Chapter 12 - Miss

148 3 10
                                    

Zam's POV

(A/N: yung mga naka-italize eh sa diary sinasabi ni Zam.. ^__^v)

"Be, nakikita mo ba si Jet sa school?"

Ano bang kasalanan ko sa kanya? Kung iwasan niya ko para akong may nakakahawang sakit ah..

"Be? Nadinig ko ba ko?"

Sa tingin mo dai-dai, anong ginawa ko? Ako nga dapat yung magalit... Este magtampo lang pala kasi hindi man lang niya sinabi na may bago siyang girlfriend.

 

 

 

"Be? Hello! Nakow! Wala na to.. Inalisan na ng kaluluwa..."

Eh ano naman ba kasi kung hindi siya nagsabi na may bago na siya? Kailangan bang ipaalam? Pero dai-dai bakit ganun... Haaay. Ewan.. Hindi ko na rin maintindihan dai-dai.

 

 

 

"Be!!" Dinig kong malakas na tawag ni Fudge.

"H-ha? May sinasabi ka ba be?" Napatingin ako sa kanya. Nakapamewang siya.

"Kanina pa kita tinatanong, hindi ka nasagot. Ano ba yang iniisip mo? Sulat ka g sulat diyan..." Tanong niya saka umupo sa tabi ko.

"H-ha? Ah... Eh.. Wala yun. Iniisip ko lang kung ano kayang nakuha kong score sa quiz kanina.."

"Bakit? Hindi ka nakareview? Bago yun ah.." naupo na siya sa tabi ko habang kumakagat ng stick-o..

"Oo eh. Ano nga ulit yung tinatanong mo kanina?"

"Ah, tinatanong ko kung nakikita mo si Jet sa school, hindi kasi masyadong nagpapakita eh. Saka pansin ko lang be, napapadalas na magkasama kayo ni Ace. Anong meron?" Pag-uusisa ni Fudge. Kahit kelan talaga mahilig mang-chismis tong babaeng to.

"Ha? Hindi nga rin eh...." Kasi nga iniiwasan niya ko.. Haaay.

"Ahh.. Well, nevermind. Oh, anong meron sa inyo ni Ace? Pumayag ka na bang manligaw siya?"

"Ha? Hinde... W-wala yun, eh ano... Di ba nga nasanay na kami na magkasama dahil dun sa buddy-buddy na ginawa ni mam noon. Ayun, nasanay lang siguro.."

"Pero, pansin ko ah, sumusweet kayo... Yiiiieeee!! Baka madevelop ka na sa kanya be.. Hmm, ikaw rin.."

My Kind of Fairytale Lovestory ~Editing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon