Chapter 9 - WHAT!?

131 7 1
                                    

Jet’s POV

Sinong nakamiss sakin?? Taas kamay!!!

Alam ko namang namiss niyo akong lahat eh.. kunwari pa yung iba sa inyong hindi nagtaas ng kamay... Okay na pala ako… wala nang sakit.. thanks to my ever loving and caring nurse…. Dahil sa pag-aalaga niya, tumagal ng tatlong araw yung sakit ko. ^__^v

Ang sasarap kasi ng pinapakain niya sakin eh tulad na lang nung lugaw na may kasamang itlog na maalat… sarap no’n grabe.. pati na rin yung sopas na durog ang macaroni at kasing laki ng bato ang carrots. Nakakabusog talaga yon… at ang hindi ko makalimutan ay ang specialty niyang corn and mushroom soup… DA BEST!

Mabibilaukan kayo sa sobrang sarap! Lalo na kapag nakita niyo yung buong mais na nakalagay sa bowl niyo… super! Pati na rin yung mushroom na pinitas lang niya kung saan. Yun pala ay nakakalason… ang galing niya talaga magluto, grabe!! Haaay. Speechless talaga ako sa mga putahe niya.

Oi, baka sabihin niyo sarcastic ako… hindi ah, masarap talaga yung mga niluto niya…. simot nga yung luto niya eh. Walang natitira kapag pinapakain niya sakin. Sinusubuan niya pa ako araw-araw. Mabuti na nga lang at hindi napunit yung bibig ko dahil sandok ang gamit niyang kutsara pansubo sakin, para maubos daw agad at walang masayang.. Mahal na mahal talaga ako ng bespren ko di ba? Hahahaha! ^___^

Hindi lang pala dahil sa mga luto niya kaya MABILIS akong gumaling… dahil narin sa nursing skills niya kaya napadali ang buhay… este ang paggaling ko. Pinapaliguan niya kasi ako… oy, walang malisya yon ah. Pinapaliguan niya kasi ako sa kama sa twing pupunasan niya ako at papalitan ng damit. Lagi kasing natatabig yung maliit na batsa kapag ginagawa niya yun. kaya ayun, naliligo na lang ako ng wala sa oras.. ang sweet niya noh?

Hindi rin maitatangging magaling siyang pharmacist dahil sa mga gamot na pinapainom niya sakin. sa sobrang gusto niyang mapadali ang buhay… este paggaling ko nga, muntik na niyang ioverdose ang mga gamot na ipinapainom sakin. tulad na lang ng paracetamol na dapat inumin every after 8 hours… kung minsan kasi nakakalimutan niyang napainom niya na ako kaya papainumin niya na naman ako. Hindi naman ako pwedeng umangal dahil para din naman sa ikabibilis ng buhay… ay este ng paggaling ko ang ginagawa niya.

Syempre, kailangan din siyang maging komportable kaya minsan siya na rin ang nahihiga sa kama. Dun na lang ako sa sofa sa kwarto. Lagi ring naka-on ang aircon para hindi siya mainitan. Kahit ginaw na ginaw na ko, ayos lang yun. ^___^v

Kaso nung ika-tatlong araw na, kailangan niyang pumasok na ng school dahil madami na daw siyang namiss na lesson. Ayaw niya pa sanang pumasok at ALAGAAN ako pero pinilit siya nila fia kaya ayun, umuwi rin siya. Hindi ko man gustong iwan niya ako sa kalagayan ko ay pumaya na rin ako.. matapos ang isang araw na wala siya sa bahay, alam niyo ba kung ano ang nangyari saakin readers??

Puro masustansiyang pagkain na ang nakakain ko dahil si yaya na ang nagluluto pero hindi kasing sarap ng mga putahe niya. Hindi ako naligo at puro pagpupunas lang ng bimpo ang ginawa sa’kin ni kuya Jio. Hindi na rin sumosobra/kumukulang ang mga gamot na pinapainom sakin ni kuya Janro. At alam niyo ba kung ano pang ang nakakagulat na nangyari???

Himalang nawala ang sakit ko…

Hindi ko alam kung paano pero biglaan na lang na gumanda ang pakiramdam ko… yun nga lang ay namimiss ko ang pag-AALAGA ni Zam. Wala na sigurong mas gagaling pa sa cooking and nursing sking niya. Maswerte ang mapapangasawa niya…

My Kind of Fairytale Lovestory ~Editing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon