Jet's POV
"ahm.. Jet, can you be my boyfriend?"
Sa hindi malamang dahilan natigilan ako sa sinabi ng babaeng to.. Seryoso ba to??!
Nilingon ko siya saka nagsalita... "miss, wala akong panahon makipag-joke sayo."
Naglakad na ulit ako paalis at iniwan na yung babaeng yon.
"i'm not joking. I really want you to be my boyfriend." sinusundan na naman niya ako.. Nakakairita na tong babaeng to ah..
"Miss, if you're not joking, leave me alone." nakakaintindi ng tagalog tapos english ng english... psh! Bahala siya diyan.. Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad.
"I won't leave you." dinig kong sabi niya habang nakasunod parin sa akin.
"at bakit?" tanong ko... ewan ko rin kung bakit nakikipag-usap pa ko dito sa taong to eh..
"because you're my boyfriend... ^__^" masaya niyang sagot. Pero hindi ako nasiyahan... kaya tumigil ako at hinarap siya.
"What?!" pasigaw kong tanong sa kanya..
"I said, you're my boyfriend.." Nakatingin lang siya sakin at nakangiti.. Mukha siyang koreanang nagpapapicture.
"why?!" ayan, lumalabas na yung mga nalaman ko sa english simula grade one.
"i like you. That's why..." sagot na naman niya.. tuwang-tuwa ata siya at ngiting-ngiti siya habang kausap ako. Ano ba 'to naka-high!?
Napasapo ako ng ulo, "alam mo miss, kung nakadrugs ka, wag ako ang pagtripan mo. Umuwi ka na.. " parang naaawa na ako dun sa nasuntok kong lalake kanina. Nakaya niyang tiisin yung babaeng ganito??
"I'll go home when you drive me home... That's what my boyfriend should do, right?" nagpapapadyak siya na parang bata. ANONG PROBLEMA NG BABAENG TO?!?!
Sumasakit na yung ulo ko sa babaeng to... "miss, una sa lahat pakitigilan na yung pagi-english mo.. Naririndi na ko eh. Naiintindihan mo yung tagalog, kaya alam kong nakakapagsalita ka rin ng tagalog."
"sige po.... boyfie.^_^" sabi ko na nga ba eh..
"pangalawa, hindi mo ako boyfriend. Yung boyfriend mo, nakahilata parin sa ground ngayon. Ayun ang puntahan mo at kulitin." tinuro ko pa kung saan kami direksyon nanggaling.
"hindi ko na yun boyfriend. Ayoko na sa kanya.. Yung pangit na yon... Bastos na nga, panget pa. Ikaw na gusto ko.. Mehe." sagot niya.

BINABASA MO ANG
My Kind of Fairytale Lovestory ~Editing~
HumorA twisted story of love and friendship... as in literal na TWISTED!! Si Zam isang simpleng boyish teenage girl na gustong makamit ang kanyang mala-fairytale happy ending... Pero paano kung hindi si Prince Charming ang tinitibok ng puso niya??