Chapter 1 - Meet the Friendships

546 21 19
                                    

 

Zam’s POV

 

 

Dear Dai-dai,

 

This day was still an ordinary day. Walang pinagbago sa ibang araw. This morning, I started the day chatting with Fudge, Fia, Khai and Gie. Syempre, kasama na naman nila ang mga boyfriends nilang walang alam kundi ang magpakagentle man at magpakasweet kapag kasama nila ang mga super friends ko. haay. So irritating! Kakaalis lang nila para bumili ng food sa canteen. Syempre, libre ng mga boyfees. Pero… hindi naman sa naiingit ako, but whenever I see my friends with their boylets I have this feeling na, “buti pa sila may lovelife na”. I’m not asking for it naman pero minsan kasi… ay basta, hindi ko pa talaga kailangan nun. Hihintayin ko na lang si Prince Charming para matupad yung alam mo na…

 

 

 

 

“hoy,ano na naman yan?” – Fia.


Tinapik niya ako sa right shoulder ko. Inangat ko ang ulo ko, dumating na pala ang mga kafriendship ko galing canteen. At syempre, kasama na naman ang mga jowawers. Ako na! Ako na walang lovelife!! Ako na talaga forever alone! TT_TT

Siya nga pala, ako si Zameeya Siazon, 17 yrs old at nasa 2nd year college na. Nagaaral sa St. Phillips Academy. Boyish type pero hindi man-hater, best friend ko nga lalake eh. At ito ang mga kaibigan ko… Si Sofia Torres, Fia kung tawagin namin siya. Siya yung manang type na babae pero may boyfriend yan.


“wala. Nagsusulat-sulat lang. hehe ^___^v” – ako.


Sinara ko na si Dai-dai at tumigil sa kakasulat.


“hay nako, sinusulatan mo na naman yang diary mo no? Nako Zam, ikaw lang ata ang kilala ko na boyish type pero may diary. Diyan mo talaga balak ibuhos lahat ng gusto mong sabihin? Nandito naman kami o...” – Gie.

Pagkatapos ay uminom siya ng C2. Eh bakit ba kasi hindi nila matanggap si Dai-dai sa barkada? Lagi na lang tuloy siyang itsapwera kapag nag-uusap na kami… Sorry Dai-dai!! T_T


“kaya nga…” – Fudge. At inakbayan naman siya ni Bon.

“o di kaya, magboyfriend ka na lang, para naman hindi ka diyan kay… ano na ulit tawag mo diyan sa diary mo?” – Fudge.

Siya naman si Fudge Rivas, siya yung chismosa slash taklesa slash clown ng barkada. Ang ingay niyan sobra pero hindi nalalayo sa ugali namin.

“Dai-dai po. Tsaka, tigilan mo nga ako diyan sa boyfriend boyfriend na yan. Di ba nga sabi ko…” – ako.

“HINDI AKO MAGBOBOYFRIEND KUNG HINDI SI PRINCE CHARMING ANG MAGIGING BOYFRIEND KO!!” – Gie, Fia, Fudge at Khai. At nagtawanan pa.

“e alam niyo naman pala e. -___-” –ako.

“hanggang ngayon ba naman Zam, yan parin ang motto in lovelife mo!? Ano ka ba! Saan ka makakahanap ng gwapong gitarista na marunong kumanta at sumayaw na nagmomotor? At most of all, walang bisyo ha? Aber?” – Gie.

Gielane Yuzon, Gie naman ang nickname niya. Siya yung medyo silent type pero kapag nagsalita sobrang tagos! Saka, bakit ba kasi!! Eh sa gusto ko ngang ganun ang qualities ng FUTURE jowaness ko e… talaga tong mga to panira ng pangarap kahit kelan.


“parang ako ata yang pinaguusapan niyo diyan?” –Jet.


Dumating na pala siya, umupo sa tabi ko sabay akbay sa’kin. Ito pala yung bestfriend ko. Si Jethro Abellera, Jet for short. Medyo super conceited kaya halos sa lahat ng oras ang kapal ng mukha. May pagkaplayboy din kaya ang hirap maaninag kapag may mga chicks, pero mabait yan.


My Kind of Fairytale Lovestory ~Editing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon