tinitibok ng puso niya??