Jet’s POV
Umiikot parin ang paningin ko. ANSAKIIIIIIT NG ULO KOOOOOO!!! Anong oras na ba? Napalingon ako sa alarm clock sa side table. Napangiti ako ng maalala ko bigla na hindi ko pa pala naibabalik sa dati yung orasan. Kailangan namin magbati. Ilang hours na kong nakatulog… Baka nagtatampo na din yun. Tsk.
“Yay!!” tawag ko kay yaya butching.
Saglit lang rin at kumatok na si yaya sa kwarto.
“nak, bakit? Buksan mo na itong pinto…” bungad ni yaya butching.
Tumayo ako para sana buksan ang pintuan. Nanghihina pero inabot ko ang pinto. Nang bumukas ay sumandal na lang ako sa pinto para bigyang suporta ang katawan ko.
“oh, nak? Anong nangyare sayo?” nagaalalang tanong ni yaya.
“yay…. Paki---pakihanda po…. Yung--- yung kotse…” babagsak na sana ako pero nasapo ako ni yaya. Nanghihina talaga ako… Walang hiyang sakit naman oh! Psh.
“ay nako! Jet!! Jet anak... ang taas ng lagnat mo!! Janro!! Jio!! Yung kapatid niyo!!” dinig kong tawag ni yaya kina kuya bago ako mawalan ng malay.
--
Zam’s POV
HINDI AKO MAKATULOOOOOOOG!!!! Kamusta na kaya yung mokong na yun? Ayaw niya talagang makipagbati?? Edi wag! Hmp! Bahala siya sa buhay niya... Batukan ko siya eh.. Natitiis na pala niya ngayon ang bestfriend niya? Bahala talaga siya sa buhay niya. Nakakatampo ha. Kating-kati na akong makipagbati sa kanya tapos.... tapos... GRRR!! Nakakafrustrate na ah.
“Zam, phone call… Kuya ni Jet.” Sigaw ni Fudge galing sala.
Tumayo ako at umalis sa kusina, kasalukuyan kasi akong nagnenet sa laptop…
“ha? Sino daw?” tanong ko kay Fudge.
“ewan. Hindi ko na tinanong kung si kuya Janro o kuya Jio eh…” sagot naman niya. Kinuha ko na yung telepono sa kanya.
“hello?” bati ko.
“hello Zam?”
Nadinig ko ang boses ni Kuya Jio. Si kuya Jio ang panganay na kapatid ni Jet. Mabait yan, Gwapo, Talented din tapos matalino pa. Swerte nga nung fiancé niyan eh. Nakabingwit! Haha! Professor si kuya sa IT department sa school kaya lagi din namin siyang nakikita. Siya yung pinaka-close ko sa mga kapatid ni Jet. Close ko naman silang lahat pero siya yung pinaka. Astig kasi yan eh.. :D
BINABASA MO ANG
My Kind of Fairytale Lovestory ~Editing~
HumorA twisted story of love and friendship... as in literal na TWISTED!! Si Zam isang simpleng boyish teenage girl na gustong makamit ang kanyang mala-fairytale happy ending... Pero paano kung hindi si Prince Charming ang tinitibok ng puso niya??