Zam's POV
1:10 am
...Tell me what you want to hear
something that were like those years...
"Zaaaaaaaam..." alog sa'kin ni Fia. Si Fia kasi ang kasama ko sa kwarto.
"mmm? Mmm?" ungol ko lang.
Hindi naman siguro halatang natutulog na kami noh?
...I'm gonna give all my secrets away
this time, don't need another perfect line...
"nagriring yung phone mo... shagutin mo na. ang ingay e." sabi niya sabay takip ng unan sa mukha.
Damoho! Sino bang baliw ang tatawag ng ganitong oras? Kinapa ko yung phone ko sa na nakapatong sa side table. At nang nakapa ko na sinagot ko na agad yung tawag.
"hello?" halatang bagong gising yung boses ko...
"halatang ang sarap na ng tulog mo ah..." sagot naman nung tumatawag.
"Low!? Shino to? Istorbo!" tanong ko. Nakapikit parin mga mata ko.
Animal, kung sino man to! Ganda na ng tulog ko e...
"wow, bestfriend mo walang number sa'yo? Ni hindi mo man lang ako mabosesan. Anong klase kang kaibigan?" sagot na naman nung damohong caller.
"letche ka Jet! Ikaw ba to?" sagot ko. Bumira ako para humilata.
"nakalimutan mo na bestfriend mo? Ganyanan pala ngayon a. Grabe!" I take that as a 'yes, ako nga si jet'.
Wala talagang magawang matino. Nambubulabog!
"ano na naman ba? Kung hindi importante yan, tumawag ka na lang bukas ng umaga." tanong ko na lang.
"baba ka dali. Stroll tayo. Nandito ako sa labas ng apartment niyo." Sagot niya.
Napabangon ako bigla. "ano? An..."
*toot toot toot toot*
Letchugas, binabaan pa ko ng telepono. Bahala siya diyan. Hindi ako bababa. Manigas siya diyan sa labas. Humiga ulit ako at ipinikit ko yung mata ko... malapit ko nang makuha tulog ko ng...
...Tell me what you want to hear
something that were like those years...
Sino na naman ba to?! Sinagot ko ulit yung phone ko...
"Hoy, Zam, ang tagal mo naman bumaba? Lintek! Ang lamig dito sa labas!" sigaw ni Jet. Tama, si Jet na naman.
"e sino ba kasing tanga ang nagsabing magpunta ka dito ha? Anong oras palang o! Umuwi ka na nga!" medyo mahinang sigaw ko naman sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng magiging bestfriend ko, ito pang lalakeng to? Dyusko lord, bakit mo ako binigyan ng t@ngang bespren?! Pinapahirapan niyo ba ko?
"hindi ako aalis dito. Bumaba ka na nga!" sagot lang niya.
"hindi ako bababa. Manigas ka diyan!" at binabaan ko na siya ng telepono.
Muli, ipipikit ko na ang mga mata ko. Wala nang tumunog na cellphone... Salamat... ilang minuto na ang nakalipas hindi parin ako makatulog. Hindi na ata ako makatulog. Andun pa kaya si Jet sa baba? Siguro wala na yun. Tanga na lang talaga niya kung hindi pa siya umalis dun. Tinignan ko kung anong oras na, 1:52am. Hindi talaga ako mapakali.
BINABASA MO ANG
My Kind of Fairytale Lovestory ~Editing~
HumorA twisted story of love and friendship... as in literal na TWISTED!! Si Zam isang simpleng boyish teenage girl na gustong makamit ang kanyang mala-fairytale happy ending... Pero paano kung hindi si Prince Charming ang tinitibok ng puso niya??