Zam's POV
Isang buwan? Eh ang tagal kaya non!! Waaaaah!! Stressed na talaga ako... kung pwede lang talagang wag kong isipin yon, hindi ko na inisip.. Haaay. Tapos dagdag pa si Jet sa stress... Halos isang linggo ko nang hindi nakakausap yun eh.. Sabi naman nila Fia mukhang may bago daw atang girlfriend... PSH! May bagong girlfriend na naman??. Haaay. Ewan ko nga dun. Bahala siya...
Hindi ko na alam ang gagawin ko... Ang dami kong iniisip. Yung proposal, yung thesis at yung bagong jowa ng bestfriend ko.. Hindi na nga ako nakakapanuod ng mga lagi kong pinapanuod eh, dahil ang daming ginagawa, ang daming iniisip.. BWISIT!! Oo nga pala.. bukas ko na sasabihin yung disisyon ko kay Ace.. Waaaaaaaaaaaah!! Ang hirap naman kasi tanggihan eh... Teka... Hindi niyo pa ba alam... pwes, ganito kasi yung nangyari.....
*eksahiradangflashback*
"Zam... I need you to be my girlfriend."
O_O <----- ganyan reaksyon ko oh...
"H-ha? Ah... Eh.. A-ano? Bakit?" okay lang ba siya?? agad-agad?! kami agad?! mandated?! ganon?!
"*sigh* this is not a good idea.." yumuko na lang siya saka nagsalita ulit... "wag mo nang isipin yung sinabi ko.." bakas sa mukha niya ang pagkadismaya.. eeehhh??
"ui. Asyong.. Okay ka lang?? May problema ba?" tanong ko sa kanya.. Parang may mali eh..
"it's just that kailangan kong ipakilala yung babaeng ipinunta ko dito kay Lolo. Pero hindi naman kita pwedeng pilitin..." paumpisa niya. "the truth is... I left the states. Hindi ako nagpaalam kay lolo. Si mama lang ang nakakaalam na bumalik ako sa pilipinas.. Ayaw kasi ni lolo na bumalik na dito, pero hindi pwede yun kasi nga naiwan kita dito. Kaya nung nalaman niya, pinapabalik niya na ako ora mismo." bakit parang feeling ko kasalanan ko na naman to??
"oh? Eh si tita?? Anong sabi niya?" tanong ko..
"ayun.. she can't do anything kasi utos na ni lolo. Remember the night na hindi natuloy yung paglabas natin?" tumango lang ako.. "Umuwi si lolo sa bahay nung time na yun.. Pagkauwi ko, iniimpake na ng mga maid sa bahay yung mga gamit ko. He's so... controlling.." paliwanag niya.
Oo nga, matagal nang ganun yung lolo niya. Gaya dati nung mga bata kami. Naabutan siya ng lolo niya na naglalaro sa park kasama ko.. tapos bigla siyang pinauwi agad. Matandang bugnutin na yon!
"eh anong kinalaman non sa sinabi mo kanina?" diretso kong tanong.. pasensya na, tatagl lang yung usapan kapag hindi pa ko nagtanong eh..
"it's his condition... Kailangan niyang mameet yung purpose ng pagmamatigas ko na magstay dito sa pilipinas. Kung hinde, kakaladkarin niya ako pabalik ng america.... for good. Kailangan pumasa sa standards niya yung babaeng ipinunta ko dito para he can give me the permission to stay.. sorry Zam for bringing you in this mess. But its okay, babalik na lang ako kesa makagulo pa ko..." malungkot niyang binabanggit yung huling sentence niya.

BINABASA MO ANG
My Kind of Fairytale Lovestory ~Editing~
HumorA twisted story of love and friendship... as in literal na TWISTED!! Si Zam isang simpleng boyish teenage girl na gustong makamit ang kanyang mala-fairytale happy ending... Pero paano kung hindi si Prince Charming ang tinitibok ng puso niya??