Fia’s POV
Ansabe ng date ng Ace at Zam?!? :D Haay… Hindi naman pala mayabang si Ace eh. Mabait nga saka marunong makisama. Ang balita ko, siya pala yung childhood friend ni Zam. Nagkwentuhan na kasi kami kanina habang pauwi eh. At himalang hindi sumabay si Jet sa’min ngayon. Ano kayang nangyari dun?? Lakas maghigh blood kanina eh…
“Fi, nagtext ba sa’yo si Jet? Hindi nangungulit eh…” biglang tawag ni Fudge.
“ha? Hindi rin eh.” Sagot ko naman.
“ano kayang nangyari dun? Hindi rin sumabay sa’tin pauwi ah. Hindi kaya napikon dun sa ginawa natin kanina?” pag-aalala naman ni Fudge.
“Yun? Mapipikon? Kelan pa? Baka naman, wala lang load…” singit naman ni Khai sa usapan.
“oo nga. Saka, ayaw niyo yun, walang magulong nanggugulo sa text… malay mo, hindi siya sa text nanggugulo... FB oh. OL ata siya.” sagot naman ni Gie na kasalukuyang nagf-facebook.
Nagkibit balikat na lang ako. Sabagay, walang maingay na text ng text sa cellphone ko. Pumunta akong kusina at kumuha ng pwedeng miryenda habang hinihintay namin maluto yung ulam.
“oh, ano OL ba?” dinig kong tanong ni Fudge kay Gie.
“teka, kaka-open ko pa lang oh… wag masyadong excited okay?” sagot naman ni Gie.
“hoy, Fudge, bakit ba para kang alalang-alala kay Jet? Ikaw ha…” mapanuksong sabi naman ni Khai.
“gaga. Hindi noh… Nakakapanibago lang kasi na walang nangungulit. Tapos kanina parang nabadtrip pa siya sa’tin.” Sagot naman ni Fudge.
Bumalik ako ng sala dala ang isang platong kornik at nakisali sa kakulitan nilang tatlo.
“oh, ano?” bungad ko sa kanila.
“wala eh. Hindi OL. Pero, hayaan niyo na. Baka mamaya susulpot na lang yun bigla kapag kainan na.” komento naman ni Khai.
Oo nga noh? Pero, ano kayang nangyari dun? Lagi-lagi namang nangungulit yun eh… Sabagay, minsan naman, bigla na lang yun susulpot ng walang pasabi. Hayaan na nga lang… Baka maya-maya lang nandito na yun.
*ding dong* (a/n: dantes!! XD)
“see?! I told you bebes… Speaking of the devil.” Sabi ni Khai sabay tayo sa kinauupuan para buksan ang gate.

BINABASA MO ANG
My Kind of Fairytale Lovestory ~Editing~
HumorA twisted story of love and friendship... as in literal na TWISTED!! Si Zam isang simpleng boyish teenage girl na gustong makamit ang kanyang mala-fairytale happy ending... Pero paano kung hindi si Prince Charming ang tinitibok ng puso niya??