𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐈𝐌𝐌𝐀𝐂 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄
- Wattys2018 Shortlist
- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List
***
Maximillan has a list of things he hated in life: his stepfat...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pagdating namin sa restong naging tambayan namin tuwing pagkatapos ng exam, ay agad na kaming um-order ng aming makakain. Bago kami mag-inuman mamaya ay kailangan muna naming kumain para hindi kami kaagad malasing. At saka para raw may maisuka kami mamaya, ani pa ni Third.
Saka gutom na rin kaming lahat. Hindi na kasi kami nakapag-lunch kanina gawa ng sunod-sunod 'yong oras ng exam namin. At alas tres ng hapon na kaming natapos. Ngayon ay mag-a-ala singko na kaya saktong hapunan na rin namin itong lahat.
Um-order kami ng isa sa mga mabenta nilang pagkain, ang chicken inasal, lalo na at unli rice din 'yon. Kaya mukhang mapapadami ang kain namin nito ngayon. Ilang minuto kaming naghintay bago hinain ang pagkain, at kaagad na namin itong nilantakan.
Natawa kami sa reaksyon ni Third dahil naluwa niya ang kanin na isinubo niya, gawa ng sobrang init pa ito at bagong luto. Naluha pa siya habang umiinom ng tubig nang mapaso ang dila niya.
"Alam mo namang mainit pa, agad mo namang sinubo. Dahan-dahan din naman kasi," pangaral ni Shaun sa kanya habang kumakain.
"Gutom na kasi ako eh," sagot naman ni Third sa kanya.
Umling lang ako at tumingin sa katabi ko na si Denver. Nakangiti lang siya sa reaksyon ni Third habang hinihipan ang kanin, bago niya ito isubo gamit ang kamay niya. Nang tumingin siya sa akin ay agad din akong umiwas ng tingin kaya umiling lang siya at nagpatuloy sa kinakain niya.
Habang kumakain ay may kanya-kanya silang pinag-uusapan, samantalang kaming dalawa ni Denver ay tahimik lang. Minsan ay sumusulyap sa isa't isa, at kapag nahuhuli namin ang aming mga sarili ay agad din kaming lilihis ng tingin.
Ewan ko ba kung bakit bigla akong naiilang sa mga oras na 'yon. Pagkatapos naman naming kumain ay nagpatunaw muna kami saglit sa aming mga kinain bago um-order ng mga alak.
Mga ala sais na kaming nagsimulang mag-inuman, at iyon din ang pagkakataon na nagsimula na silang mag-ingay. Tawanan, mga malalakas nilang halakhak, at kantsawan sa isa't isa sa tuwing mang-aasar. Mabuti na nga lang at maingay din ang paligid kaya hindi alintana ng ibang tao ang ingay namin dito sa aming puwesto.