Chapter 3

389 10 12
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pumunta ako sa bahay nila Shaun at pagdating ko sa labas ng pinto ng bahay nila ay agad akong nag-doorbell

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pumunta ako sa bahay nila Shaun at pagdating ko sa labas ng pinto ng bahay nila ay agad akong nag-doorbell. Nakatatlong doorbell pa ako bago niya ako pinagbuksan, at bumungad sa akin ang kakagising lang na Shaun. Magulo ang buhok, at medyo napapapikit pa ang kanyang mga mata. At nakuha pa nitong humikab sa harapan ko.

Napakamot siya sa gilid ng kanyang baywang at kunot-noo akong tiningnan.

"Oh, anong ginagawa mo rito, Max? Saka ba't bihis na bihis ka?" tanong niya sa akin at ngumiti ako nang tipid.

"Nand'yan ba 'yong mga magulang mo?" tanong ko rin sa kanya at agad siyang umiling.

"Nasa trabaho na sila. Si Mira lang 'yong kasama ko. Bakit mo naman natanong?" aniya kaya nakahinga ako nang maluwag.

"Puwede bang dito muna ako tumambay sa inyo? Tutal, sabado naman at saka nakababagot kasi sa bahay," pagsisinungaling ko sa kanya kaya kumunot ulit ang kanyang noo at tiningnan ako nang masinsinan. Kaya halos hindi ako makatingin sa kanya nang diretso.

"Nag-away na naman ba kayo ng tatay mo?" untag niya kaya huminga ako nang malalim at nagsimulang maglakad papasok sa loob ng kanilang bahay.

"How many times do I have to tell you that he is not my father! Ulyanin ka ba talaga, Shaun?" inis kong sabi sa kanya at huminto sa paglalakad nang makarating kami sa living room.

"Kung hindi lang talaga kita kaibigan, iisipin ko talaga na trespassing ka na," pamimilosopo niya sa akin kaya ako napalingon sa kanya't inirapan siya saka bumuntonghininga.

"Hey, Kuya Max!"

Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ng nakababatang kapatid ni Shaun na si Mira. She is three years younger than me, halos ka-edad lang ni Third.

Nilingon ko siya't nginitian. "Hey there, young lady," sabi ko sa kanya at lumapit ito sa aming dalawa ni Shaun. Saka ito ngumiti sa kuya niya at binati.

"Good morning, kuya," anito at narinig ko naman ang pagbumuntonghininga ng kaibigan ko sa aking tabi.

"Good morning din, baby girl," sagot niya sa kapatid. At nakita ko kung paano siya nayamot sa sandaling 'yon, saka tinapunan ng masamang tingin ang kuya niya. At inirapan.

Flowers, Love Letters and Regrets [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon