Chapter 13- Kilig Mats!!

69 3 0
                                    

 

Fudge’s POV

 

 

 

“Be! Kanina pa kililing ng kililing yung telepono mo! Bilisan mo maligo!” sigaw ko mula dito sa labas ng banyo..

Sino ba kasi yung tawag ng tawag na yon!? Nakakailang missed call na siya ah, in fairness…

“be, pakisagot na lang! Salamat…” dinig kong sigaw ni Zam mula sa loob ng CR.

“sige be..”

Pinulot ko ang cellphone niyang kanina pa nagiingay at tinignan kung sino ba si caller..

Asyong

Calling…

Ay! Si papa Ace pala ituuu… Buti na lang pala, ako ang sasagot. Pinindot ko na ang answer key at nagvocalize pa bago magsalita…

“*ehem ehem* Hello?” ay landi lang Fudge!

“Zam?” mukhang nabosesan ata ako…

“ahm, fafa Ace, si Fudge to… Naliligo pa kasi si Zam eh. Kaya pinasagot niya na lang yung phone niya sa’kin. Napatawag ka?” tanong ko naman.. Para-paraan lang para matagal ang calling-calling.. Hihi.

“ahh, ganun ba… Wala naman. Mag-gu-goodnight lang sana ako. Pero di bale, itetext ko na lang. Oh, by the way, wala pa nga pala akong number mo Fudge… Kayo nila Fia.” awwww… sweet!!! Buti pa siya sweet kahit na friends lang sila… eh yung jowa ko nagiging cold na these ast few days. T3T Hmp! Hayaan mo na nga lang muna yon… Teka, Kinukuha ba ni fafa Ace ang number ko?! Kyaaaaaaaaah!!!

“h-ha? Ah eh… Number ko?” tanong ko uit… Hello! Para lang maconfirm…

“yeah. Can I have it? We’re friends naman na di ba?” dinig kong sabi niya mula sa kabilang linya…

“oh sure.. here, 0915-***-****.”

My Kind of Fairytale Lovestory ~Editing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon