𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐈𝐌𝐌𝐀𝐂 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄
- Wattys2018 Shortlist
- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List
***
Maximillan has a list of things he hated in life: his stepfat...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dalawang buwan na ang nakalipas nang magsimula ang klase namin ngayong semester. Ngayong first sem pa lang ay sobrang dami na naming ginawa, at sobrang busy na rin sa pagpasa ng mga project lalo na sa aming mga major subject.
Totoo nga talaga ang sabi nila na hindi na madali ang buhay kolehiyo kumpara sa high school. Kasi sa high school ay puwede mo pang mapakiusapan ang mga teachers mo, lalo na kung ano ang mga alternatibong paraan para lang pumasa ka sa naghihingalo mong grado sa subject mo sa kanila. Pero sa college, kahit pakiusapan mo pa nang ilang libong beses ang professor mo kung ano ba ang dapat mong gawin para lang pumasa ka kahit tres lang, daig pa ng walang puso kung sabihan ka na bagsak ka na talaga.
Well, hindi ko naman nilalahat ang mga professor sa college kasi may iba rin namang mga professor na nagbibigay talaga ng konsiderasyon. At isa pang tsansa para lang mahila ang grado mo. Pero may mga professor din talaga na kahit siguro maghandusay at umiyak ka nang isang galong luha sa harapan nila, hindi mo na talaga mababago ang kanilang mga desisyon. Lalo na ang grado mo. Tapos sasabihan ka pa nila na; "Ikaw ang gumawa ng sarili mong grado, nagko-compute lang kami."
Kaya wala kaming karapatan na magreklamo kung anuman ang makuha naming grado sa kanila. You harvest your own crop and what you plant, ika nga nila.
Kaya nga pinapayuhan namin sina Third at Denver na huwag nila masyadong i-easy ang kanilang college life. Na kung kailangan nilang magsunog ng kilay ay talagang gagawin nila, just to survive the course they chose.
Pero sinabi rin ni Shaun na kailangan din nilang i-balance ito at huwag na lang igugol palagi ang mga sarili nila sa pag-aaral. Na kailangan din nilang i-enjoy ang process at huminga rin paminsan-minsan.
Kagaya na lang ni Shaun.
He grew up to a family where they expected so much from him. 'Yong side ng mama niya ay gusto siyang mag-doktor, while sa side naman ng papa niya ay gusto siyang maging engineer.
Inamin sa amin noon ni Shaun na noong una raw ay talagang sinunod niya ang kagustuhan ng pamilya niya na mag-take ng kursong related sa medical. Pero ilang buwan lang ang lumipas ay sa amin siya tumakbo, at sinabing hindi niya kayang gawin ang kagustuhan ng pamilya niya.