𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐈𝐌𝐌𝐀𝐂 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄
- Wattys2018 Shortlist
- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List
***
Maximillan has a list of things he hated in life: his stepfat...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nang makarating kami sa convenience store ay kaming dalawa lang ni Denver ang pumasok sa loob para bumili ng limang medium cup size na kape, habang ang tatlo naman ay naiwan sa labas at nakaupo sa isang bakanteng upuan para roon na lang kami hintayin. Dumiretso ako sa coffee vending machine habang si Denver naman ay lumihis ng direksyon at kumuha ng tatlong biskwit. Pagkatapos ay tinulungan niya akong bitbitin 'yong mga kape para bayaran sa counter, na ako rin mismo ang nagbayad ng lahat ng 'yon. Ako na rin ang nagdala ng tray ng mga pinamili namin.
Isa-isa kong nilapag ang mga kapeng binili ko sa mesa at kumuha si Denver ng isang nakabalot na biskwit. Pagkatapos no'n ay naisipan na lang naming dalawa na umupo sa elevated na gutter ng sidewalk. Hindi na kasi kami kasya sa upuan, saka ang ingay din nila Shaun at Third. Ang lalakas ng mga boses. Kaya si Jason na 'yong sumusuway sa kanilang dalawa.
Nang makaupo kami ni Denver ay agad akong humigop ng binili kong French Vanilla coffee at bahagyang napangiwi dahil mainit pa pala ito. Tahimik na 'yong daan, at mangilan-ngilang sasakyan na lang 'yong nakikita kong dumadaan sa harapan namin. Mag-aala una na rin kasi ng madaling araw.
Napansin ko namang tahimik lang si Denver sa tabi ko kaya nilingon ko siya't nakitang nakayuko habang tinitimpla ang kapeng hawak niya gamit ang coffee straw. Nilagyan niya rin ito ng white sugar at creamer. Kaya napangiti ako habang pinagmamasdan siya sa kanyang ginagawa saka ako nagsalita.
"Wala bang lasa 'yang kape mo?"
"Oo, eh. Masyadong matabang," sagot niya at muling ibinaling ang tingin sa hawak niyang kape. Tumango ako kahit hindi niya 'yon nakita saka ako muling humigop ng kapeng hawak ko.
Mayamaya pa ay muli na namang tumahimik sa pagitan naming dalawa, kaya nagdesisyon ako na magsalita para mawala 'yong katahimikan.
"Kuwento ka naman tungkol sa buhay mo," panimula ko, dahilan para bahagya siyang magulat sabay tingin ulit sa akin.
"Wala naman akong maikukuwento sa 'yo," saad niya saka siya tumawa. Kaya napangiti ako at marahang umiling sabay buntonghininga.
"Hindi ako ipinanganak kahapon, Denver. Kaya hindi mo ako maloloko," sagot ko at nadala na rin ako sa pagtawa niya.